Sino ba ako para sa'yo?
Pakiramdam ko kasi para akong correction tape ng buhay mo.
Dahil palagi nalang ako yung nagtatakip ng mga kamalian mo pero kapag wala na akong silbi itatapon mo nalang ako.
Oo, ganyan ang tingin ko sa sarili ko. Dahil pakiramdam ko ginagamit mo lang ako.
Mahal kita pero di mo yun nakikita. Dahil patuloy kang nakatingin sa isang tao na kahit kailan ay hindi naman nagkaroon ng pakielam sa'yo samantalang ako na nasa tabi mo ni minsan hindi mo tiningan gaya ng pagtingin mo sa taong kinhuhumalingan mo.
Kailan mo ba ako mapapansin? Kailan mo lang ba ako napapansin?
Kapag wala siya sa tabi mo. Kapag wala siya sa paningin mo.
Pero nakakapagod din pala. Kasi palaging ako nalang yung pinaka nasasaktan..
Kaya sana..bago ko maisipang magpaalam na sa nararamdaman ko para sa'yo sana ma-realize mo na ako yung palaging nasa tabi mo na laging umaalalay sayo habang paulit-ulit kang umiiyak dahil sa isang walang kwentang tao.
BINABASA MO ANG
Hugot &...Love Advice?
Novela JuvenilThis is not a story...This is purely HUGOTs and Advices ONLY... Hehehe d^_^b TRY TO READ THIS FIRST BEFORE YOU JUDGE IT...Thank You! d^O^b Nakakainis yung pag sinabi sayo ng isang tao na 'Ikaw ang umasa' dahil di ka naman niya pinaasa...' Dahil mas...