Two Years

9 1 0
                                    

*~~~

"Sapphira, handa na kami." sabi ni Amara gamit ang earpiece.

Dalawang taon na ang nakalipas mula noong pumasok ako sa Pantomime Coalition. Sa loob ng mga taon na yon, nagtraining kami sa loob at labas ng Coalition. Sa loob, gumagamit kami ng Reality Simulator kung saan nagpo-project ng 3d images ng mga kalaban ang isang super computer. Hindi pa gaanong perpekto ito, pero patuloy pa ring inaayos at ina-upgrade ni Ma'am Ghielle sa tulong nina Ma'am Sheina at Pier.

Sa labas naman, gaya ngayon, nagi-infiltrate kami ng mga kampo ng Fire League. Every month namin 'tong ginagawa. Ngayon ang pangdalawampu't apat kong pagsugod sa kampo ng Fire League. Nasanay na rin ako sa takbo ng pangyayari. Ikinukulong namin ang mga sumusuko sa Dìquí Coalition.

'Di na rin ako nakakatanggap ng mga masasamang feedback sa Shuǐ Coalition since yung araw na nangako ako. Naiintindihan na rin ako ng mga bata doon. Naging maayos na sa wakas ang pakikitungo namin sa isa't isa.

Naging maganda na ang takbo ng trainings namin. At, kita sa aming lahat ang pag-improve ng bawat isa.

*~~~

Pantomime CoalitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon