#21. The Young Princess of Galaxy Mafia

5.7K 153 3
                                    

"What?!" gulat na sabi ni Khirsten

"Uh-Uh"

"No! Baka ako naman ang kuyugin nila!" inis na sabi ni Khirsten.

"Tss! Damn Khirsten, mas ayoko namang kuyugin ako ng mga fans ni Clone" inis ko na rin na sabi.

I heard her sighed in the other line.

"Okay. I'll gather all the body guards of yours and I'll fetch you"

I smirked. Ayaw pa kasing umamin eh.

After several minutes, dumating na rin si Khirsten at ang mga body guards ko. Alam niyo 'yung nagprepremiere night sa movie, yung mga celebrities dumadaan sa red carpet at ang mga bodyguards nasa gilid lang nakabantay. Nan! Ganun rin ang peg ni Khirsten ngayon kaya nga lang mas secure si Khirsten, hindi siya maabot-abot ng mga babae.

Bumaba na ako sa puno at sakto namang nasa baba na si Khirsten para salubungin ako.

"Sinong nag-utos?" tanong ko habang naglalakad papunta sa Marriage Booth, ang mga school mates namin mas lalong nagwala para makuha lang nila ako. Damn! Ganyan sila ka obsessed kay Clone?

"Si Kalvin"

Napahinto ako. 

"What?!" sigaw ko.

"Yes. Hindi ko alam kung bakit" sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Good thing na maraming body guards sa school dahil sa event. Tinuro ko ang isang body guard sa point finger ko at sinanyasan na lumapit sakin.

"After this, you can back to your designated areas" sabi ko ng pabulong.

"Yes Young Princess" sabi niya rin ng pabulong at naglakad na ako papuntang Marriage Booth, humanda ka talaga sakin Heaven Kalvin Laude.

****

Kalvin's POV

"Ang tagal naman ni Bow" reklamo ko habang palakad-lakad sa Marriage Booth

Tumawa lang sina Rhann at Fire habang si Clone nakasimangot lang.

"Wag ka ngang excited parang totoo ang kasal mo ah?" Rhann

"Oo nga naman Kalvin, gusto mo na bang mamatay si Clone? Ilan kaya ang magdadala kay Bow dito?" sabi ni Fire at humahalakhak pa talaga.

Ramdam kong tinitignan kami ngayon ng mga nag-oorganize ng Marriage Booth. Tss! Hindi sila sanay sa attitude naming ngayon dahil hindi naman kami ganito kapag nakikita nila sa school.

"Bakit ba kasi ako lang? Dapat kasama rin si Rhann at Fire, Kalvin. You are too unfair" nakabusangot na sabi ni Clone

"Ikaw kasi hindi ka nakikinig. Alam mo naman 'tong si Kalvin, ayaw niya sa lahat 'yung hindi nakikinig kapag nagsasalita siya. Kasalanan ba namin?" nangungutyang sabi ni Rhann kaya mas lalong nainis si Clone

"Ayokong magpakiss noh! Tang ina! Baka may virus eh" Clone

"Ang arte mo Clone, blessing na nga yan eh" Rhann

"Wag mo nga akong itulad sa'yo. Tss! Ibang parusa na lang kasi Kalvin, wag lang ang kiss. Baka mabaho ang bunganga eh" sabi ni Clone. 

"Bakit ba kasi gusto mong pakasalan si Bow sa marriage booth? Paano na lang kung malaman ni Missy ha?" dagdag niyang tanong.

"You know my answer Clone at malay mo baka si Khirsten ang magdala kay Bow dito, ayaw mo nun, mahahalikan mo si Khirsten"

"Tss! Are you fucking kidding me Kalvin? Si Khirsten magpapahalik? Hindi siguro, at tsaka mabaho hininga nun" Clone

The Nameless Princess (Bloodily Completed - LizQuen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon