Chapter 2

85.1K 2.3K 270
                                    

Kane's POV

"Hoy Kane ikaw na kumausap kay bossing!" Kanina pa ko pinagtutulakan ng Blake na to a. Tsk.

"Eh bakit kaya hindi ikaw? Ikaw naman nakaisip e."

"Ikaw na. Mas malakas ka naman kay boss e."

"Anong malakas? Kita mo to?" Turo ko dun sa black eye ko. "Oo. Malakas siyang sumuntok gago!"

"HAHAHAHAHA. Eh gago ka din naman kase talaga Kane. Masyado mo namang sinamantala ang pagkakataon." Pang-aasar ni Val.

"Tigilan niyo ko a." Inis na lumagok ako ng alak sa baso ko.

Alam niyo ba kung anong pinagtatawanan nila? Yun kase yung araw na nabaril si Amour. Naalala niyo ba yung ginawa kong pagsuntok sa kanya sa chapel nun? Aba't ang loko naalala pa bigla nung isang araw! Wengya. Akala ko ligtas nako dahil hindi na namin siya makausap e. Ayun, ginantihan ako. Sira tuloy ang gwapo kong mukha.

"Dali na pre. Para namang babae to e. Pa-chis masyado." Umupo sa harap ko si Jade.

"Barilin pa ko nun pag nilapitan ko no. Mawawalan pa kayo ng kaibigang gwapo."

"Edi maganda." Binatukan ko si Chris.

"Walangya to. Alam ko namang insecure ka lang sa kagwapuhan ko e."

"Ulol!" Tinawanan niya pa ko. "Lapitan mo na lang si bossing mamaya lunod na naman sa alak yun."

"Ay sos. Bayaan niyo nga siya. Malaki na yan!"

"Ang sabihin mo takot ka lang. Bading ka talaga e no?"

"Hindi ako bading no! Kayo nga yung mga takot diyan e!" Tumayo na ko at naglakad palapit kay bossing. Nakatalikod siya samin kaya alam kong hindi pa niya ko nakikita. Teka. Ano bang sasabihin ko?

"Teka. Saan ka pupunta?" Inakbayan ako ni Blake ng akma akong tatalikod.

"Iihi lang ako." Palusot ko.

"Asus. Takot ka lang e."

"Naji-jingle nga ako pre. Gusto mo bang sumama?" Nginisihan ko siya.

Imbis na sumagot, tinulak niya ko palapit kay bossing.

Jusko. Ano bang dapat kong sabihin?

'Boss tama na yan.'

'Boss umiinom ka na naman.'

'Boss-'

"What. Do. You. Need." Tengene. Paano niya nalamang andito ako? Langya talaga! "Uulitin ko pa ba? What the fvck do you need?"

"Ah eh.. a-ano boss umiinom ka na naman?" Hindi siya kumibo. "Araw-araw ka na lang umiinom boss-"

"I don't have time for your sermons. Leave." He said in a cold and low voice.

He's back. The cold-hearted mafia boss that we used to know is back. At bilang kaibigan niya, ayoko ng maibalik yung ganitong side niya so I need to do something.

"Alam mo ang tanga mo." Di ko napigilang sabihin. Ramdam ko ang pag-awat sakin ng mga kasamahan ko sa likod pero eto na to e. Kailangan ng magising ng Zachary na to.

"What fvck did you said?"

"Sabi ko ang tanga mo. Alam mo bang ang taas ng respeto ko sayo? Sagad hanggang langit. Kaso ngayon natatangahan na ko sa mga pinaggagagawa mo! Dalawang buwan ka ng ganyan. Tingin mo ba mababalik ng pag-inom mo ang pamilya mo? Tingin mo ba kapag nalasing ka, uuwi dito si Keisha para bantayan ka? Tingin mo ba kapag namatay ka ng dahil sa alak, mabubuo pa ulit kayo? HINDI! Kung hindi ka lalaban para sa kanila tuluyan na silang mawawala sayo!"

"Wala kang alam sa mga nangyayare so you fvcking shut up!"

"Maaaring wala nga akong alam sa mga kaganapan sa inyo, pero para sakin, you are the worst husband for letting go your wife that easily. You are the worst father for not giving your children a complete family."

"Bawiin mo yang sinabi mo." Galit na sabi niya.

"Bakit? Masakit bang marinig ang katotohanan?"

Tinutukan na niya ko ng baril pero hindi ako nagpatinag. "Alam mo kung gaano kasakit mabuhay ng mag-isa. Nang walang magulang na sumusuporta at gumagabay sayo. Nang walang matawag na kumpletong pamilya. Kaya kung talagang mahal mo ang pamilya mo, matuto kang ipaglaban sila. Wag kang duwag."

"YOU FVCKING LEAVE!" Nanginginig na siya sa galit. "KUNG MAHAL MO PA ANG BUHAY MO, UMALIS KA NA SA HARAPAN KO."

"Kane tama na. Tara na sa labas." Aya ni Blake sakin.

"Sandali lang." Inalis ko ang pagkakahawak niya sakin. "Aalis ako hindi dahil natatakot ako sayo kundi dahil ayokong makita ka sa ganyang kalagayan. Mataas ang tingin namin sayo Zach. Hindi ka basta-basta nagpapatalo. Halos makalaban mo na nga lahat ultimo ang kamatayan, ngayon ka pa ba susuko kung kelan pamilya mo na ang pinag-uusapan?"

"Tara na." Hinatak na nila kong apat palabas.

"Gago ka ba? Lalo mo lang pinainit ulo ni boss!" Bulyaw sakin ni Val.

"Hayaan niyo siya. Kailangan na niyang matauhan no." Pangangatwiran ko.

"Pero pre parang sumobra ka ata. Below the belt na yun."

"Ewan ko Chris. Basta ang alam ko gusto kong maayos ang pamilya nila."

***

Go Kane!!! Mehehe. Enjoy! Sa mga nagtatanong po kung nasan si Zach.. kung anong nangyare kay Amour, paantay lang po ng updates ko. Isa-isa po nating sasagutin ang mga questions niyo. Mwamwa! :*

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon