SHENNIE JIMINNIE P.O.V
Hindi muna ako pumasok dahil wala lang. Saka sabi ni Richard sakin na makakalabas na si Manyak sa hospital. Um-oo na lang ako at pinatay na agad.
~ Someday I'll be living in a big ol' city
And all you're ever gonna be is mean
Someday I'll be big enough so you can't hit me
And all you're ever gonna be is mean
Why you gotta be so mean? ~Tinignan ko kung sino yung tumatawag at si manyak yun. Hindi ko sinagot. Di ko rin alam kung bakit. Kasi hindi pa mawala sa isip ko yung nangyare as in. Hays.
"ATEEEEEEE" sigaw ng magaling na kapatid ko kaya binuksan ko yung pinto.
"Problema mo?" Naiinis na saad.
"May nag hihintay sayo sa baba knina pa" huh? Sino naman? Eh di naman ako papasok ngayon. Tinatamad ako.
"Tsk! Sige baba na lang ako" saad ko at sinarado ulit yung pinto. Tumingin muna ako sa salamin. Ok naman pag mumuka ko. At sinuot ko din yung Nerd glasses ko.
Pag ka baba ko ng sala at agad pumunta sa labas ng bahay. Pag kalabas ko ng bahay. Halos manlaki ang Mata ko. Putakte! Andito siya? Ok ba mu-eka nga lang. Pake ko ba kung panget ang muka ko. Pssh.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?" bulyaw ko agad sa kanya.
"Aga-aga galit ka na agad" saad nya. Medyo ok na siya ngayon
"Ano nga ginagawa mo dito? Hindi ako papasok Kaya muna kana" naiinis na saad ko dito sa manyak nato.
"Alam mo hon-"
"TANGINA ITIKOM MO YANG BIBIG MO" sigaw ko sa kanya.
"SHENNIE" kaya napaligon ako sa tumawag at nakatayo si mama.
"Ah? M-mama b-bakit po?" Susko. Maang-maangan kapa shen.
"Ano yung narinig ko knina huh? At bat ka sumisigaw sa labas ng bahay?" matapang na saad ni mama at lumapit samin
"Hellow po Tita ako po Pala boy-jkfnfk" tinakpan ko agad ang bunganga nya at pinandilatan ng mata.
"Huh?" Saad ni mama
"Ah! Ma. Napadaan lang po siya dito aalis din po siya agad diba Man-este Bryan?" Saad ko st inalis nya yung kamay ko at inakbayan ako sa harap ni mama. My ghadddd.
Tinignan ni mama yung akbay nitong lalaking to at ako at nanlilisik ito. I'm died.
"Ako po ang BOYFRIEND ng anak nyo" saad nya at halos himatayin ako sa tingin ni mama.
"SHENNIE JIMINNIE" sigaw ni mama kaya naman pumunta ako Kay mama.
"Ma mag papaliwanag po ako" saad ko at binigyan ako ng masamang tingin at pumasok sa bahay.
Tinignan ko si manyak at nakatingin sakin.
"Pumasok ka. At lintek pag ako na bulyawan. Mapapatay na talaga kita" saad ko at ngumiti lang to at pumasok na kami. At yung kapatid kong shitting pretty sa upo eh naging Dalagang pilipina ng makita tong si manyak.
"Hi" saad ni Chim
"Hellow cute mo naman" saad ni manyak at tumabi sa kapatid ko.
Pumunta naman ako Kay mama at nakita ko siyang nag luluto.
"Ma so-"
"Grabe anak Pano mo nabingwit yung gwapong yun? Grabe ang gwapo nya anak boto ako dun" ANO? anyare sa kanya
"Pero ma hi-"
"Hi po tita" saad ni manyak. Bwiset! Panira ng discussion.
"Hellow ijo, sorry naging OA ako kanina ah? Pero boto ako sayo" what? Susko ma. Kung alam nyo lang. Hindi naman talaga ako shota nyan Eh! That's part of my job!!! Hindi personalan.
Eh? Sa kiss hindi rin ba personalan yun?
Huh? Shempre hindi. Bwiset! Wag mo na nga ipaalala
"Ijo kelan ba kayo naging mag kasintahan ng anak ko at pano kayo nag kakilala?" tanong ni mama habang nag luluto
"Ah. Medyo matagal nadin po. Saka mahal na mahal ko po tong anak nyo" para naman po akong natuod sa kinakatayuan ko. M-mahal? Biglang bumilis yung tibok ng puso ko na para bang may humahabol sakin tapos parang gusto kumawala ito. M-may sakit na bako? Mamatay na ba ko?
"Ang sweet naman pala ng Shota mo anak" saad ni mama habang nag luluto padin. Nakatalikod Kasi ito samin
"Hahaha. Hindi naman po tita" saad ni manyak pero tahimik lang ako. Ang bilis parin Kasi ng tibok ng puso ko. Pinapilit ko tong ikalma pero hindi ko magawa.
Ok lang ba talaga ako? Bat ganto? Ayoko sa Gantong pakiramdam hindi ako sanay..