#15. Bow's Brutality

6.1K 143 7
                                    

Chapter 15

Third Person’s POV

Sa hagdan siya dumaan papuntang 5th floor, sigurado siyang merong nakaabang na mga armado ‘dun. Nakarating siya ng 5th floor at nakita niyang may dalawang bantay sa isang kwarto. May dumating na tatlong babae at pumasok sa pintuan. Sa tingin niya nandun si Khirsten.

She used her mini laptop with her GPS tablet, kinuha niya ang headset niya at sinaksak sa mini laptop. Rinig niya ang pinag-uusapan sa kwarto na ‘yun.

“Call your friend” sabi ng lalaki at sa tingin ni Bow,  si Rayver ang nagmamay-ari ng boses na ‘yun.

“No” tanggi ni Khirsten. Alam niyang kinakabahan ang kaibigan niya.

“Tatawagan mo ba o rarape-pin kita sa harapan nila?”

“Shit! Subukan mo lang Rayver! Papatayin kita ng paulit-ulit!” gigil na sabi ni Bow.

Hinanda niya ang silencer niya. She hacked the cctv of the Club, pinalitan niya ‘to ng edited na video na hindi siya makikita pero makikita pa rin ang dalawang bantay sa pituan. After niyang nagawa ang video,  lumabas siya ng pintuan at binaril ang dalawang bantay. Ang kailangan niya na lang hintayin ang pagsugod ni Clone, hinanda niya ang mask niya para hindi siya makilala.

Nakarinig siya ng pagkasabog, mukhang nandito na si Clone at binuksan niya ang pintuan at lumipad pahiga at pinagbabaril ang mga tao. Pupubulsin at uubusin niya ang lahat ng Mada Mafia.

Naramdaman niyang merong paparating na bala sa likod niya at bigla siyang nagback dive para maiwasan. Hinarap niya ang baril niya sa taong nagpaputok at binaril sa ulo.

Head shot.

Hinanap niya si Rayver at nakita niyang papatalon sila sa baba ng building.

“Damn it Clone!” she murmured.

Mabilis siyang tumakbo para abutan sina Khirsten. Nakita niyang nagkakagulo na sa club at nasa baba na sina Khirsten. Humanap siya ng tela at nilagay niya ito sa gitna nang lubid. She used her right hand para makatawid sa kabilang building at nagslide, habang nagslaslide siya pinaputokan niya ng baril ang mga nakabaang sa kanya sa dulo. He saw Clone rescuing Khirsten at nakita sila nito. Babarilin sana siya ni Clone ng agawin ni Khirsten ang baril nito at binaril ang tao na muntik ng barilin si Clone. Nakita niyang nanginginig si Khirsten. Nang makarating siya sa dulo, nakita niyang papaalis na ang kotse ni Rayver, kasama nito ang Boss. Paano niya nalaman? Dahil hindi siya susugod sa isang bagay na wala siyang dalang bala. She used her cellphone to send a voice message to Khirsten.

“Go home Khirsten” sabi niya at pinatay ang cellphone. Kinuha niya ang isang .45 gun na may balang bomba. That’s her customized .45 calibre gun.

She smirked.

“Bingo!” sabi niya at nagpaputok, ni walang pikit-pikit. She is a sharp shooter at sumabog ang kotse. Pumunta siya sa kotse niya at sumakay. She got her GPS tablet and mini laptop to make sure na walang ni isang Mada Mafia ang buhay, nang masigurado niyang wala nang tao at patay lahat tsaka lang siya umalis.
Sa kabilang banda, hindi alam ni Bow na merong sumusunod sa kanya.

“Hello Tito? Your daughter is brutal. How I wish I can fight her”

Narinig ng babae ang tawa ng nasa kabilang linya.

“She killed all Mada Mafia?”

“Yes Tito, pinatay niya ng walang kahirap-hirap”

“But this is not the right time to tell her the truth. Masyado pang delikado”

“Tito matagal na siyang may banta sa buhay niya simula ng pinanganak siya ni Tita”

The other line sighed.

The Nameless Princess (Bloodily Completed - LizQuen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon