22- Deserve

30 0 0
                                    

Deserve

Pag nasasaktan ka, minsan naitatanong mo sa sarili mo kung deserve mo bang masaktan ng ganong kasakit. Pero ang sabi sa nabasa ko...

'Nobody deserves to be hurt... But, someone can hurt you more than you deserve... because you love them more than they deserve.'

-He's Into Her Season 2

Tagos na tagos sa puso diba? Pero tamang tama naman.

Kasi wala naman talagang taong deserve na masaktan ng sobra pero nararamdaman mo yon kasi masyado mong hinayaang mahulog yung sarili mo sa bitag ng pagmamahal at masyado kang naging kampante na hindi ka niya pababayaang mahulog ng nag-iisa.

Masyado kang nagtiwala sa tinatawag ninyong 'tadhana'...

Masyado kang umasa na sabay na mahuhulog ang loob ninyo para sa isa't - isa...

Masyado kang umasa na sasapuhin ka din niya...kaso hindi eh.

Hindi kayo ang nakalaan para sa isa't - isa.

Hindi kayo ang nakatadhanang dalawa.

Masakit mang tanggapin pero maaaring inagtagpo lang kayo para maging aral sa buhay ng bawat isa...

—————————————>

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hugot &...Love Advice?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon