Chapter 53

56K 1.4K 84
                                    

Veron's POV

"Mabuti naman at okay na yung mga sugat mo." Inalalayan ko siya paupo sa swing.

"Siyempre naman. Hindi lang magaling ang nurse ko, maganda pa." Kumindat pa siya sakin.

"Bolero ka talaga!" Tumalikod ako sa kanya dahil baka mahalata niya ang pamumula ng mukha ko. "Bakit ang daming nakabantay na armdong lalaki dito Chris?" Matagal ko ng napapansin yun pero hindi ko magawang magtanong.

Matagal namayani ang katahimikan sa aming dalawa kaya humarap na ko sa kanya. "Chris?"

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Anong naiisip mo kapag naririnig mo ang Mafia?"

"Masama? Ilegal? Pumapatay? Hindi ko alam. Bakit mo naman natanong yan?" I asked him back.

"I belong to a Mafia group. Lahat ng nandito sa bahay actually." Natahimik ako sa sinabi niya. "Alam kong nakakagulat pero hindi kami masamang tao. May kanya-kanya kaming storya. At may kanya-kanya din kaming ipinaglalaban sa buhay."

"Pumapatay ka din?" Nananantiyang tanong ko.

"I want to say no, but I want to be honest with you. Yes. Pumapatay ako. Pumapatay kami pero hindi ng mga inosente. Yung mga karapat-dapat lang patayin." Sabi nito.

"Gaya nino?"

"Gaya ng grupong pumatay at gumahasa sa magulang nina Ms. Keisha at bossing." Hindi na ko kumibo. He held my hands. "Alam kong mahirap intindihin ang lahat Veron. Hindi lahat ng tao kayang kaming tanggapin. Pero ito na ang buhay naming mga Dawson. Kalaban ng isa, ay kalaban na ng buong pamilya."

I squeezed his hand. "Thank you for your honesty Chris." I smiled.

"Hindi ka galit?" Gulat na tanong niya.

Umiling ako. "Nagpakatotoo ka lang at walang masama doon. Thank you for trusting me."

"Kailangan e." He said.

"Anong kailangan?"

"Diba kapag gusto mo ang isang tao, kailangan makilala ka muna niya ng buong-buo. Pangalawa, kailangan magpakatotoo ka sa kanya."

"Ano ba yang sinasabi mo Chris?"

Imbis na sumagot ay inilahad niya ang kamay niya. "Thank you for taking care of me Ms. Beautiful." He smiled. "Ako nga pala si Chris Lee and I'm part of a Mafia."

Kahit hindi ko masyadong maintindihan ay sasakyan ko na lang ang trip niya sa buhay. "I'm Veron Seo at isa akong nurse." Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad.

"Ikinagagalak ko ang makilala ka Ms. Seo."

"Same here Mr. Lee." Sabi ko sa kanya. "Pwede mo na pong bitawan ang kamay ko."

Napakamot siya sa ulo. "Pasensiya ka na Ms. Seo, masyado kaseng malambot ang kamay mo kaya masarap hawakan."

"Loko-loko ka talaga. Ano nga ba yung sinasabi mo kanina?"

"I want you to know me better."

"At bakit naman?" Taas-kilay na tanong ko.

"Gusto kita Veron." Seryosong sabi niya.

"G-gusto mo ko?" Utal na tanong ko.

"Gustong-gusto ko. Alam kong masyadong mabilis ang mga pangyayare but there is something about you that captivated me. My heart." Napangiti naman ako sa sinabi niya. "I love staring at you and I want to be your protector." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Huwag kang mag-alala, hindi naman ako nagmamadali e. I just want you to know that I will court you from now on."

"What if ayoko?" Siyempre pakipot dapat muna no.

"I don't take no for an answer." He winked.

"Eh bakit sinasabi mo pa to sakin ngayon?"

"Para lang ipaalam sayo na wala ka ng kawala." Sabi niya tsaka idinikit ang mga kamay ko sa labi niya.

Sino bang nagsabi na gusto kong kumawala?

***

Sorry loves! Super busy si Ms. A ngayon. Andami kong inaasikaso. :( Enjoy! 💋❤

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon