Chapter 17 - Attacked

44 6 4
                                    

*~~~
"Tara na Sapphira!" sabi ni Amara.

"Ate, magpahinga ka muna!" sabi naman ni Clio.

"Tama na 'yan! Hayaan niyo si Sapphira magdesisyon." awat ni Pier.

Pinaghihilaahan ako nina Amara at Clio. Gusto kasi ako i-training ni Amara, pero ayaw ni Clio. Gusto niya na magpahinga pa muna ako. Ikinuwento kasi namin kay Amara ang nangyari kanina. Hindi daw kasi siya nakapunta dahil sa pag-aasikaso sa kaniyang Coalition. Gusto niya akong palakasin dahil nga sa pagkatalo ko kay Agathone. Maayos na naman ang kalagayan ko ngayon. Kaya ko na mag-training.

"Wait! Sandali lang." sabi ko sa kanila at tumigil din naman sila, "Clio, ayos na ang pakiramdam ko. 'Wag kang mag-alala."

Nalungkot naman ang mukha niya.

"Sige po. Pero, kailangan kasama niyo po ako." sabi ni Clio.

"Clio, kasama ka naman eh." sabi naman ni Amara, "Pati ikaw, Pier. Kailangan handa na kayo sa susunod ninyong pagharap kay Agathone. At saka, bawi ko na rin 'to sa inyo dahil nga hindi ako nakasama kanina."

"Tama siya." sabi ko naman, "This is for us. And the whole Coalition."

Tumango naman sila. Nagkasundo na rin ang lahat. Nang buksan namin ang pinto, muntik na kaming mapasigaw nang bumungad sa mukha namin ang mukha ni Leo.

"Bakit parang takot na takot kayo?" tanong ni Leo.

"Nakakatakot kasi yung mukha mo." sabi naman ni Clio sabay tawa.

Tumawa naman kaming lahat. Pero, si Clio nagbiro? Tama ba ang narinig ko?

"Grabe! Hindi naman ako gano'n kapangit." sabi naman ni Leo.

"Sinabi ko bang pangit ka?"

Nagtawanan nanaman kami habang nagsasabatan na sina Clio at Leo.

"Tama na 'yan."

Sinaway naman sila ni Ma'am Ghielle na kasama pala nila. 'Di ko na napansin sina Ma'am Ghielle, Ma'am Sheina, at Claude dahil sa sabatan nitong dalawa. Tumigil naman sila.

"Ma, ite-training daw kami ni Amara." sabi ni Pier kay Ma'am Ghielle.

"Sige, mabuti pa nga." sabi naman ni ma'am, "Anyways, Sapphira, please forgive me."

Huh? Bakit?

"For what?" tanong ko.

"Dahil kayo ang pinili niyang gumawa ng misyon na 'yon." sinagot naman ni Ma'am Sheina.

"Oo nga pala, sinabi ko na sa kanila yung mga nangyari, Sapphira." sabi ni Claude.

"Ma'am, ako po ang dapat na humingi ng patawad." sabi ko kay Ma'am Ghielle, "Hindi ko po naibalik ang scepter at tiara. Patwarin niyo po ako."

"Sapphira, everything takes time. And, it is my fault letting all of you to retrieve the scepter and tiara so early." sabi ni ma'am, "Also, kahit hindi mo 'yon na-retrieve, it still takes time for Agathone to master the scepter."

"Use that time to train yourselves." si Ma'am Sheina naman ang nagsalita, "But first, Sapphira, you need to face your people already. They knew. There's no escaping from the truth now. Kung patuloy lang natin silang tatakasan sa katotothanan, walang mangyayari."

"Most of them are at the same age as us, or below." sabi naman ni Claude, "They never understand what happened in the past."

The past. What happened in the past? Kahit naman ako, hindi ko alam 'yon.

"Ano bang hindi nila maintindihan? What happened in the past anyways?" tanong ko.

"What happened--"

Pantomime CoalitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon