Chapter 10 - Assault

41 7 1
                                    

*~~~
"Bilisan mo!"

Pinapamadali ako ni Pier.

"Saglit na lang. Oh! 'Yan, tapos na." sabi ko naman.

"Bakit mo pa po kasi kinopya?" sabi naman ni Clio.

Kinopya ko kasi yung mga notes sa board, which is about history. Kailangan ko kasing malaman ang mga ito kung magiging leader man ako nitong Coalition.

Dahil nga do'n, na-late kami. Nag-ring na yung bell at, nasa field na yung iba. Ano ba 'yon? Ewan, basta, 'yon yung sabi nila Pier eh.

Habang inaayos ko yung mga gamit ko, bumukas yung pinto. Si Ma'am Sheina pala.

"Girls, you're late in your field training." sabi ni ma'am.

"Ma'am, ano ba 'yon?" tanong ko.

"Doon, mae-enhance ang ability niyo. For example, in Cancer, healing." Sagot naman ni ma'am. Hinawakan niya ako sa dalawa kong balikat, "At, kung nagtataka ka kung bakit hindi ako nagtataka sa'yo kanina, 'yon ay dahil sinabi na sa akin ni Ma'am Ghielle. Sapphira, you'll be a great leader."

Ulit, napangiti na naman ako.

So, that explains kung bakit niya ako tinulungan kanina sa introduction. First name lang ang ipinabigay niya, para hindi malaman ang last name ko. Kapag nalaman nila, malalaman nila kung sino talaga ako. Isa pa, hindi niya ako tinanong kung saan ako nanggaling no'ng nagpaalam akong mag-cr. Ang tagal kasi n'yon.

"Well, girls, tara na." sabi ni Pier.

Nagpaalam na kami kay ma'am at umalis na. Baka ngayon ko na malalaman ang ability ko. Nae-excite na ako, pero, natatakot din na baka malaman nila. Ano kaya ang ability ng Scorpio?

Naglalakad kami papuntang field. Nagkuwentuhan at nagtawanan lang kami nang biglang may narinig kaming malakas na pagsabog at may itim na usok na nanggaling doon. Tumunog din ang mga sirenas at may nagsisisigaw.

"Nandiyan sila!"

"Magtago na kayo!"

'Yan ang mga salitang madalas na binabanggit. Pero, ano nangyayari?

"Tara na po Ate!" sigaw ni Clio.

Naiwan ako ditong nakatulala. Hindi ko na napansin ang nangyayari sa paligid ko. Nagsisitakbuhan na sila papuntang Village.

Natauhan naman ako nang marinig ang boses ni Clio. Nang paglingon ko, nadadala na siya ng mga taong tumatakbo.

"Clio! Pier!"

Sumigaw ako nang sumigaw, pero 'di ko na sila makita. Nilabanan ko ang daloy ng mga tao at nakarating sa may gilid ng school. Lumakad ako palayo sa mga tao at pumasok sa isang mapunong lugar. Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa napahinto ako sa harap ng isang pader na mayroong sign ng Coalition namin. May tumutulo na tubig doon na parang falls ang itsura.

"Hoy! Bakit ka nahiwalay sa mga tao doon?"

Bigla namang may nagsalita sa likod ko. Paglingon ko, isang lalaki ang nakatayo sa harap ko na naka-formal attire. Nanlilisik ang kaniyang mata. 'Di kaya, isa siyang miyembro ng Huǒ League?

"Sumama ka sa 'kin!" dagdag pa niya.

Hinila niya bigla ang kamay ko.

"Bitawan mo ako! Tulong!" sigaw ko habang hinahatak niya ako.

Tuluyan niya parin akong hinahatak, at patuloy lang din akong pumipiglas sa pagkahawak niya. Ano ang ginagawa nila dito?!

Hinatak ko na lang ulit yung kamay ko para pumiglas. Dahil sa pamumumiglas, nahatak ko ang kamay ko at naiwan sa kamay niya yung gloves ko.

Pagkahatak ko sa kamay ko, umilaw ulit yung wrist ko at, 'yon na lang ang naalala ko. Ang nakita ko na lang ay kadiliman. At nang bumalik ang paningin ko, nakita ko na lang ang katawan ng lalaki na nakahandusay sa lupa. Basang-basa yung paligid at nanghihina ako, nang sobra. Sa palagay ko, matutumba ako at mawawala ulit sa sarili. Pero, ano ba talagang nangyari?

"A-ate Sapphira."

Lumingon ako. Sila Clio pala. Wait, nakita ba nila ang nangyari? Lumapit naman sila sa akin.

"Clio tulungan mo ako, kunin mo yung gloves niya at buhatin na natin siya papuntang Village." sabi ni Pier.

Matapos 'yon, napapikit na lang ako at 'di ko na ulit alam ang nangyari.

~~~

Nagising na lang ako sa kwarto na tinulugan ko. Lumingon ako sa paligid at napansin naman ako nila Pier.

"Oh, gising ka na!" sabi ni Pier.

"A-ate, ayos ka na?" nag-aalalang tanong naman ni Clio.

Ngumiti naman ako at tumango.

"Ano ba ang nangyari?" tanong ko naman.

"Na-drain po kayo." sabi ni Clio.

"Drain? Anong drain?"

"Kapag ginamit mo ang stage 1, gagamitin mo ang energy mo. Depende sa iyong lakas ang energy na magagamit mo." paliwanag naman ni Pier.

"Stage 1? Teka, teka. Ano ba ang nangyari, ang buong nangyari kanina?" tanong ko.

Pagkasabi ko n'yon, sabay naman silang bumuntong hininga.

"Opo, ate, stage 1 - Water Control. Unique to us, Shuǐ Pantomimes." Paliwanag ni Clio. Water control? Ano 'yon? "Kapag natutunan na ninyo ang water control, maaari niyo pong i-manipulate ang tubig. At, maaari niyo rin pong gamitin ang tubig sa katawan niyo, kaya nauubos ang energy natin."

Tinuro niya naman yung braso ko. Napatingin din ako at nakita ko na nadagdagan ang tattoo sa wrist ko. Nagkaroon ito ng mga dots na parang sumisimbolong bituin.

"Kapag nadidiskubre mo ang Stages, madadagdagan pa 'yan." sabi naman ni Pier, "At para sa tanong mo kanina, na-assault tayo ng Huǒ League."

So, that explains the shouting and panicking of the people. Tsaka, yung lalaki kanina, isa siya sa miyembrong  bumubuo ng Huǒ League.

"At, Sapphira, kailangan mong malaman 'to - madami silang napaslang. Ano ang gagawin natin? Pati si mama naguguluhan na." dagdag ni Pier.

"Huh? Gusto ko muna silang makita. Gusto kong malaman ang kinalalagyan nila." sabi ko naman habang tumatayo na sa pagkahiga ko.

"Dahan-dahan lang po ate Sapphira. Inumin niyo po muna yung tubig sa gilid niyo. Mahina pa kasi kayo." sabi ni Clio.

Sinunod ko naman yung sinabi ni Clio. Gumaan ang pakiramdam ko matapos kong uminom. Baka nga siguro ay naubusan ako ng madaming tubig sa katawan dahil kanina. Pero, gano'n nga ba talaga kadami? Ano ba ang buong detalye ng nangyari kanina?

"Sabihin niyo nga, in full details. Anong nangyari sa akin kanina?" tanong ko.

Tumayo si Pier at pumunta sa bintana. Nakasara pa no'n ang kurtina.

"Nang sumigaw ka ng tulong, pinuntahan ka namin. Pero, nang maabutan ka namin, umiilaw ang mga mata mo at ang mga tattoo mo. Kung ikukumpara, para kang anghel. At, sa isang iglap, napahandusay yung lalaking kaharap mo." paliwanag ni Pier.

"A-ano bang ginawa ko?" nagtatakang tanong ko.

"Ate, gumawa ka po ng isang ipo-ipong tubig. Hindi po iyon karaniwang nagagwa ng isang ordinaryong Astrum. At, 'yon ang rason kung bakit ka po nandito ngayon." sagot naman ni Clio, "Buti na lang ay napagkamalan nila na isa ka pong biktima sa nangyaring labanan habang binubuhat ka namin. Hindi bilang gumawa ng ipo-ipong iyon."

Nang marinig ko iyon, hindi agad-agad na-process ng utak ko ang mga sinasabi niya. Nakatulala lamang ako hanggang sa narinig ko ang pagbukas ng kurtina. Napalingon naman ako doon.

"Sapphira, look." sabi ni Pier.

Tumayo ako at tumingin sa bintana.

"N-NO! No, no, no!"

A-ano 'to?! Ano 'tong nakikita ko? Totoo ba ang mga ito? B-bakit ang daming patay?!

*~~~

Pantomime CoalitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon