Chapter 6 - Full Moon

64 8 0
                                    

*~~~
Hingal na hingal na kami. Nagtago kami sa puno dito sa park. Dala-dala ko naman ang mga maleta ko. Dinaanan muna kasi namin ang mga iyon bago magpunta dito.

"Wala na kaya siya?" tanong niya.

Sumilip naman ako at andoon yung lalaki. Tinago ko ulit yung ulo ko para di kami makita. Tsk. Muntik na! Buti na lang ay nakatalikod yung lalaki.

"Nandiyan pa siya," bulong ko, "mayroon ka pa bang alam na lugar na pagtataguan natin? Baka kasi makita pa tayo dito eh."

"Meron." sabi niya naman. "Tara, sundan niyo po ako."

Sinundan ko naman siya at dahan-dahan kaming umalis doon. Pag alis namin sa park, tumakbo na kami papuntang Shuǐ bulding.

"Wait!" pahinto niya.

"Bakit?" pabulong na tanong ko.

Nakatago kami sa likod ng Shuǐ building ngayon. Nakasandal kami sa pader para di kami makita. Tinuro naman ni Clio yung labas sa bandang kanan niya. Sumilip ako at nakita kong may nagpapatrol na guard.

"Ano gagawin natin?" tanong ko.

"Shh.. Follow my steps."

Sinundan ko ulit siya at dahan-dahan ulit kami nag-sneak papunta sa mga bahay. Nang makadating kami doon, nagtago kami sa isang eskinita. Doon, nagpahinga kami. Nag-usap usap lang kami hanggang sa maiba ang topic.

"Hahaha.. Ang galing niyo po talaga kanina."

"Hahaha, thanks." Nagkukuwentuhan lang kami nun. Tungkol iyon sa nangyari kanina, kung paano ko siya tinulungan.

"Nakakabilib naman po kayo." sabi niya.

"Bakit ka nagsasabi ng po sa'kin? Ilang taon ka na ba?" tanong ko.

Nakapagtataka lang talaga. Ilang taon pa ba siya? Bakit siya nagsasabi ng po? 'Di naman ako gano'ng katanda ah.

"Umm, 14 po."

"Ahh, isang taon lang naman pala pagitan natin. 15 ako ngayon." pagpapaliwanag ko.

"P-pwede ko po ba pa rin kayong i-po?" Ang cute niya. Sige na nga.

"Well, wala namang masama do'n diba.. Clio, right?"

Tumango naman siya. Totoo kaya ang hinala ko? Anak siya ni gramps? Pareho kasi sila ng apelyido. That also explains why there are women's clothes in his house. At, yung sign niya, Cancer din!

"May kilala ka bang Giovanni Carcinus?" tanong ko.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Mukhang kilala niya si gramps.

"P-Paano niyo po siya nakilala?!" gulat na tanong niya.

"Sa totoo lang, siya talaga ang nagdala sa akin dito." sabi ko, "Bago lang kasi ako dito."

"Nasaan na siya? Bakit 'di ko nakita?" Palingun-lingon naman siyang hinahanap si gramps.

"Pasensiya na ha, hindi ko siya kasabay nung pumasok ako dito eh. Magfu-full moon daw kasi."

Tumingin naman ako sa itaas, ang ganda ng buwan! Wait. Napatingin naman ako kay Clio. Cancer sign din pala siya!

"Clio! Full moon ngayon! Mawawala ka sa kontrol." Napaatras naman ako nung pagkasabi ko nun.

Yumuko siya at bumuntong hininga.

"'Di po ako nawawala sa kontrol tuwing full moon. I use the moon for my strength. Not for my weakness." sabi niya naman.

Nakikita ko naman na may nagle-leak na tubig sa kamay niya. No, hindi pa niya ata kontrolado.

"Clio! 'Di mo pa ata kontrolado!" sigaw ko.

Pantomime CoalitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon