Chapter 7

7 1 0
                                    


Chris POV

Sa Bahay...

Nakauwi na din ako at agad na dumiretso sa kwarto ko para sana maidlip muna, pagkagising ko na lang gagawin ang projects. Pakiramdam ko sobrang dami kong ginawa maghapon at latang-lata ako kumilos, ngunit ng pakiramdam ko'y pipikit na ang mata ko, sya namang katok sa pinto ng kwarto ko. Haisst!

Tok..tok..tok..

"Anak, papasok na ako ah, may sasabihin lang ako sayo." Si mama, hay! hindi na lang ipamamaya eh, sobrang ramdam ko na ang antok saka naman biglang naisipan na kausapin pa ko. Nakapasok na nga si mama at syang upo nya sa higaan ko, kaya bumangon na din ako at hinarap si mama.

"Eh ano ba kasi yun ma, importante po ba yan?"

"Tumawag sakin si Tita Veda mo kanina at nabanggit nya na nagsumbong daw si Venus sa kanya na inaway mo daw sa school kanina, ano bang problema nyong dalawa? Aba't mabait na bata yang si Venus, bakit mo naman pinatulan?" Talaga nga naman oh!

"Ma, hindi naman kami nag-away eh, sya lang tong kung ano-anu ng sinabi kanina nung hindi lang ako sumama sa kanila pagpunta sa mall, napaka-childish masyado pati ba naman yun kailangan pa isumbong sa inyo?tsk"

"Anak, intindihin mo na lang, babae yun, kaya dapat di mo na lang pinatulan, ayokong may hindi kayo pinagkakasunduan, ayusin mo yan at wag ko lang malaman na pinaiyak mo na naman sya, pinapakinggan mo ba ko Christoph!?" tanong sakin ni mama dahil talagang wala na akong ganang pag-usapan yun, paulit-ulit na lang kasi, parang takot si mama na may masabi si Tita Veda sa kanya, nakakainis!

"Yes ma, can i sleep now?" walang kagana-gana kong sabi at tuluyan na ngang lumabas si mama ng kwarto ko, salamat at makakapagpahinga na din muna,pero bigla kong naalala si Dabby, nakakatuwa syang asarin sa totoo lang, hindi ata buo araw ko pag hindi ko sya mabbwisit tuwing magkikita kami, haha ang cute lang kasi, Teka! cute? wala akong sinabing cute, naku makatulog na nga lang, mabangungot pa ko sa pagiisip sa dabianang yun! Aistt..


Angela POV

Mabilis na lumipas ang araw pati na rin ang klase parang wala na kong maalala sa napag-aralan namin,haha joke lang! Eto, friday na naman, meaning walang pasok bukas, kaya pwede gumala muna, pero syempre "AFTER" class naman, pupunta kami sa birthday celebration ni buds amy, invited halos ang mga applicants and mga officers namin. Sa ngayon, organization meeting muna bago magsipunta doon, inaantay lang namin na tawagin kami para humanay.

" C.O. Applicants humanay!!!" Sigaw ni Offcr.Lea, isa sa higher rank officer namin, na bali-balita namin eh crush daw ni Offcr.Poly to,hehe opo, nakasagap kami ng signal ng tsismis sa mga kasamahan namin eh hehe..Nagsimula na ngang magbilang at ng matapos ay nasa formation na kami, may ilang beses pa kaming nagpaulit-ulit sa pagbilang dahil sa kakasatan ng mga kabuddy namin na nasa likudang hanay, mga sabik ata sa punishment mga to eh. Napansin ko din na iilan lang kaming nasa platoon ngayon, isang wala si Amy, nagreport naman na sya kanina kina officer na hindi na sya aattend ngayon dahil celebrant eh,hehe pero ang iba nag-quit na, hindi na nakatagal, sa umpisa lang magaling, ang iba ginagamit lang sa pagpapasikat, para daw astig sa school, mga wala namang binatbat, sinayang lang nila yung pagkakataon na makatulong sa school, sabagay wala naman ata sa bokabularyo nila yun eh.

"Pakonti kayo ng pakonti kada may formation tayo, sa mga natitira ba dito, may mga balak pa ba kayong magtagal hanggang sa huli?" tanong nya sa amin na ramdam ang panghihinayang.

"I'm inlove with my BUDDY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon