19 - Love is about Sacrifices

32 3 0
                                    

Love is about Sacrifices

Is it true? Or is it just a lie?

Para kasi sakin, love is not just about sacrifices it's also about, how long will you fight for your love.

Laging iniisip ng iba na mas sasaya yung taong mahal nila sa piling ng iba pero yung iba akala lang nila yon.

Mas pinangungunahan kasi  sila ng panghihina ng loob.  Nang takot.

Paano mo nalaman na tunay siyang magiging masaya sa piling ng iba kung ramdam na ramdam mo na mahal ka pa din niya?

Paano niya pa magagawang ipaglaban ang pag-ibig na meron kayo kung siya nalang ang patuloy na lumalaban at patuloy na kumakapit habang ikaw bumitiw na at sumuko na?

Ano ang silbi ng akalang mong sakripisyo kung yun pala ang magpapalungkot sakanya?

Hindi sa lahat ng pagkakataon palaging tama ang akala.

Iniisip mo sinakripisyo mo ang pag-ibig mo sakanya at hinayaan mong masaktan ka dahil yun ang makakabuti at mas dun siya sasaya pero nangyari nga ba yon?

Ikaw nga lang ba ang tunay na nasaktan?

Paano siya? Paano yung pag-ibig niya para sa'yo na akala mo wala na?

Minsan sa akala mong sakripisyo na yan na makabubuti para sakanya minsan hindi mo alam nasasaktan din pala siya, na mali ka pala ng akala sa nararamdaman niya, na mali ka pala sa iniisip mong mas makakabuti sakanya. Na mali ka pala dahil ibang sakripisyo ang nagawa mo.

Isinakripisyo mong masira yung relasyon niyo dahil sa maling AKALA mo.

At ngayon nagsisisi ka dahil nung marealize mo na mali ka nga...WALA NA. Burado ka na sa puso't isipan niya. Naka-move on na siya sa'yo at sa sakit na idinulot mo.

Dahil pati siya,

NAKABITIW na tulad ng GINAWA MO.

-adalec

Hugot &...Love Advice?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon