Chapter 21 - Serafine's Past

31 9 13
                                    

*~~~

"Welcome back Pier. And, friends."

Nasa Laboratory kami ng Shuǐ building ngayon. Pagpasok ko pa lang dito, ramdam ko na agad ang 'future'. Parang halos lahat ng mga kagamitan dito ay galing sa mga Science Fiction na napapanood ko. At ang lahat ng mga scientist ay abalang-abala sa mga ginagawa nila.

Just, wow. I'm stunned with Pantomime Coalition's technologies.

"Thank you Professor Azarael." sabi ni Pier na may malaking ngiti, "This is Sapphira and Serafine."

"Sapphira? Descendant of the Scorpius Ancestry?" sabi ni Prof. Azarael.

"Opo." simpleng sagot ko.

Bigla naman niya akong hinawakan sa balikat at ngumiti.

"I believe that you will do great things in here. Your father is a great man." Sabi niya at napangiti naman ako. Tumingin naman siya kay Serafine, "Serafine, daughter of Aviur-the right hand of Phoenix?"

Nakatulala lang si Serafine sa sahig. Lumingon lang sa amin nang sandalian ang mga scientist at bumalik na muli sa kani-kanilang gawain.

"We don't know if you can be trusted. But, with them, I assure that you might not follow your father's path." Sabi ni Prof. Azarael kay Serafine. Bumalik naman kay Pier ang atensiyon niya, "So, anyways, saan kayo pupunta?"

"Um, sa Quantum Research Room po." sabi ni Pier.

"Let me guess, QTTC?"

Tumango naman kaming lahat.

Bumakas naman sa mukha niya ang pagtataka.

"Nagpaalam na ba kayo kay Ghielle?"

"Hindi po. I mean, dapat po ba?" sagot ni Pier.

Bumuntong hininga naman si Professor.

"Aba, malamang. Anong gusto niyong mangyari? Mag-abala pa sa inyo si Ghielle? Kakagaling nga lang sa isang pinsala." medyo pagalit na sabi ni Prof, "Haay. Tawagan mo na lang mama mo, Pier. Sabihin mo na nandito kayo."

"Sige po." sabi ni Pier.

"Oh sige. May aasikasuhin pa ako ah? Maiwan ko muna kayo."

Matapos sabihin ni Professor 'yon, umalis na siya. Pumunta naman kami sa Quantum Research Room. Doon, mas namangha pa ako nang makita ko ang QTTC. May sampung chambers dito. Magkahilera ang lahat.

Sinimulan na ni Pier i-contact si Ma'am Ghielle gamit ang earpiece.

"Guys, hintayin daw natin si mama dito." sabi ni Pier.

Sumang ayon naman ang lahat. Naglalakad-lakad lang ako nang bigla namang may kumalabit sa balikat ko. Sina Clio at Leo pala.

"A-ate." sabi ni Clio at tumingin kay Serafine.

Napatingin din ako. Naka upo siya, pero, nakatulala pa rin sa sahig.

"Kanina pa siya nakatulala nang gan'yan." sabi ni Leo.

"Kakausapin ko siya." sabi ko naman sa kanila.

Tumango naman sila at umalis na. Lumapit ako kay Serafine at umupo sa tabi niya. Tinignan niya ako ng panandalian at saka ibinalik ang tingin sa sahig. Nagkaroon ng unting katahimikan bago ko sirain 'yon.

"Serafine, tell us about yourself." sabi ko habang pinipilit na tignan ang mukha niya.

"'Di ko alam kung bakit, pero parang ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko sa inyong anim." sabi niya at saka tumingin sa akin.

"Well, kung magtutulungan tayo sa mission na ito, kailangan pagkatiwalaan mo yung iba."

"I do, pero dahil sa guilt ko sa mga nagawa ng tatay ko, hindi ko alam kung pagkakatiwalaan pa ako ng iba."

Pantomime CoalitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon