Chapter 49

60.3K 1.5K 97
                                    

Pia's POV

"Ayan baby Sach bagay na bagay sayo yung biniling headband ni tita Pia." Sinuklay ko pang mabuti ang kanyang buhok.

"Is Sachel pretty na po tita?"

"You're always pretty naman baby. Mana ka kay mommy mo e."

She smiled at me. "Thank you tita." Niyakap niya pa ko. "Dapat po may baby na kayo ni tito Blake para may aayusan ka na po."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ang saya siguro ng may sarili ng baby no? Hindi na yung nakikialaga lang ako ng anak ng iba pero happy naman ako. "Bakit naman baby? Ayaw mo bang inaalagaan ka ni tita?" I asked.

"Gusto naman po pero diba po mas okay kung may baby ka na po tita? Tapos aalagaan po natin siya."

"Really? You'll gonna help to take care of my baby?"

"Of course tita!" Hinawi ko yung buhok niya.

"Anong mas gusto mo, baby boy or baby girl?"

"Both tita!"

"Both? So twins ang gusto mong anak ko? Hindi kaya mahirapan naman si tita Pia mag-alaga niyan?" Tanong ko.

"Diba tita I will help you naman po? Tsaka mommy will be there to help you too. And pwedeng tig-isa po kayo ng aalagaan ni tito Blake." Para talaga siyang matanda kung mag-isip.

Twins? Baby girl and baby boy? Sounds great.

***

Blake's POV

"Hmmm.. bango naman." Niyakap ko si Pia pero tinabig niya yung braso ko.

"Dun ka nga Blake! Ang init-init tapos yayakap pa."

"Ang sungit ata ng asawa ko? Sorry na po." Paglalambing ko.

"Ewan ko sayo!"

"May pasalubong naman ako o." Inilapag ko yung paperbag na bitbit ko sa kama namin.

"Ano yan?" Mataray na tanong niya.

"Ano ba ang pinapabili ng asawa ko kanina?"

"AVOCADO?" Parang nangislap naman ang mga mata niya ng banggitin niya yan.

"Ang pagkatamis-tamis na atis."

"WOW! THANK YOU!I LOVE YOU TALAGA!" Niyakap na niya ko. Mga babae talaga, pagkain ang kahinaan.

"Siyempre love din-" Itunulak niya ko palayo. "Bakit na naman babe?" Takang tanong ko.

"Ang baho mo!"

"Anong mabaho?"

"Basta mabaho ka!" She hissed.

"Babe naman. Kailan naging mabaho ang gwapo?"

"Kakasabi ko lang diba?" Pagtataray niya. "Ang baho-baho ng pabango mo!"

"Bakit mabaho? Eh ikaw pa nga ang pumili nun para sakin. Sabi mo pa dati ang bango-bango nun."

"Ah basta! Mabaho ka. Lumabas ka nga ng kwarto."

"Pagod ako babe. I want to rest." Humiga na ko sa kama.

"Blake naman e! Subukan mong wag bumangon diyan, wala kang katabi mamayang gabi!"

"Babe naman e." Angal ko.

"Maligo ka muna. Dun sa baba ha! Baka maiwan yumg amoy mo sa CR natin!" Binatuhan niya ko ng bath towel kaya wala akong nagawa kundi ang bumangon na para maligo sa baba.

"Oh panget ka na nga, busangot pa mukha mo?" Bungad sakin ni Val.

Hindi ko siya pinansin.

"Di ka naka-score no tol?"

"Fvck you ka!" Bwisit na sabi ko.

"Di tayo talo tol." Umupo muna ko sa couch. "Problema mo ba tol? Tsaka bakit dito ka pa maliligo sa baba. Pinalayas ka ng asawa mo no?"

"Ewan ko ba. Nung isang linggo pa yun masungit e."

"Baka naman-" Naputol yung sinasabi ni Val dahil biglang bumaba si Pia.

"Babe.." Tinabihan niya ko.

"Yes babe?" Inakbayan ko siya. Kapag ganito to, ibig sabihin may gusto o kailangan e.

"Naubusan tayo ng evaporated milk. Bili mo ko."

"Bukas na lang babe." Sabi ko sa kanya.

"Pero gusto ko ng kainin yun avocado ko. Gusto ko may milk."

"Bukas na nga lang. Tinatamad na kong lumabas e." Pagod na talaga ako and I want to sleep dahil kagabi pa namin hinahanap sila bossing.

"HINDI PWEDE! Gusto ko ng kainin yun ngayon. As in NOW! Kaya bumili ka na ng evap! Kapag wala, wag kang tatabi sakin ng isang linggo!" She yelled sabay nagdabog na paakyat ulit sa kwarto.

Napatingin ako kay Val na nagpipigil ng tawa.

"Tang*na mo tol! Halika na nga!"

"Hindi ako pumapatol sa lalaki Blake! Wag po! Wag po!"

"Pakyu ka! Samahan mo ko sa supermarket ng makabili ng sampung dosenang evaporated milk." Pikon na pikon na sabi ko.

"Uy takot ma-out of the kulambo." Dumiretso na kami sa garahe. "Alam mo tol sa tingin ko, may isang bagay ka pang dapat bilin."

"Ano naman yun?"

"Pregnancy test."

"PREGNANCY TEST?!" Parang nabilaukan ako sa sarili kong laway. "Aanin ko naman yun?"

"Gago hindi ikaw! Yung asawa mo!" Binatukan pa ko ng walanghiya.

"Aanin naman ni Pia yun?"

"Kakainin siguro. Para namang tanga to e. Inaano ba yun? Diba iniihian para malaman kung buntis?"

Parang ayaw tanggapin ng utak ko yung mga sinasabi ni Val.

"Buntis si Pia?"

"Ako ba ang ama?" Upakan ko kaya to? "Kaya ka nga bibili para malaman diba? Ganyang-ganyan kase si Miss Keisha kay bossing e. Di mo ba naalala? Basta ganun! Mas mabuti ng sigurado tayo tol."

Posible kayang buntis na si Pia? Magiging daddy na ko?

***
Ano sa tingin niyo? Buntis kaya si Pia? :)

Sa mga nakakamiss pala kay Keisha at Zach, tiis lang ng konti ha. Para sa ikagaganda ng story yung ginagawa ko.

Any, 3.98M reads na po ang MTAMB 1 and 1M+ na po ang MTAMB 2, MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT! ❤💋

May bago po pala kong story, abangan niyo ha? 'Innocent Heart' ang title! Mwamwa! ☺

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon