Kinabukasan sa school, getting to know each other na.
friend ko na si Aninang nabugbog, lagi kaming magkasama saan man magpunta. Medyo naniniwala naman ako dun sa kasabihang, "Kung pangit ka, makipagkaibigan ka sa mas pangit sa'yo para umaangat ka pa din" pero parang mas maganda pa din sa akin si Anina kasi half beauty at half battered siya, ako whole number kahit magside view walang ligtas.
"Simula ngayon, Ms. Mongolia na itatawag ko sa'yo" sabi ko sa kanya
"Bakit?"
gusto ko sabihing, "Kasi may Mongolian spot ka sa face mu" pero sinabi ko na lang na "Basta!" baka mahurt eh mamaga na naman ang mata.
pero magmula nang maging kaibigan ko siya, lumakas na ang loob ko, parang nagiging matapang na ako. Pero pagdating kay kirson na beki, nawawala ang tapang na iyon.Parang natatakot ako sa pwedeng sabihin niya sa akin. Sa totoo may kapangitan din naman siya pero sobrang lakas ng loob manggisa sa iba, ang lakas nyang tumawa tapos lumalawit pa ang dila niya pag sobrang ihit na ihit na, basta pag tumawa siya tumtingin agad ako sa kanya baka kasi ako na ang pinagtatawanan niya.
lumipas ang isang buwan, super close na kami ni Anina.
sa classroom, wala pa ang aming instructor so kanya-kanyang kwentuhan, sobrang ingay na sa likod namin ni Anina dahil kina kirson at kaibigan niya.
"Pansin niyo? tabingi ang ilong ni Beverly" dinig kong sabi niya.
nagtawanan sila, napatawa na din ako.
"Tapos si Mercy, ayaw magtaling?
napatawa na talaga ako. Ibang klase talaga siya.
"Yung mata naman ni Simon parang mata ni mr. Potato sa toy story".
sobrang ingay na, dumating na si ma'am Panganiban na teacher namin sa Filipino.
Ang topic namin ay naging topic noong highschool pa kami.
anu ba yan, paulit-ulit na lang. Yun bang gamit ng "Pan", "Pam" at "Pang".
Natawag nya agad si kirson na ang ingay kahit may teacher na sa unahan, buti nga sa kanya. Magbigay daw ng halimbawa ng gamit ng "Pam",
tumayo siya,
"Pampers?" sagot niya na katono pa si Ruffa mae quinto. Siyempre nagtawanan namin kami, ano bang klase ang utak nito.
"Mali, oo nga't nagsisimula iyon sa "Pam" pero hindi iyon ang halimbawa noon, Pampagamot, pampulitika,etc"
May mga hindi pa din makagetover, ayaw magmove on. Binalasa ni ma'am ang class cards, naku wag sana akong matawag, napapikit ako.
"Ano 'to? Talavera Carmella?"
sh*t natawag pa ako. Nakatayo na ako at napapalunok.
"Ma'am, talaveyra po"
"Ah, talaveyra baga? Ayan pasensya na tao lng--- Halimbawa naman ng "Pan"
may sumagot ng "desal", bahagya naman akong napatawa. walang napasok sa utak ko kundi yung nagkakaisa isang isinagot ko nung Highschool ako.
"Pandukit!"
Sobra silang tumawa, natakpan ko tuloy ang bibig ko tapos naupo ako at lahat ng dugo ko nagpuntahan sa mukha ko.
"Anina, nakakahiya"
kitang-kita kong sobrang siyang tumawa.
"Ah, ganun gusto mo madoblehan?"
sinamaan niya ako ng tingin, kaya tumawa na ako.
"Nakakatawa kasi ang sagot mo".
siguro magmula nang isagot ko yun, iniisip nila na nagdudukit ako.
Lunch break na, siksikan sa canteen buti may naupuan kami.
niyaya ako ni Anina sa kanila, bday kasi nung kapatid niya. hindi naman agad ako basta basta papayagan ni mama.
