One Sided Love?
Bakit ka pa magmamahal kung alam mong di niya kayang suklian ang pagmamahal mo?
Dahil ba para sayo ang pag ibig ay hindi humihingi ng kapalit?
Edi palitan natin,
Bakit ka pa nagpapakatanga at nagpapakamartir kung alam mo namang may mahal na siyang iba?
Alam mo yung feeling na akala mo ayos na. Kasi unti unti na kayong nagkakalapit. Pero sa huli malalaman mong hindi pala. Nagkamali ka lang pala.
Na ikaw lang pala yung nagmamahal at hanggang paasa lang siya.
Pero sino ba kasi ang nagsabi na mahal ka niya?
Sino nga ba ang nagsabi na umasa ka?
Di ba wala. Kaya ikaw sa sarili mo ang may kasalanan non. Kaya wag na wag ka agad bibigay sa mga pinapakita nila sayo.
Para lang yang yung pag nahulog ka sa bangin, walang sasagip sayo pero umaasa ka na sana meron.
Yung alam mo naman na wala na talaga pero andyan ka parin at nagpapakatanga para sakanya, na sana mahalin niya.
Yung masakit na nga mas lalo pang sumasakit pag nakikita mo siya.
Na kulang nalang iwasan mo na siya kasi nga mahal mo at ayaw mo ng lumala pa yung nararamdaman po para sakanya dahil ikaw lang yung nagmamahal at hindi siya.
At alam mo na hindi pwede na mangyari na mahalin ka din niya dahil,
-
-
-
--
-
-
-
-
-
--
-MAY MAHAL NA SIYANG IBA....
-------->
BINABASA MO ANG
Hugot &...Love Advice?
Teen FictionThis is not a story...This is purely HUGOTs and Advices ONLY... Hehehe d^_^b TRY TO READ THIS FIRST BEFORE YOU JUDGE IT...Thank You! d^O^b Nakakainis yung pag sinabi sayo ng isang tao na 'Ikaw ang umasa' dahil di ka naman niya pinaasa...' Dahil mas...