Let go...
Pa'no ka matututong mag-let go kung ayaw mong bumitaw.
Yung pilit mo pa ding binabalikan yung nakaraan kaysa tingnan ang mga magagandang nangyayari sa kasalukuyan.
Yung mas pinipili mong masaktan kaysa sa lumigaya ka ng tuluyan.
Mag-let go ka na kung talagang wala na. Kung alam mong wala ka nang babalikan pa. Hindi yung mukha ka ng tanga sa kakahabol sakanya.
Parang ganito lang yan eh.
Ikaw iniisip mong mag-let go pero di mo magawa kasi balik ka ng balik sa nakaraan niyong dalawa.
Habang siya, ayun! Masaya na, kuntento na sa PILING NG IBA.
Yung tipong siya matagal ng bumitaw habang ikaw patuloy pa ding umaasa na babalik siya. Na babalikan ka niya.
Pero hindi eh. Hindi na siya babalik pa.
Bakit ba patuloy mong binabalikan, iniisip, at minamahal yung taong matagal ng wala?
Kaya wag kang magtataka kung bakit hanggang ngayon nasasaktan ka pa. Hindi na yan dahil sakanya, dahil sayo na yan.
Dahil hindi mo pa din tuluyang nile-let go yung feelings mo para sakanya at di mo pa din matanggap sa puso mo na iniwan ka na niya.
------------->
BINABASA MO ANG
Hugot &...Love Advice?
Teen FictionThis is not a story...This is purely HUGOTs and Advices ONLY... Hehehe d^_^b TRY TO READ THIS FIRST BEFORE YOU JUDGE IT...Thank You! d^O^b Nakakainis yung pag sinabi sayo ng isang tao na 'Ikaw ang umasa' dahil di ka naman niya pinaasa...' Dahil mas...