Pasok na ulit sa school. Sobra na naman ang ayos ko pinkish delight.
Habang naglalakad biglang may tumawag,
“’Nay perlita”
Hinanap ko talaga yung tumawag, ayun isa pa lang pangit na maitim at kumakaway pa; lakas ng loob.
“Hoy, Marilyn magpasurgery ka na kelangan na kasi”
“Anong sabi mo?” nainis siya
“Oh, patingin ka rin ng tainga baka puno na ng lugang kasing amoy ng iyong hininga”
Nagsigawan ang kanyang mga kaibigan.
Nagderetso na ako sa aking room,
Napansin agad ako ni kirson,
“Ganda ng Lips” pabiro niyang sabi
Medyo kinakabahan na naman ako,
“Syempre, pink yan”
“Parang p*ke” tawa na naman sila
Naupo na ako, andun na si anina.
“Lumalakas na loob mo ah”
Nginitian ko na lang siya.
“Anong gusto mo gawin ngayon?” tanong niya, so naisip ko magbilang ng mga pangit sa buong araw.
“Ay, magandang ideya yan”
“pang one ka anina---hahahha”
“Kapal nito, eh di pang two ka---hahaha” bawi niya
“Joke lang, di tayo pangit”.
Kanina pang dakdak ng dakdak ang teacher namin pero walang napasok sa utak ko kasi ang init, hindi ko naman alam na kumakatat na pala ang makeup ko.
“Milang, disaster na yang mukha mo oh”
“Bakit? May makeup naman ako ah”
“Ayun na nga, kumilos ka na at nag-aaklas na sila”
Lumabas kaming dalawa upang magpunta sa CR, nakatungo ako habang naglalakad; buti na lang hindi mahaba ang aking baba kundi kanina pa akong namatay.
Nang nasa loob na, napatili ako sa aking hitsura. Pwera biro, nasuka ako ng literal. Hindi ko pa rin talaga kaya tumingin sa salamin.
Naghilamos ako ngunit si anina ang nagsisilbing salamin ko.
“Back to reality na naman ang face mo” sabi niya
“Ok lang, tara na”
Bawat estudyanteng nakakasalubong namin ay nagbubulungan, malakas ang kutob kong ako yung pinag-uusapan nila.
“If you can’t join them, Beat them” sabi ko kay anina
“Tapang”
Nang mag-uwian, sinamahan ko si anina sa super market upang hintayin ang kanyang ina upang mamili. Sa paghihintay, naisipan naming mangulit ng may mga kapintasang dumaraan.
May dumaang babae na may balat sa kanyang pisngi,
“Ayan na pala si tita oh”
“Asan?”
Napatingin siya sa kanya.
“Sama mo”
Tawang-tawa na naman ako.
May dumaan namang lalaki na marami ang taghiyawat,
“Kuya, may eskinol po sa loob ng super market” sabi ni anina sa kanya, hindi ko lang alam kung naintindihan ni kuya kasi derederetso siya sa kanyang paglalakad.
May dumaan ding babaeng maitim,
“Ate, whitening products po?” tanong ko naman
“No, thanks!” bwelta niya
“Aba, may attitude hindi sisikat yan”
Si ateng nakatube na dumaan, may pinagdadaanan ang kilikili.
“Ate, veet po try nyo”
Ito na naman, kinagat ko yung dila ko upang pigilin ang aking hagalpak na tawa.
“Ang tagal naman ni tita, dadating pa ba siya? Mag aalas singko na”
“Oo, kakatext lang niya ngayon on the way na daw”
Napagdesisyunan naming pumunta sa isang fun house malapit doon. Puno yung videoke house, parang first time ko lang makapunta sa ganitong lugar; maingay at maraming tao. Kinuha ni anina yung song book at nagscan ng mga kanta. Ang tagal naming naghihintay, so kinatok ko yung pinto.
“TOk!Tok!TOk!”
Biglang may nagbukas, isang estudyanteng babae.
“Bakit?”
“Ah, may CR ba dyan?” sabay tingin sa loob.
Sinamaan niya ako ng tingin.
Nag-apir kaming dalawa ni anina.
“Ate Balat!” tawag ng isang bata sa di kalayuan.
“Balat!” lalong lumakas yung tawag,
Hanap-hanap kami sa kanya, at yun nakita namin si Allysa na kapatid niya na naglalaro din doon.
“P*tang ina mo, bakit narito ka?”
“Naglalaro ako ate balat”
Napipikon na nga si anina,
“Pag hindi ka pa tumigil na hayup ka, humanda ka sa akin sa bahay”
Nagtext na si tita, pinaauuwi na kami at di na daw siya natuloy.
![](https://img.wattpad.com/cover/7338459-288-k639021.jpg)
BINABASA MO ANG
Bakit gusto kong pagtawanan ang mga pangit?
Humor"Super sayang humanap ng kapintasan ng iba tapos pagtawanan ito". 'yan ang hobby ni milang, isang pangit na gustong-gusto pagtawanan ang mga pangit. Insecure ba siya? o dun lang siya sumasaya?