Ang kwentong ito ay para sa mga taong low self-esteem, Gustong tumawa, Gustong magkaroon ng friends, nakakarelate etc.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
High school pa lang nagkukulong na ako sa kwarto, sobrang baba kasi ng kompyansa ko sa sarili kaya ayun bihira lang ako lumabas at makipag-socialize.
Tumayo ako at humarap sa salamin. Kitang-kita ko talaga ang hitsura ko, nakakaalibadbad ang face ko, ang hair ko makapal, ang kilay ko nagsalubong kaya di man lang makadaan ang pawis ko sa nosebridge, Yung teeth ko naman butterfly shape ang incisors at medyo kakulay din ng itim na grotto ang aking balat. Nakakainis talaga, ipinanganak akong nuknukan at hukluban. Bakit si Cristine Reyes, Song Hye Gyo at Jan Di sobrang ganda?
Meet me, Carmella Talavera (pronounced as Talaveyra) milang for short. Talagang pang south America ang name ko ah pero kagandahang loob lang ang asset minalas sa face eh.
17 years old pero mukhang late adulthood na. Masipag naman akong mag-aral, sa katunayan nga achiever ako ng section namin noong fourth year High school ako.
First year college na ako, unang araw ng pasukan at nakakakaba. Pagpasok ko sa room mukhang medyo madami na pala sa loob pero di pa naman ako late. May bakante sa unahan pero wala akong lakas ng loob para maupo doon, ayun sa likod may bakante pa, doon ako bagay. Habang naglalakad ay nakatingin ang iba sa akin kaya kinuha ko ang aking Cp para kunyare nagtetext ako. Hay, sa wakas nakaupo na din ako at napabuntong hininga. Inikot ko ang aking paningin upang maghanap ng mga pangit para di ako nag-iisa sa hamon ng buhay.
Ayun, may nakita agad ako, isang lalaki na malaki ang mata pang Guiness World Book of Record. Napansin ko din ang isang babaeng maputi, aba may nametag agad “Beverly” ang name, singkit pero tabingi nose. Nahihiya ako para sa kanya at ang arte pa nya magsalita.
“Hi” sabi ng isang babae na kauupo lang pala sa tabi ko.
Nagulat tuloy ako sa kanya, teka pangit din ba ito? Nakaupo din sa likuran eh. Parang paga ang eyes nya. Nag hello ako sa kanya, siya pala si Anina. Nang Makita ko ang whole face niya, may parang pasa sa may cheek. May asawa na kaya ito? Parang binugbog kaya paga din siguro ang mata o kaya’y minamaltrato sa bahay. Kinagat ko na lang ang dila ko para di matawa. Ang huling pumasok ay isang babaeng nakajacket at legging tapos naka rubber shoes na parang bulldozer , may nametag din siya at “Mercy” ang name. Wow! Kaawaan siya.
Napapangisi na ako at napansin pala iyon ni Anina.
“Ba’t ka tumatawa?”
“Ah, wala may naalala lang”.
Actually, ang gusto ko humanap ng pagtatawanan; doon lang kasi gumagaan ang loob ko. Pag pinag-uusapan ang tunkol sa pangit, kinakabahan ako baka kasi mainvolve na naman ako kaya umiiwas na agad ako sa mga ganung usapan. Tiyanak sa likod ni Nadine sa Darna, Betty la fea, si bakekang at ngayon ay si Marilyn (pangit version) allergic ako sa kanila.
Ang aga naming nag-uwian, deretso na agad ako sa kwarto at kinuha ang bagong notebook para sa aking diary.
“Dear diary, Blah! Blah! Blah! Blah!... Hindi ako nag-iisang pangit sa room, thank you”
Profile pic ko sa Fb si song hye gyo, super ganda nya eh. Minsan hinack ako ni kuya, gawin ba naming profile pic o ang picture ni bakekang.
“Pagbutihin mo lang kuya” sabi ko sa kanya at tinawanan lang ako.
Naghahapunan na kami, kinumusta ni mama ang first day of school ko.
“Masaya naman po super”
Si kuya tumatawa, lagi na lang akong inaasar. Tatlo lang kami sa bahay; si mama, ako at si kuya, si papa nasa abroad.
Tapos na ako mag-fill up ng class cards at magpangalan sa notebook. Nag fb na ulit ako, 1 friend request, si Anina Dimasalang
“Ah, yung binugbog, Accepted”
Tiningnan ko ang profile nya.
“19 years old lang pala siya, mukhan wala pa itong asawa so maltreated siguro sa bahay”
Di ko kasi natanong, kasi 1st day of school? Yun agad ang tanong?
Tiningnan ko ang mga photos niya,
“Yes naman, makapagpacute daig pa ang walang pinagdadaanan”.
Parang di naman pasa ang nasa cheek niya. Niresearch ko sa google “Skin discoloration” una kong nabasa kong nabasa ang “Mongolian spots” kaya simula noon Mongolian spot nay un.
“ayan OL siya, maichat nga”
“Hi Anina, ty sa add”
Anina is typing…
“Welcome ”
At nagkapalagayang loob kami. Mag-iisang oras na kaming magkachat, naboring na ako baka siya din.
Nagtype na ako, “Bye pang…” pipindutin ko n asana ang “I” at “T” nang bigla itong ienter ni kuya.
“Oh my, ang tanga mo kuya! Hindi ko dapat ieenter yun”
bigla kong nadampot ang isang makapal na aklat at ibinato yun sa kanya.
“Kuya alam mo, para kang yung mongoloy sa commercial ng Mcdo, SMILE KA DIN”.
“OO na, sige good night”. Bigla siyang lumabas na ng kwarto.
Binalikan ko ang chatbox.
“Anong Pang?” reply niya
Nagtype ako,
“Pangga =-) hehehe”
“ahh, akala ko pangit”
Bigla akong kinabahan ng bahagya.
“Uy, hindi ahh! Kakikilala pa nga lang natin
saka gusto talaga kita maging friend”
“Haha, joke lang alam ko naming di mo magagawa iyon sa akin. Good night”
“Good night din :-D”
Ayan, nakahinga na ako ng maluwag.
Maglalog-out na sana ako nang Makita ko ang name na “Mercy Olgado” mutual friend ni Bugbog, siya yung isa sa may name tag na may bulldozer na shoes.
Tiningnan ko ang profile niya,
“19 lang din siya, mga ate ko na pala sila”
Tiningnan ko din ang photos niya.
“Wow, nakatube pero ang daming taling hanggang braso at legs?”
Tumawa ako ng ihit.
“Si Balat Baklayon na ginampanan ni pokwang sa D’ anothers”
Iniadd ko siya, alas 10 na pala ng gabi di ko na namalayan. Naglog-out na ako at natulog.
BINABASA MO ANG
Bakit gusto kong pagtawanan ang mga pangit?
Humor"Super sayang humanap ng kapintasan ng iba tapos pagtawanan ito". 'yan ang hobby ni milang, isang pangit na gustong-gusto pagtawanan ang mga pangit. Insecure ba siya? o dun lang siya sumasaya?