Dear DESTINY & FATE,
Bakit ganon? Lagi kayong magkasamang dalawa? Hindi napaghihiwalay kahit sa pangalan. Kapag binaggit na si DESTINY sigurado andyan si FATE. Kaya ang powerful niyo eh. Hirap niyong patumbahin, ang hirap niyong tibagin.
Ang hirap niyong kalabanin noh? Ang lakas ng kapangyarihan niyo para mapagtagpo niyo ang dalawang tao.
Pero bakit gano'n? Ang dami niyong pinapaasa? Pinapaasa na mga tao na akala nila sila na para sa isa't-isa pero hindi pala. Di niyo ba alam na nakakasakit din kayo?
Pero siguro yun nga talaga ang purpose niyo dito sa mundo, ang paghiwalayin ang mga tao na di talaga para sa isa't-isa at pagsamahin ang talagang nakatadhana na maging sila.
Pero ang mahirap paano namin malalaman yung taong itinadhana at ibinigay ng kapalaran para sa amin? At paano kung magkamali kami?
Minsan ang gulong intindihin, ang hirap kalabanin, ang sakit kaharapin pero anong magagawa ko? Kung yun talaga ang itinadhana at ang kapalaran ko.
Destiny and Fate, pwede ba'ng magrequest?
Pwede ba'ng ako nalang si FATE para lagi kong kasama ang DESTINY ko.
Sincerely Yours,
A.Y.S
BINABASA MO ANG
Hugot &...Love Advice?
Teen FictionThis is not a story...This is purely HUGOTs and Advices ONLY... Hehehe d^_^b TRY TO READ THIS FIRST BEFORE YOU JUDGE IT...Thank You! d^O^b Nakakainis yung pag sinabi sayo ng isang tao na 'Ikaw ang umasa' dahil di ka naman niya pinaasa...' Dahil mas...