Chapter 37

57.2K 1.5K 101
                                    


Amour's POV

"Daddy pumayag ka na please!"

"No baby. I can't join okay?" Kanina ko pa pinipilit si daddy pero ayaw niya pa ding pumayag.

Humarap ako kay mommy. "Mom pilitin niyo naman po si daddy o. Please?"

"Anak, mahirap pilitin ang taong ayaw." Nagpaparinig na sabi ni mommy.

"Anak, mas mahirap ipagpilitan ang sarili mo sa taong ayaw naman na sayo." Gumanti naman si daddy.

"Alam mo anak mahirap paliwanagan ang isang taong sarado na ang isip." Kanina pa nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Seryoso ba? Para silang mga bata ngayon kung mag-away!

"Anak-"

"Wait lang po ha." Tumayo ako sa gitna nilang dalawa. "I don't know what's happening but something is not right."

Hinatak ko silang dalawa papunta sa library ng secret house na kinaroroonan namin ngayon.

Ipinagdikit ko ang mga kamay nilang dalawa. "Fix this mom and dad." Sincere na sabi ko. "Talk about it. Hindi yung parehas niyo pong iniiwasan ang issues niyo." Pakikiusap ko. "I love you both." Hinalikan ko silang dalawa.

Sana maayos na nilang dalawa yung problema.

***

Keisha's POV

"Zach.."

"..."

"Uy hubby sorry na."

"..."

"Hindi ko na talaga uulitin promise." Sumiksik ako sa kanya.

"..."

"Nakakainis naman to e. Kinakausap ng matino ayaw sumagot. Bahala ka nga diyan!" Inis na inis na sabi ko.

Napakahirap suyuin. Akala mo babae e. Tsk. Bigla namang tumunog yung phone ko.

Waaaaah! Si Pia! Wait, may naisip akong plano.

"Hello?" I answered the phone.

"Kish? Omg! Buti naman sumagot ka. Grabe girl namiss kita pero mas namiss ko si Blake. Hihi."

"I missed you too Love." Napansin kong tumingin sakin si Zach. "Bakit ka nga pala napatawag?"

"Love? Ewwww! Anong natira mo Keisha? Any, uuwi na kase ako sa Pinas. Tulungan mo naman akong i-surprise si Blake. Please?"

"Ay talaga? Pupunta ka sa bahay? Yehey! Excited na ko. Dala ka ng cake at ice cream Lucas-" Biglang hinatak ni Zach yung phone ko tsaka ibinalibag. "Oh my! Yung phone ko Zach!"

"Serves right."

"Ano bang problema mo? Sinira mo yung phone ko!" Galit na sigaw ko. It was his birthday gift to me tapos wasasakin niya lang din pala?

"I'll just replace your phone."

"I know you can pero hindi naman yun yung ikinakagalit ko e. May kausap ako diba? Bakit kailangan mong ibalibag?!"

"Ay oo nga pala. MAY KAUSAP KA." Ngumisi siya. "Pasensiya ka na kung naputol yung usapan niyo ng LOVE mo ng dahil sakin ha? Pasensiya ka na talaga."

"I was talking to Pia! Ginamit ko lang yung pangalan ni Lucas para pagselosin ka dahil kaninamo pa ko hindi pinapansin."

"Yea right."

"Alam mo ang hirap mong intindihin! Kanina pa ko explain ng explain dito pero hindi mo ko pinapakinggan. Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo ko pinapansin. Bahala ka na sa buhay mo!" I grabbed my bag at aalis na sana pero pinigilan niya ko sa braso.

"S-sorry.. Mainit lang talaga ang ulo ko."

"Dahil sakin na naman? Eto na naman yung issue with Lucas?" Inis pa din akong humarap sa kanya.

"Sorry. Sorry pero kung hindi mo ko binibigyan ng dahilan para magselos, hindi ako magkakaganito. Kung hindi mo ipinaparamdam sakin na mahalaga na sayo si Lucas, hindi naman tayo magkakaganito." Tinanaw ko lang siya habang papalabas siya ng library.

Ganito na lang ba kami palagi? Hanggang kailan?

***

Ito na ba ang simula ng pagkasira ng pamilyang pilit inaayos at ipinaglalaban ng mag-asawa?

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon