Acquaintance Party

44 2 0
                                    

Nasa bahay lang ako ngayon, wala kasing pasok at wala ding pasyal. Nakita ko ang kaisa-isang picture na kinaiinisan ko sa aking tanang buhay nang kalkalin ko ang aking cabinet. Naka fairy costume na yellow ang dress tapos kumikinang ang raffles. Naka eye shadow na purple, pink ang lipstick at may blush on pa.

Ang pangit ko talaga, naka ribbon tie pa ang aking buhok at gladiator na gold. Alas 7 na noon, sayawan na daw ng mga new classmates. Parang halos lahat sila sumasayaw maliban sa akin, ultimong si anina na ang costume pala ay pusa pero dahil sa kabonggahan ay naging isang leon ay sumasayaw kasama ang naggagwapuhan naming kaklase.

[Kasi binayaran ni anina ang mga may hitsurang kaklase tapos ang mga pangit naman ay binantaan na tatambangan sa labas kapag hindi siya isinayaw]

Naisipan kong mag-CR para hindi naman nakakahiya ngunit nang pumasok ako’y isang malaking salamin ang sa akin ay tumambad kaya napasuka ako so balik ulit ako sa upuan. Di ba acquaintance party?, Bakit Para namang Prom ang gabing ito kasi naging sweet ang tugtog “Against all Odds”, nakakairitng Makita si anina na feel na feel ang lahat di niya lang alam, ang hitsura niya ngayon ay parang hinulma sa gawaan ng paso. Kanina pa akong naghihintay ng may mag-alok ng sayaw sa akin o dapat ko bang sabihing naghihintay na matapos ang programa. Kinuha ko na naman ang aking patalim sa aking bag at pasimpleng binutas ang ilang silya palibhasa’y madilim. Bawat beat ng tugtog ay aking isinasabay ang pagsaksak sa silya,

Nagpahinga sandal si kirson at umupo sa aking tabi.

“Kirson, isayaw mo naman ako” alok ko sa kanya

“Hala, pagod na ako sumayaw ka doon mag-isa” [Ayaw niya lang talagang isayaw siya]

Bago pala mangyari ang catering, nagkaroon ng kaunting problema,

Ang lahat kasi ay kinakailangang magbayad ng 350 pesos, kalahati ang hindi pumayag kasi sobra daw mahal kaya nag-suggest si kirson na magdala na lang daw ng binalot; nakakatawa naman, binalot talaga?.

“Kirson, ito naman ay para din sa inyo; kayo rin naman ang kakain nito” wika ni ma’am Lahagra na isa sa aming guro at nag-aasikaso ng programa.

Sumagot agad si kirson,

“Ma’am, ang mahal; may alam nga po ako, 150 pesos lang so parang binayaran na rin po namin ang pagkain nyo, kakain din naman po kayo”

Kinabahan kami sa magiging reaksyon ng guro.

“Oh, di hindi ako kakain; sasabihin ko sa mga guro nyo na hindi na kami kasali sa pagkain” sagot nito bago tuluyang lisanin an gaming room.

Sa huli ay pumayag na rin si kirson at ang iba pang may ayaw.

[Ma’am Lahagra’s POV]

Kausap niya si ma’am Katelyn, ka close niyang guro na mas mataba sa kanya.

“Talagang ang sama ng loob ko, Beh”

Nakasandal lang si ma’am Katelyn sa isang table na kanina pang umuurong dahil sa kabigatan nito.

“Pabayaan mo na lang, matututo din siya”

Kinukusot ni ma’am lahagra ang kanyang mata.

“Sinabi ko nga na hindi na tayo kakain, bahala na sila”

Hindi na alam ni ma’am Katelyn ang isasagot nang marinig ang impormasyong iyon, hindi na sila kasali sa pagkain.

[nasa isip ni ma’am Katelyn :

Anu ba naman ito, sinabi pa iyon; nabalitaan kong ang sarap daw ng handa, idadamay pa ako! Hindi ako mabubusog sa pride mo uy]

Sa madaling salita, nagpunta na ngayon si kirson sa opisina ng mga guro malapit sa mismong venue ng aming party upang siyasatin kung kumakain pa ng pride si ma’am Lahagra.

“Uhm hum, sinasabi ko na nga ba’t Pride chicken ang kinakain” wika nito

“Hindi daw kakain ha, at look namumuulan pa kasalo si ma’am Katelyn na halos upakan ang kalahating parte ng lechon”.

Napailing na lang si kirson.

Balik sa akin,

Dahil wala namang napansin sa akin, maninira na lang ako.

>Yung bag ni anina na mamahalin ay aking itinapon sa mga tanim na hardin.

>Yung dalang jacket ni Claudia, ipinunas ko sa aking gladiator.

>Yung baong sapatos ni Erika, isinilid ko sa bag ni patricia.

Tawang tawa ako sa ginagawa ko, lalo na’t naka pitong silya na ang aking nabutas.

Umuwi na ako nang walang nakakaalam, dala ang kasiyahang hindi nagmula sa party kundi sa paninirang aking ginawa at hindi nagkaroon ng pagkakataon na kilalanin ang mga kaklase.

[eto yung nangyari nang matapos ang party,

>hindi makauwi si anina kasi hindi niya Makita ang kanyang bag,

>ang jacket naman ni Claudia, sobrang daming putik at may kakaibang amoy

>yung baong sapatos naman ni Erika ay nadala ni patricia pauwi kaya umuwi itong suot ang costume na sapatos ng dwende

>tapos noong pinapatas na ang mga silya,

“Pambihira, bakit baga binutas pa itong silya; galit na galit siguro ang gumawa nito, pitong silya ih. Anong klaseng nilalang kaya ang gagawa nito?”]

Bakit gusto kong pagtawanan ang mga pangit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon