Chapter 24 - QTTC

14 3 1
                                    

Hello po!
Ang chapter po na ito ay explanation lamang po kung paano gumagana ang QTTC na binanggit sa mga nakaraang chapters.
Medyo unrealistic pero, imagination lang po namin 'to XD
Enjoy :)

Setting: Sa Quantum Reasearch Room. Bago ang infiltration.
*~~~

Nakaupo na ako sa mala-electric chair na ito at nakikinig sa mga paliwanag ni Ma'am Ghielle tungkol sa QTTC at paano ito gumagana.

"Ang QTTC ay isang advance na technology kumpara sa mga Mezziers." simula ni ma'am, "Mahalagang hindi nila ito makita dahil maaari nilang kuwestyunin ang eksistensiya natin."

"Paano po ba 'to gumagana?" tanong ni Leo na nasa left side ng chamber ko.

"I'll begin the explanation shortly." sabi ni Ma'am.

Bigla namang tumunog ang earpiece ko. Narinig ko rin ang pagtunog ng mga earpiece ng iba.

"'Wag kayong mag-alala." sabi ni ma'am, "That sound signals that the earpiece's neural identificator has connected with your brain."

Nagtagal pa ng ilang segundo ang utak ko para magsink-in ang mga sinabi ni ma'am.

Ibig sabihin nakakonekta ang earpiece na 'to sa utak ko?!

"Don't worry, the earpiece can not control your brains or anything. It just gather data from your brain and store it."

"Ibig sabihin po ba, nababasa nito ang utak namin?" tanong ni Clio sa may bandang kanan naman nitong chamber ko.

"Oo, parang gano'n na nga."

"Bakit pa po kailangan 'yon?"

"Kailangan 'yon dahil kung may mangyaring masama, nandito pa rin ang data niyo sa computer."

"Masama?" tanong ko, "Anong mangyayaring masama?"

"There are many instances na mag-fail ang QTTC. Pwede kayong ma-teleport doon pero hindi mata-transfer yung data sa utak niyo. Pwede rin namang biglang masira ang QTTC. That's why we store your data here to preserve it at para hindi mawala ang mga pinagdaanan niyo."

Again, it took some time to sink-in everything ma'am said.

So, meaning, ang earpiece na ito ay may something na tawag ay neural identificator na kumokonekta sa utak namin to gather and store data for preservation, sakaling may mangyari sa aming masama habang nagte-teleport.

I think I get it now, but...

"Para saan naman po ang pagi-store ng data namin?" tanong ko, "Will it just be it? Our data is stored, while we are gone forever?"

Napatingin sa akin ang lahat, through the clear glass of this chamber, at nagkaroon ng saglit na katahimikan.

"Um, no," sabi ni Pier, "Actually, may purpose 'yon."

"Tama si Pier," sabi naman ni ma'am, "We store your data because: if somehow there comes an issue, you may be recreated."

Napatigil siguro ng ilang segundo ang pagtibok ng puso ko.

Tama ba ang narinig ko? Recreated?

"The Shuǐ Coalition achieved cloning," patuloy pa ni ma'am, "Kaya na nating mag-duplicate ng tao."

Something made me feel bad. It's the statement.

Ewan ko, para sa akin, hindi tama na mag-clone ang isang tao. I just feel like it.

Bumuntong hininga naman si ma'am.

"Alam ko ang nasa isip niyo," sabi ni ma'am, "Cloning is like a violation for humanity. Nararamdaman ko rin ang nararamdaman niyo."

Wala nang nagsalita pa no'n.

Suddenly, tumunog ulit ang earpiece namin.

"Yung neural identificator ba yun?" tanong ni Amara.

"No," sagot ni ma'am, "Ngayon, ang pagtunog ng mga earpiece niyo ay isang signal na handa na ang utak niyo sa relaxation state."

"Relaxation state?" halos sabay na tanong namin.

"Oo," ngayon, si papa ang sumagot, "Dadaan tayo sa relaxation state upang maging maayos ang pagte-teleport natin."

"Sudden disturbance in our nervous system might cause our teleportation to fail." dagdag pa ni mama.

The tone of their voice. Parang hindi ito ang kanilang unang beses na gamitin ang QTTC.

"Ghielle," sabi ni Kuya Gio, "Just explain the full details."

Bumuntong hininga naman si Ma'am Ghielle.

"Ang Quantum Teleportation Chamber ay ginawa ko kasama ng ibang colleagues and Professor Azarael," simula ni ma'am, "Gamit ang earpiece ninyo, idadaan kayo nito sa relaxation state kung saan mawawalan kayo ng malay. Matapos ang relaxation state ay ang disintegration process. Dito, sisirain ang bawat cell ng inyong katawan at idadaan sa Matter Converter upang gawing isang wave. Ita-transfer naman ito ng Shuǐ Satellite Disk patungo sa satellite ng Pantomime Coalition. Gamit ang coordinates na ibibigay ko, maglalabas ng isang invisible ray ang satellite natin at isa isa na kayong mate-teleport doon."

Nanahimik naman ang lahat. Bigla na lang akong nakarinig ng isang buntong hininga.

"Can we just start?" biglang sabi ni Claude.

Sumang-ayon naman ang lahat at sinimulan nang paandarin ni ma'am ang QTTC.

*~~~

Hello po ulit! ^_^

Sana naman po ay may natutunan po kayong onting Science mula sa amin.

Again, salamat po sa support and sorry po for the late updates :).

-Cryptic_Sorcerers

Pantomime CoalitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon