Chris POV
"Bro, sama ka samin maya, may mga chikababes dun sa dance battle location natin." Gerald
"May formation kami maya bro, pass muna ako."
"Aba at kelan ka pa tumanggi sa ganito hah? Christoph! Mukhang sineseryoso mo naman masyado yang pagiging C.O. mo? (cadet officer) pang-aasar ni Joel.
"Fafa chris, pinagpalit mo na ata kami dyan , di mo na kami love!" anak ng tokwa't nag-pout pa.Si Zeus. Nabatukan ko nga.
"Tigil-tigilan mo nga ako sa kabaklaan mo sa buhay Zeus ah! Mukha kang timang sa totoo lang." natatawang sabi ko.
"Alam nyo naman na gusto ko tong ginagawa ko, gusto kong mapatunayan na magaling din ako sa ibang bagay, hindi lang puro pagtugtog at pagsasayaw, madami pa akong gustong matutunan, at ng matuwa naman parents ko, palibhasa kayo puro spoiled brat eh!" Sabay iling ko na lang.
"Ah eh sige na nga bro, maiba tayo pala, yung si Dabby kanina, ang taray noh? first time may hindi nagwapuhan sayo, umuusok ilong eh hahaha!" -Zeus
"DABBY????" sabay-sabay na tanong namin.
"Oo, short for Dabyana!hahaha yung ka-buddy mo na si Angela #14 haha, yung sa canteen kanina!" tawang tawang pagkakasabi ni zeus
"Ay oo nga bro lupit nun, biruin mo wa-epek ang kagwapuhan naten!"-Joel
Natatawa na lang ako sa isip ko, May araw din sakin ang babaeng yun, sya lang ang unang babaeng naglakas ng loob na sigawan ako ng ganun, ibang klase! Humanda ka lang talaga Dabby! tsk
Habang nasa school quadrangle ang mga officer namin, at mine-meeting pa ng Head Commandant, ay nanonood lang sa kawalan sina Angela, Krisha at Verna, habang andun din ang grupo nina Chris ay nagpapractice ng sayaw at ang mga dikya, na sina Monica, Thea at Venus ay ayun kilig na kilig ang tingle! (ay hala! sorry po, nadala lang!hehe)
"Grabe sina Venus noh? ganun lang na pagsayaw, makahiyaw kala mo malalagutan ng ugat sa leeg eh!" Krisha
"Oo nga krisha, tignan mo naman sina Moon at Thea, with matching talon-talon pa, napaka-OA lang!" Verna
BINABASA MO ANG
"I'm inlove with my BUDDY"
Teen FictionAdvisory: This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either a product of the author's imagination. Any resemblances to actual events are purely coincidental. Madami pong grammatical/typo error, kaya sana maintindihan...