Nasa school na ako at ang mga kaklase ko, linggo ng umaga dadalo kami sa isang “prayer rally against Rh bill”.
“Sakay na kayo dali at mahuhuli tayo” wika ni sister Linda na siyang matron namin.
Ang sarap sumakay sa coaster, ang linis ng loob at fully airconditioned. Sa pinakahuling bahagi kami sumakay nina anina, Claudia, cora at Erika, sayang at hindi nakasama si Patricia.
Nagkukwentuhan kami nang magsimulang tumakbo ang coaster na minamaneho ni kuya jim.
“ano bang malapit na SM doon?” tanong ni anina
“Ang alam ko, Robinsons Galleria” sagot ni Claudia
“Ahhh… gawa kasi ni mama at ng aking mga kapit-bahay nagpapabili ng kung anu-ano”
“Prayer rally kaya ang pupuntahan natin” wika ko naman
Kanina pa pala silang nagdadasal, pero daldal pa rin kami nang daldal. Naki Amen na din kami pero after noon, kanya kanya na ding kwentuhan. Naisip naman naming humanap ng mga nakakatawang tao sa labas ng coaster nang ito’y tumigil upang bumili ng pagkain.
Una si ateng nakabihis staff sa isang hospital malapit sa amin, pasilip-silip sa entrance ng Emergency room at nagkakamot ng pwet sa bandang harap namin.
Kinuha ni kirson ang kanyang fone at nagkunwaring kinakausap ito, “Makati ba?” tanong niya na narinig nito.
Dumaan ang staff malapit sa amin at ang sabi ay “OK, FINE!”
Hinintay namin ang pagbabalik ng staff pero hindi na siya bumalik, sinabi ni Kirson na hindi na daw iyon babalik kasi naghahanap ng edge ng lamesa upang doon ikamot ang makating pwet.
Nagtawanan na naman kaming lahat,
Kanina pang nakaalis ang coaster mula sa aming tinigilan, idinemo ni kirson sa upuan ni sister kung paano daw ikinamot ng babae sa edge ang pwet nito. Talagang ikiniskis niya ang kanyang pwet sa isang edge sa coster. Napapatawa lang si siter na medyo sumasama ang tingin pero kami talaga ay super enjoy doon.
Lunch time na, tumigil muna kami sa isang fast food chain at doon kumain. Ang daming dalang pagkain ni sister para sa amin; Fish fillet, adobo at fried chicken.
Inihilera namin ng isang deretso ang mga table,
Nakatingin ang mga costumers maging mga crew at manager doon. Hindi naman ako nahiya kasi madami kami.
“Sige, kumain na kayo” sabi ni siter sa amin.
Sobrang sarap ng pagkain namin.
“Salamat po sister sa pagkain”
Nagkainan na kami, walang nakapigil sa amin. May mga taong kakain ang nakatayo kasi walang maupuan.
“Naku, wala pala tayong dalang tubig” nakalimutan daw ni sister magdala.
Tinawagan niya ang isang crew,
“Excuse me, pahingi namang tubig”
“Ilan po, sister?”
“28 lahat”
“S-sige po”
“Thank you”
Kita namin ni anina na pinapagalitan ng manager yung crew kaya para di nakakahiya, naisipan naming dalawang umorder. Nakita iyon ng manager kaya’t ipinag utos niyang mag dala ng 2 pitsel na tubig.
“Isa pong fries, regular”
Iyon lang ang inorder namin.
“25 pesos po lahat”
BINABASA MO ANG
Bakit gusto kong pagtawanan ang mga pangit?
Humor"Super sayang humanap ng kapintasan ng iba tapos pagtawanan ito". 'yan ang hobby ni milang, isang pangit na gustong-gusto pagtawanan ang mga pangit. Insecure ba siya? o dun lang siya sumasaya?