SHENNIE JIMINNIE P.O.V
Kabayaran sa Ginawa ni Bryan.
1. Uutusan ka nya. WALA DAPAT ANGAL.
2. Magiging mabait ka sa kanya.
3. Wag mo siya SISIGAWAN O BUBULYAWAN.
4. Magiging SWEET KA SA KANYA pag anjan EX nya.
5. AALAGAAN MO SIYA-bryan. Say
Napanganga at napa luwa ang Mata ko. SERYOSO TO? TALAGA? susko naman dapat pala ako na lang ang napalo ng baseball bat at Hindi siya. Urgh!
"B-bawal k-ku-montra"
"ALAM KO" sigaw ko at agad Kong napatakip sa bunganga ko. Bwiset!"Sorry" pag hihingi ko ng tawad ang manyak nakangisi. Masakal kita jan. Kita mo deretsio ka sa Sementeryo.
"Oww. Bro gising kana" saad ni Ano nga name nila?
"Owww. Kasama pala yung fake girlfriend nya" pag sambit nung Chinito na black na black na hair. At pinag diinan pa talaga ang FAKE wow lang.
"Btw. My name is Charls" tsk! Wala akong pake. Nilahad nya yung palad nya pero tinignan ko lang ito. At nag tawanan naman yung iba.
"Pfft. I'm Steven. Stev for short" ang cuteee nya. Grabe. Muka Kasi siyang chibi.
"I'm mark" eto naman yung matangkad pero GWAPO.
"I'm Charlie" pang babae pangalan pero grabe akala mo angel.
"Richard" eto yung kasama ni majimboo nung una kaming nag kita. Kaso ang yabang. Halata naman.
Pag ka tapos nila mag pakilala isa-isa tinignan nila ako. Kaya napataas ang kilay ko. Problema ng mga to?
"Ano name mo? Baka gusto mo mag pakilala" sarkistang saad nung charls?
"Bakit? Importante ba sa inyo malaman ang pangalan ko? Saka isa pa. Hindi ko naman sinabi sa inyo na mag pakilala kayo" mahabang lintanya ko sa kanila. Isa naman. Napanganga. Yung isa. Gulat na gulat. Ano ba problema ng mga abnormal na tao nato?
"Ah. Hahaha. Grabe muka siyang matapang akala ko mabait" bulong ni Charlie? Bulong nga ba ginawa nya?
"Excuse me. Sir,Ma'am I check ko lang po yung pasyente" saad nung nurse. Maganda siya. Mahaba buhok,Sexy din.
"Anggg gandaaaa" saad nung charls. Pssssh. Mga playboy. Lahat naman eh. Mga nakanganga. Duh!
"Ilang % yan sa inyo" rinig ko dun sa di pamilyar na tinig.
"50%" rinig ko kay Steven.
"70%" saad naman ni charlie.
"80%" sagot naman ni charls.
"40%" sagot ni mark. Grabe 40% pa lang sa kanila.
"10%" lalo akong na panganga sa sinabi ni richard. Grabe 10!!! May ghadd. Kung ako mag rate sa babaeng yan 95%."Grabe talaga mag rate tong si Richard. Mahirap" saad ni charls.
Tumingin naman si Charls sa akin na makahulugan. Gago to Ano kaya iniisip.
"Ilang % sa inyo yang babaeng yan" sabay turo sakin ni charls. Bwiset! Sabi na.
"Hmmm. 40%" bigay ni Steven. Edi wow.
"Ammm? 30%" sagot ni Charlie. Wow grabe ako pa talaga.
"Hmmm? 50% pwede na" saad naman mark.
"Sakin 10% lang yan" saad ni charls kaya tinignan ko siya ng nakamamatay.
"95%" kaya napalingon kami lahat Kay R-richard.
"Wow! Pre ngayon ka lang nag rate ng ganyan ka laki sa babae. Type mo no?" Pangungulit ni Charls. Di naman ako makatingin. Hindi sa KINIKILIG AKO AT NAHIHIYA AKO! KASI NAKATINGIN si manyak samin.
"No. She's not my type. Remember. I'll rate the girl I love in 100%" pag sasaad nito.
"S-shes 1-100 f-for m-me" hirap na saad ni manyak. Kaya napatingin ako sa kanya.
"WHOOOOOO" rinig ko sa mga kasama nya. Kaya kinabahan ata ako. Kasi ang bilis ng puso ko.
"Aalis muna ako" saad ko at ginalaw na ang wheel chair.
Pag ka labas ko sa room ni manyak. Napahawak ako sa dibdib ko. Ano yun? Kinabahan bako? Saan? Hayss. Na pra-praning lang ako.
"Huy"
"Ay tae" gulat na saad ko para lalong bumilis ang puso ko. Susme. Aatakihin ako.
"Ano? Ok na ba si Bryan?" Saad ni majimboo.
"Oo andun na din yung mga katropa nya" saad ko at tumango siya.
"Oh" sambit nya at may nakita akong may inabot siya kaya kinuha ko.
"Para saan tong? Singsing?" Saad ko. Tumingin lang siya sakin.
"Psssh. Malalaman mo rin soon. Basta tago mo lang" saad nya at umalis ma sa harapan ko. Tinignan ko naman yung singsing. Ang ganda. Simple lang pero ang ganda. Talaga. Bat nya kata to pinabibigay? Saka itago ko? Para saan? Ano ba gagawin ko dito? Tsk! Bahala na nga..