Ang teacher namin sa microbiology/parasitology ay nagbigay ng activity na panghatak daw sa aming grade. Siya si Ms. Virera, 5’1 ang taas, gupit lalaki, sarat ang ilong, may punto sa pagsasalita,
“Tripunima palidum” (Treponema pallidum)
“Iskirikya kolay” (Escherichia coli)
Tapos yung classmate naming Faulve nagiging “Polbi”
tsaka kapag lumalakad ay kumekembot na para bang sumasayaw ng “Hot issue” saka kapag nagbubura ng board ay sumasama ang pwet.
minsan weird siya,
kausapin ba yung pusa nung mag-isa syang kumakain ng tanghalian,
ebidensya: “Muning umalis ka dyan, huwag mong kakainin yang pagkain ko hanggang mamayang hapon pa yan”
maida lang ang peg.
Strikto din siya,
Noong magquiz kami, naghahati pa ako ng papel ay number 3 na agad ang tanong at yung first letter ng pangalan at apelyido ng sagot mo ay kailangang capital letter kung hindi’y mamalian.
pero tunay siyang matalino dahil cum laude siya sa isang kilalang university.
Magkakaroon kami ng Fecalysis sa San Roque, kanyang barangay.
Alas 7 ng umaga kami ay naroon na; karamihan sa amin ay di pa nag-aalmusal, nagcheck ng attendance, at inihanda ang mga gagamitin.
Yung mga kaklase kong lalaki ay nagtulong-tulong upang buhatin ang isang malaking kalderong sopas na pangmeryenda sa mga pasyente.
Sa isang covered court iyon gaganapin, hindi man lang ito nagawang linisin kasi kalat kalat ang mga dumi ng aso.
Buti na lang maganda ang panahon, hindi ako pangit ngayon.
Isa-isang nagdadatingan ang pasyente, may mga nanay na may dalang mga anak, mga matatanda. Si ms. Virera naman ay kanina pang kumakain ng sopas magmula nang ito ay maibaba at isang uri ng biscuit.
Nag simula na ang programa, pasintabi po’y halos lahat kami ang nangulekta ng mga tae na eekasaminin, nakalagay iyon sa mga plastic container.
“Kami po ay galing sa Pelumerea College, at nandito po kami para maeksamin ang ating mga tae” wika niya habang hawak hawak ang tila walang katapusang sopas nito.
Sumigaw pa siya,
“Yun lamang pong may dalang tae ang mabibigyan ng meryenda”
Kaming mga kumakain halos maibuga ang sopas.
Narinig namin yung mga bata,
“Chanok, tara muna tumae sa atin tapos dalhin natin dito para mabigyan tayo ng sopas”
Pinigil namin ang aming tawa.
Humaba ang pila, yung mga tae na eeksaminin ay nakalagay na lang sa lalagyan din ng sopas. Naku lahok lahok na, di mo malaman baka tae nap ala ang kinakain mo.
Mayroon doong isa, isang tumpok ang dinala. Iba-iba ang kulay, may matubig tubig pa.
May isang bata, nakihati ng tae sa kasama nitong bata din.
Yung isang nakolektang specimen ay natapon sa aming table, si anina natapunan; napamura na naman siya.
“P*tang Ina” ang lutong.
Tawa ako,
Ipinahid niya iyon sa imported na jacket ni Nieva, isa sa aming kaklase.
Halos maubos niya ang alcohol ko.
Nag-host naman si kirson ng isang stop dance para sa mga bata total may mga kendi pa namang natira, si ms. Virera, doon nakatingin, tuwang-tuwa parang gusto niyang makisali.
Hindi nga kami nagkamali, nadampot niya ang plastic cup na sa halip sopas ang laman ay yung specimen. Buti na lang naamoy niya agad,
Iba na ang amoy ng buong covered court, nakakahilo na at lumanit na ang amoy sa aming PE uniform.
Halos tumaob na yung kawawang kaldero na kanina pang walang laman.
“Ms. Virera, ang dami na pong tae” wika ni Jaira, leader
Hindi na namin kinayang ipagpatuloy pa ang fecalysis, nag-alisan na ang mga tao. Mga user!
Iilan lang ang aming naeksamin, tatlo lang ang microscope naming dala. Tinawag na niya kaming lahat,
“Sa tingin ko, job well done tayo; palakpakan natin ang ating mga sarili’
Nagpalakpakan kami
Ang daming basurang nalinis namin, at tungkol doon sa mga taeng naiwan,
“Yung may mga aso sa inyo, magdala nitong mga tae kasi wala tayong tatapunan dito”
*Aba, wala kaming aso sa bahay* kanya kanyang dahilan
“Ang magdala ay may +2 sa final grade”
Ayun, nagtaasan kami ng mga kamay, inilagay namin iyon sa plastik. Si anina inilagay pa talaga sa loob ng kanyang bag ang tae, nakakahiya daw bitbitin.
Ang ginawa ko sa taeng dala ko : Itinapon sa bubong ng kapitbahay
*si anina : isinabit sa gate ng karatig bahay
*si Claudia: ipinakain sa aso ng kapitbahay
*si Kirson: inilagay sa basket ng isang ginang na namimili sa palengke
*si Erika: ibinubo pa talaga sa kanilang CR at nagflush
*si cora naman, nalimutan kaya nang maipit ang kanyang bag sa jeep, nangamoy ito.
Nawalan na ako ng ganang magdinner kaya natulog na lang ako.

BINABASA MO ANG
Bakit gusto kong pagtawanan ang mga pangit?
Humor"Super sayang humanap ng kapintasan ng iba tapos pagtawanan ito". 'yan ang hobby ni milang, isang pangit na gustong-gusto pagtawanan ang mga pangit. Insecure ba siya? o dun lang siya sumasaya?