So eto na, sa bahay namin.
"Eh niyaya po kasi ako ni Anina, kahiya naman po kung tatanggihan ko".
ayaw talagang pumayag so pasok ako sa kwarto.
kachat ko si Anina,
"OO, pinayagan ako"
pupunta pa din ako, saglit lang naman eh.
lumingon ako sa paligid ng kwarto ko, ang salamin ng aparador ko may cover na dahil ipinangako kong di na ako muling titingin doon. itinapon ko na rin yung mga maliliit kong salamin nakaka stress eh.
Nagtanong ako kay simsimi,
"Maganda ba si Carmella Legarda Talavera?"
"OO, noong di pa uso ang tao"
napikon ako sa simsiming ito, walang kwenta.
Nag-appear sa fb wall ko ang picture ni Beverly.
"Saan kaya siya humuhugot ng lakas ng loob?" Nakaclose up pa, pero yung ilong panira parang itinuturo ang lokasyon ng bagyo.
Kinabukasan, sakay na kami ni Anina ng tricycle papunta sa kanila.
"Buti ang aga nating lumabas" sabi ko sa kanya.
makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa kanila.
"Manong magkano po?" tanong ni Anina, siya na daw kasi magbabayad.
"40 lang"
"Manong estudyante po?" tanong niya.
"Oh cge, bente na lang mga pangit" sagot nito
nag-init ang ulo ko,
"At anu naman ang tingin mo sa sarili mo? Pangit ka rin naman ah. ibigay mo ang name mo kuya gagawa tayo ng Group at mag-sama sama tayo roon.
so tinanggap na niya yung bente, alis na kami.
Ayos naman pala ang bahay nila, napansin ko kaagad yung isang matanda na napag-alaman kong lola niya pala na naglalaro ng putik sa may likod bahay, may alzheimer's disease daw eh.
"Ma, si lola po nasa likod na naman at naglalaro ng putik" sigaw niya
amoy pagkain na, sinalubong kami ng mama ni Anina.
"Iha, kumain ka na din"
"Opo, salamat po".
wala masyadong tao palibhasa'y pampamilya lang ang handaan.
iniwan niya ako sa kusina, so kumuha na ako ng foods. Deretso ako sa salas, nakita ko ang grad pic ni Anina nung high school may nakalagay na papel sa bandang taas na may nakasulat na,
"Ang balat sa pisngi".
halos tumalsik na ung kinakain ko sa kakatawa. Nakita niya ako.
"Ba't ka natawa?"
itinuro ko ang pic niya.
"Allysa!!!" tawag niya.
wala siyang nagawa kundi tanggalin na lang ang papel.
pagkakain namin, pumunta kami sa kwarto niya, ayos at naroon ang pic niya nang syay magdebut.
nakakamukha nya dun yung isa sa 13th ghosts, yung babaeng may laslas ang dede tapos may hawak na patalim. buti napigilan ko ang pagtawa ko. Nagkakwentuhan pa kami at humingi ako ng tulong sa kanya na kung paano kaya lalakas ang loob ko hanggang sa irekomenda niya ang magpa counsel. sinabi nyang mabisa daw yun, dun daw lumakas ang loob ng kanyang kubang tita at umayos ang tingin nito sa sarili, gusto ko ding subukan.
Five pm na, tama at uuwi na ako,
"Salamat uli Anina, tita at Allysa"
"OO, balik ka ulit ha. ingat".
pagkasabi noon ay sumakay na ako sa tricycle.
BINABASA MO ANG
Bakit gusto kong pagtawanan ang mga pangit?
Humor"Super sayang humanap ng kapintasan ng iba tapos pagtawanan ito". 'yan ang hobby ni milang, isang pangit na gustong-gusto pagtawanan ang mga pangit. Insecure ba siya? o dun lang siya sumasaya?