Chapter 47

59.4K 1.4K 68
                                    


Jessy's POV

"Queen we did everything to find them pero wala pa po talaga kaming balita."

Napahawak ako sa sentido ko. "Sige na. Balitaan niyo ko kaagad kapag nahanap niyo na sila."

Yumuko sila tsaka na tumalikod para umalis.

It's been 3 days since Zach called me. Yun yung pinakuha niya ang mga labi ni Lucas. We gave him a decent burial after all, wala siyang ginawang masama sa amin maliban sa mahalin niya si Keisha.

"Jusko naman. Nasan na kaya silang dalawa?" Napatingin ako kay Karen.

"Gusto ko ng kumilos. I want to make a move. A plan. Pero hindi ko magawa."

"Knowing bossing, he's probably upto something." Sabi naman ni Blake na nakaakbay sa kanina pa tahimik na asawa niya.

"Baka mamaya kapag kumilos tayo, masira naman natin yung plano ni Zach." Ani Kane.

"Pero paano naman kung hawak na pala ng kalaban ang mag-asawa? Mananahimik na lamang ba tayo dito?"

Namayani ang katahimikan dahil sa sinabi ni Pia. She definitely has a point. What if wala na din palang magawa si Zach para iligtas ang asawa niya dahil hawak na silang parehas ni Drilon?

"Uy baby! Why are you crying?" Nilapitan at kinuha ni Jl si Sachel mula sa pagkakabuhat ni Amour.

"Nanaginip ata siya tita. Basta nagising na lang ng umiiyak and she keeps on calling mom and dad." Paliwanag ni Amour.

"Tita. Nasaan na po ba sila mommy?" Umiiyak na tanong ni Sach.

"We still don't know baby pero ginagawa naman namin ang lahat para makita sila."

"HOMME! Saan ka pupunta?" Napalingon ako kay Ces. Hinahabol niya si Premier na paalis ng bahay.

"Premier! Get back here." I ordered.

"Tita I need to find my parents. I just can't wait here for my parents to comeback."

"Kuya! Dito ka na lang. I'm sure they are doing everything para mahanap silang dalawa."

"No Lic. I need to make a move."

Napahinga ako ng malalim. "Premier alam ko matalino ka. Alam ko din na kaya mo ng iligtas sila Keisha kung gugustuhin mo pero hindi yan ang kailangan ko ngayon. Hindi ko kailangan yung katigasan ng ulo niyo. What I need is your cooperation. Mas mabuti ng sama-sama tayo dito sa mansion. At least dito may mga armas tayong magagamit kung sakali lusubin tayo nila Drilon."

"Oo nga naman Homme. Stressed ka lang siguro. Tara na muna sa taas. You need to rest." Aya ni Ces. Mukha namang nakikinig siya kay Ces.

"Hoy ha! Baka kung saan kayo umabot na dalawa. Mamaya may apo na yung mga magulang niyo pag-uwi."

"Jl!" Saway ni Pia sa kanya.

"Bakit? Totoo naman a. Ang mga bata ngayon mapupusok na. Puro init palagi ang-"

"Ayun yun e. Wala pala siyang natatanggap na lambing mula sa jowa." Panga-asar ni Kane.

"Whatever! Wala akong pakialam sa torpe na yun. Hmp!"

"Hoy babe! Torpe ka diyan-"

"Oh bakit totoo naman a?" Pambabara niya kay Jade.

"ANAKAN MO NA KASE JADE!" Bulyaw ni Kane.

"Leche!" Pikon na naman si Jl. "Tara na nga sa hospital ate at baka maging single pa ko ng wala sa oras." Hinatak na ko ni Jl palabas ng mansion.

***

"Thank you doc."

"Walang anuman Ms. Smith. Basta kung may problema, just call me anytime. Na-inform ko na din naman po si Nurse Veron about Chris' condition."

"Thank po ulit."

Tumango ito. "Ipapadala ko na lang lahat ng papers sa room ni Mr. Lee para doon na lang kayo maghintay."

"Sige po doc." Lumabas na kami sa clinic niya.

"Buti naman at okay na si Chris. At least kahit paano, nabawasan na tayo ng isang tinik."

"Oo nga." Pagsang-ayon ko. "Sana naman unti-unti ng malutas ang mga problema natin Jl."

Pumasok na kami ni Jl sa kwarto ni Chris.

"Ayun lang. Hindi pa nga magaling na magaling e pumoporma na agad." Bungad ng madaldal kong kapatid.

Tumayo naman si Veron mula sa pagkakaupo. "Magandang hapon ho maam."

"Drop the 'ho' and 'maam' Veron. Tawagin mo na lang kami sa pangalan namin tutal mukhang magiging magkapamilya naman din ata tayo." Kinindatan ko siya. Na-gets naman ata niya dahil nag-blush ang loka.

"Nako Chris. Barilin kaya kita ulit diyan? Ang tinik mo din ha. Nakahiga ka pa diyan at lahat nanliligaw ka na agad. Dinaig mo pa si Val na torpe kay ate-"

"Asan nga pala si panda?" Bigla kong naalala.

"Jusko ate! Panda talaga tawag mo sa kanya. Ang baduy naman ng call sign niyo."

"Kesa naman sa babe. Duh? Ano ka baboy?" Ganti ko.

"Whatever!" Inirapan niya pa ko.

"Pikon." I grinned. "Diyan ka nga muna, may nakalimutan akong itanong sa doctor."

Naglakad na ko ulit pabalik sa clinic ng doctor ni Chris ng may matanaw akong dalawang tao na naglalandian. Agad na kumulo ang dugo ko kaya binalibag ko yung pouch ko sa kanya.

"P*CHA! SINO BANG-... BUNNY?" Gulat na tanong niya.

"BUNNY MO MUKHA MO! Gagong to! Ako pang lolokohin mo. Leche ka! Siya ba yung sinasabi ni Kane na girlfriend mo daw ha?"

"Eto naman nagpapapaniwala ka Kane. Mapaggawa lang ng kwento yun-"

"Talaga lang ha? Eh ano mo yan? Nanay?"

"Excuse me?"

"Oh bakit dadaan ka ba ha?" Pagtataray ko dun sa babae. "Mukha ka naman talagang nanay e. Kaya pala ayaw sakin ng lalaking yan, wala pala siyang taste! Hmp. Magsama kayong dalawa!"

"Teka lang bunny-" Hinabol ako ni Val.

"Bitawan mo ko Val kung gusto mo pang mabuhay." Agad naman siyang bumitaw sakin.

"Let me explain first bunny." He said.

"LECHE KA VAL!" Sabi ko bago siya tuluyang iwanan doon.

Ang dami-dami ko na ngang iniintindi, makikisabay pa siya?

***

Pahinga muna tayo kay Keisha at Zach. Bagay ba si Panda at Bunny? ❤❤❤ #JessyVal

Btw, HAPPY FATHER'S DAY SA MGA DADDY, PAPA, TATAY, DADA, AT KAHIT SA MGA NANAY NA TUMAYONG HALIGI NG INYONG TAHANAN. Please don't forget to greet them ha? Kahit walang gift o bonggang handa, isang yakap at halik lang ang katapat. Okay na okay na yun. And please, don't take them for granted ha? Swerte pa kayo dahil may tatay kayo. Kahit busy sa wattpad, wag na wag niyo silang kakalimutan.

I love you loves! 💋❤

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon