Chapter 4 - Answers (part 1)

106 8 2
                                    

*~~~
"Ikotrol mo lang. Clear your mind. Think of nothing."

Nandito ako ngayon sa harap ng bahay ni gramps nagte-training. Pero, ibang klaseng training. Ang kailangan kong gawin, hindi maka-30 laps, hindi maka-20 na sit-ups, hindi maka-10 na push-ups, pero, makontrol ko dapat yung tubig sa harap ko. Akala niyo lang madali pero, mukha lang talaga akong baliw dito.

"Uyy! Gumalaw na ata!" sigaw ko. "Ouch!" Napaaray naman ako nang pukpukin ako ni gramps sa ulo.

"Huwag mo akong lokohin, Sapphira."

"Gramps, suko na 'ko! Pinagti-tripan niyo lang ba ako? Pwede break muna?" reklamo ko habang nagkakamot ng ulo.

Pumayag naman si gramps kaya umupo ako sa isang troso sa tabi ng pinagte-trainingan namin. Napaisip naman ako sa nangyari sa tunay kong nanay at tatay. Iniwasan ko munang magtanong tungkol sa 'sign' ko kasi nahihilo ako 'pag iniisip 'yon. According to gramps, namatay daw si papa at naencapture daw nila si mama. Bakit namatay si papa? Ang hirap i-imagine. 'Di ko kaya. Lumabas naman si gramps galing sa loob ng bahay na may dalang... Tsaa?

"Tea?" tanong ko. As always, smile, ngumiti lang siya.

Binigay niya naman sa akin ang isang tasa ng tsaa. Sumipsip ako at, Ang sarap! Bigla namang naging kalmado ang isipan ko. Pero, naalala ko nanaman yung nangyari sa totoo kong nanay.

"Who are they?"

"Hmm?" Sabay taas niya ng isang kilay habang umiinom siya ng tsaa.

"The people you are talking about. The one that took my real mom." sagot ko.

Nilapag niya naman yung tasa niya sa stomp sa harap namin at bumuntong hininga.

"Remember the people that chased you? Them." sagot naman niya.

"Those 3?" I asked.

"No, yung buong group nila. Yung buong coali-- League nila."

Coali...TION?! Coalition sila?

"Are they Astrums? Muntik niyo nang sabihin, Coalition." pagbubuking ko.

"Yes. But not like us."

Biglang nagkaroon ng katahimikan. Lumingon-lingon ako sa paligid. Nakayuko lang naman si gramps. Itatanong ko sana yung nangyari sa tatay ko pero, nanginginig na siya, sa sobrang galit?

"Kailangan mong pumunta do'n. At sagutin ang sarili mong katanungan." nagulat naman ako nang biglang nagsalita si gramps.

"Doon? Saang doon?" tanong ko.

Kung tama ang hinihinala ko... Iyon ang ibig niyang sabihin.

"Sa Pantomime Coalition." Tama nga ako.

"Ano po bang meron doon?"

"Ang Pantomime Coalition ay isang lugar na kung saan tayo nabibilang. Astrums ang tawag sa kanila. Tayo."

"Eh, bakit kailangan ko po pumunta do'n?"

Tumayo naman si gramps at tumapat sa basin na pinagte-trainingan ko kanina.

"In there, you will enhance your skills."

Ang seryoso ng pagkasabi niya. Minsan, nakakapagtaka talaga ang katauhan ni gramps. Minsan, seryoso. Minsan, lagi siya nakangiti. Come to think of it, di ko pa alam ang real name niya. Kung sino nga ba talaga siya.

"Gramps, sino ba talaga kayo?"

Napatingin naman siya sa'kin at... ngumiti, as always. Kanina serious lang eh, ngayon, ngumingiti na ulit. But, I like it that way.

Pantomime CoalitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon