Chapter 7 - Answers (part 2)

70 7 1
                                    

*~~~
'Even your questions about your signs.'

'Yan ang huli kong narinig bago ako makatulog kagabi.

"A-ate Sapphira." biglang bumukas yung pinto sa kwarto na tinulugan ko.

"Oh? Bakit Clio?" tanong ko.

Bigla naman siyang lumuhod sa harap ko at niyakap niya yung binti ko. Saka naman siya umiyak.

"Huh? B-bakit nga Clio?!" nag-aalalang tanong ko.

"Sorry po kagabi." Oo nga pala, yung nangyari kagabi.

"Ahh, 'yon lang naman pala."

Bigla namang lumakas yung iyak niya.

"Hindi eh, nasaktan ka." Ang cute niya talaga.

Bigla namang bumukas yung pinto. Si Ma'am Ghielle pala. Pagkakita niya sa amin, napangiti siya. Lumapit naman siya sa amin.

"Ayos na siya. 'Wag ka mag-alala." sabi ni ma'am.

Tinignan ko naman ang braso kong nasugatan at nakita kong magaling na nga.

"Oo nga Clio! Tignan mo oh." sabay pakita ko naman sa braso ko.

"Hindi na po masakit?" tanong niya.

Napangiti naman ako at tumango. Napangiti na rin siya.

"Tara na, may klase pa kayo." Sabi ni ma'am.

"Huh? May school din dito?" nagtataka kong tanong.

"Opo ate. Malapit 'yon dito." Binuksan niya naman yung kurtina. Madilim pa sa labas, "'Yon oh!"

Tinuro niya naman ang isang malaking building. Pero, mas malaki pa rin yung Shuǐ building.

"'Yan ang Shuǐ high." pagpapaliwanag ni ma'am, "Diyan, i-eenhance ang abilities niyo."

Tumingin naman si ma'am sa relo niya.

"3:14 a.m. na. Clio, maligo ka na." utos ni ma'am.

Agad na sinunod ni Clio yung utos niya. Naiwan kami dito ni ma'am.

"Alam ko na marami kang tanong tungkol sa katauhan mo." sabi ni ma'am habang sinasara yung pinto, "Sige, magtanong ka, pero, hindi lahat masasagot ko."

Pagkakataon ko na 'to. Saan ba ako magsisimula?

"Umm, t-tungkol po sa signs ko." panguna ko, "Bakit dalawa po?"

Nagbuntong hininga naman siya.

"Tungkol diyan, hindi pa namin talaga alam kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagkakaroon mo ng dalawang signs. Ang sabi ng mga propeta, dahil daw ito sa mangyayari ngayong henerasyon mo. Pati mga Mezziers madadamay. Napapanood mo naman sa balita ang mga biglaang pagsunog 'di ba?"

Naalala ko naman yung sinabi ni gramps that Mezziers don't know the danger they are in. Napapanood ko naman sa balita yung mga biglaang pagsunog ng mga bahay. Pero, bakit? Anong mangyayari sa henerasyon namin?

"Ano po yung mangyayari?" tanong ko.

"'Di ko talaga alam. Pero, teorya namin ay tungkol ito sa Huǒ League. Narinig mo na ata 'yon kay Gio. Sila ang may balak na sumira sa kapayapaan ng Coalition natin pati ng mga Mizziers." So, Gio ang tawag niya kay gramps.

Alam ko naman na masasama ang mga 'yon.

"Opo, alam ko nga po." sabi ko.

Nagkaroon naman ng unting katahimikan. Bigla nalang sumangi sa isipan ko kung paano sila, nila gramps, nagkakilala. Pati na rin sila papa at mama.

Pantomime CoalitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon