Chapter 52

54.8K 1.4K 105
                                    

Keisha's POV

"Sinabi ko naman sayo diba? Ang hindi marunong sumunod, napaparusahan." Napatingin ako sa pintuan ng kwartong pinagkukulungan sakin.

Pumasok mula doon si Jim na tauhan ni Drilon habang may kinakaladkad na babae papasok.

"Nasasaktan ako! Pakawalan niyo na ko dito!"

Ngumisi si Jim. "Sa tinagal-tagal mo na dito, kelan ka pa nakakita ng babaeng napakawalan? Wala diba? Mamamatay ka muna."

"Hayop talaga kayo! Hayop!" Nagwawala na yung babae kaya hinawakan ng dalawa pang tauhan yung magkabila niyang braso.

"Dito ka muna mag-stay. Magpakatino ka dahil may bago kang kasama. Alagaan mo yan dahil first class yan." Tukoy niya sakin. "Inumin mo na to."

"Ayoko na niyan! Binababoy lang ako ng mga customer kapag nakainom ako niyan!"

"Pampakalma nga to diba? Para hindi ka manlaban."

"AYOKO!" Kahit nagpupumiglas ang babae ay sapilitan naman siyang pinainom ni Jim.

Maya-maya lang ay hindi na nanlaban yung babae at humiga na lang sa kama.

"Ikaw." Pagkausap niya sakin. "Gusto mo din ba?"

"A-ayoko.." Kinakabahang sabi ko.

"Sige na. Isa lang naman." Dahan-dahan siyang naglakad palapit sakin. "Inumin mo to." Sabi niya tsaka sapilitang idinikit sakin yung baso na naglalaman ng juice. Itinikom ko ang bibig ko pero dahil sa pagpupumilit nila ay unti-unti ng pumapasok sa bibig ko yung pinainom nila.

Bigla na lang akong nahilo. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa alapaap. Ano bang meron doon sa pinainom nila sakin?

***

Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko ang nangyare kanina bago ako mawala sa huwisyo. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa hilo.

"First time mo?" Napalingon ako sa magsalita. Siya yung babaeng nanlalaban kanina. "First time mo nga. Tsk. Mga walanghiya talaga yung mga lalaki na yun. Lahat na lang ata ng babae gustong dalin dito sa Casa."

"Casa?" Gulat na tanong ko.

"Oo. Hindi ka pa ba nagkakaroon ng customer?"

Naguguluhan akong umiling. "Anong customer ang sinasabi mo?"

"Naku naman!" Napakamot pa siya sa ulo. "Bago ka nga dito. Osiya ipapaalam ko sayo tong napasukan mo. Casa to ng mga babae-"

Sabay kaming napalingon ng bumukas ang pintuan. Bumungad sa amin si Jim na kasunod ang isang matandang lalaki na nakasuot ng madaming alahas habang humihithit pa ata ng tabaco. Makaluma naman nito.

"Mr. Caga this is Michelle." Pakilala niya sa babaeng katabi ko. "She will be the one to accompany you later."

Tuminin ako dun sa Caga pero laking gulat ko ng sa akin pala siya nakatingin. "She's beutiful. I like her." Kinilabutan ako ng ituro niya ko.

"I'm sorry Mr. Caga but she is not available."

"Why not! I can pay any amount!"

"I know sir. But she is not really available. If you want to get her, you can come to the auction."

"Anong auction!" Hindi ko na napigilang makisabat.

Ngumisi sakin yung Caga. "Wait for me dear. I will be the one to get you." Dahil sa sinabi niya, parang nanlamig ang buo kong katawan. Hindi nga nila ko sinasaktan dito, pero parang may mas malala silang plano para sa akin.

"Let's just wait for Michelle downstairs Mr. Caga." Sabi ni Jim.

Pinasamahan niya dun sa isang tauhan yung matanda para mauna na sila sa pagbaba tsaka nagpatong si Jim ng isang baso sa side table. "Mag-ayos ka na ng sarili mo. Huwag na huwag mong kalimutang inuman yan kung hindi yari ka sakin. Naiintindihan mo?" Sinabunutan niya si Michelle.

"O-oo.." Tanging sagot niya bago tuluyang lumabas si Jim.

"Okay ka lang ba?" Nilapitan ko siya.

Pinilit niyang ngumiti sakin.

"Hindi ko talaga naiintindihan. Ano bang meron sa lugar na to?" Tanong ko.

"Sa ibang araw ko na lang ipapaliwanag sayo. Baka malintikan na naman ako kapag nagtagal ako dito." Naiintindihan ko naman siya. Sa ilang araw na pananatili ko dito, madami na kong nasaksihan. At isa na dun ay walang sinasanto ang mga tao dito. They can kill whenever and wherever they want.

Nakatitig lang ako sa kanya habang nagpapalit siya ng damit. Nag-iwan naman kase si Jim ng damit na isusuot niya at sobrang nakakagulat dahil halos hubad na din naman ang katawan niya sa kakapirasong telang ibinigay nito.

Naglagay siya ng make-up at lipstick sa dresser na nasa loob ng kwarto. Inipit din niya pataas ang kanyang buhok bago lumapit sa side table at tinungga yung juice na iniwan ni Jim.

Maya-maya lang ay para na siyang nawala sa sarili. "Ano ba talagang meron yang drink na yan?"

"Drugs." Bale-walang sagot nito.

"D-drugs?" Napalunok na tanong ko.

"Oo. Kaya wag na wag kang iinom niyan. Kahit anong mangyare pilitin mong iluwa yan." Sabi nito bago tumalikod at lumabas ng kwarto.

Ibig sabihin, may drugs yung ipinainom nila sakin kanina?

***

Salamat sa walang sawang paghihintay at pagsuporta. Love ko kayong lahat! 💋❤

ANNOUNCEMENT! 5 CHAPTERS TO GO. Kung madadagdagan, still not sure. Pakiantay lamang po ang mga susunod na chapters, matatapos na to. ☺

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon