Bow's POV
Naknang! Kailangan talaga ako puntahan sa court at kausapin na hindi raw ako maglalaro? Is he out of his mind? Tapos nagsitahimikan ang mga tao sa gym, ganyan ba kalakas ang presensiya niya? Tss!
Tinapik ako ng kateammate ko.
"Bow, mag on kayo?"
"Ha?" tanong ko, hindi ko gets.
"Ang sabi ko, kayo ba ni Kalvin? Magboyfriend ba kayo?"
"You know, hindi ko alam kung basketball ba talaga hilig mo o pakikichismis"
Napangiwi naman siya sa sinabi ko at umalis sa harapan ko. Tinignan ko ang scores at tambak na tambak kami.
"Bow"
Tumingin ako kung sino ang tumawag sakin.
"Bakit?"
"Please, tulungan mo ako"
I frowned.
"For?"
"Help me to win this game, dito kasi nakasalalay ang scholarship ko"
"Academic ba?"
Lumingo siya.
"Eh ano?"
"Sa isang foundation, sabi kasi ni Konica kapag nanalo ako sa game hindi niya na guguluhin ang scholarship ko, sila kasi ang may ari at kailangan ko 'yun"
"Hindi ka ba nakapag-apply sa ibang scholarship?"
"Hindi kasi aside from scholarship, may allowance rin at tsaka libre rin ang tirahan kaya ayokong mawala"
I rolled eyes at hudyat na ng second quarter. Pumasok ako sa court kasama ang tatlong bubwit at yung isa pa naming teammate.
"Bow, mag-ingat ka kay Konica, patay na patay pa naman yan kay Kalvin" Bubwit #1
"At anong paki ko?" tanong ko na mahinahon
"Kahit wala kang paki kay Kalvin o wala man kayong relasyon, dahil nakita kayong nagkausap ni Kalvin, humanda ka Bow, sasaktan at sasaktan ka nyan. Dati nga eh, muntik nang hindi makalakad ang babaeng humalik kay Kalvin dahil sa dare lang"
Hindi na ako umimik, si Kalvin? May obssessed fan? Anong nakita niya sa lalaking 'yun?
Ramdam ko naman na may nakatingin sakin at alam kong si Konica 'yun. Pumuwesto si Bubwit number 2, dahil samin ang bola. Pinasa niya ka Bubwit number 3 ang bola.
May biglang bumunggo sakin ng malakas kaya natumba ako. Hindi ako prepared dun ah.
Biglang pumito ang referee, tinignan ko kung sino ang bumunggo sakin at nakangisi lang siya. Nilahad niya ang kamay niya sa unahan ko.
Hindi ko siya pinansin at tumayo lang ako.
"Bastos ka ah!" sigaw niya at tumahimik ang gym
"Ako?" mahinahon kong tanong
"At sino pa ba?!"
Nagkibit balikat lang ako at tinalikuran siya. Siya pala si Konica. Tumakbo ako sa kabilang court at pumuwesto, samin pa rin ang bola, dala ni bubwit ang bola ng ipasa niya sakin.
I dribbled the ball at hindi ako nagkamali, talagang siya ang magbabantay sakin sa second half.
"Akala mo maganda ka? Hinliliit ka palang ng kagandahan ko" sabi niya sakin habang tinatry niyang kunin sakin ang bola.
"Kung hinliliit lang ako ng kagandahan mo, bakit naiinsecure ka pa sakin?" sabi ko at nagstep back sa 3 point line at hinagis sa net ang bola.
Nagsigawan ang mga tao sa gym at tumakbo ako sa kabilang court. Sinabayan ako ni Bubwit number one.
BINABASA MO ANG
The Nameless Princess (Bloodily Completed - LizQuen)
AksiShe's witty. She's clever. She's cool. She's weird. She's odd. She's creepy. She's unknown. She has a weird hair. She's tough. But they don't know her name. That's why she is, The Nameless Princess...