7-Torpe

43 2 0
                                    

Torpe!


Naiinis ka ba sa mga taong torpe dahil hindi nila maamin sa mahal nila ang tunay nilang nadarama?


Matanong nga muna kita,


Eh bakit IKAW? Nasabi mo na ba na mahal mo SIYA?


Hindi pa di'ba?


Para sa akin tatlo lang naman ang dahilan kung bakit natotorpe ang isang tao eh.


UNA, dahil sa REJECTION

Natatakot na baka mareject o kaya mabasted pero sasabihin ko sayo,

Paano pag yang pagkatakot mo sa rejection ay maging isang dahilan para maging huli ang lahat para sa inyong dalawa?

Di'ba mas maganda kung may gagawin ka. Dahil pagdating sa pag-ibig dapat marunong kang masaktan dahil hindi lahat ng umiibig ay masaya. Kaya dapat, You should know how to take RISK..


PANGALAWA, dahil naman sa HIYA.

Nahihiya sila na aminin yung nadarama nila. Sa totoo lang ha? Sasabihin ko sayo 'to at sana naman tumatak sa isip mo.

Bakit mo ikakahiya yung nararamdaman mo para sakanya? Di'ba nga dapat proud ka pa dahil siya yung MINAMAHAL MO at PINAPAHALAGAHAN MO.

Paano kayo mabibigyan ng chance kung kinakahiya niyo ang nararamdaman niyo?

Edi mage-end up nalang kayo sa taguan. TAGUAN NG FEELINGS!


And the third is, IN A RELATIONSHIP.

Paano kung in a relationship ang status ng mahal mo?

Ano ang gagawin mo?

Syempre mawawalan ka ng confidence.

Iisipin mo wala na kayong pag-asa kaya hindi mo na sasabihin sakanya. Kaya itatago mo nalang ang nararamdaman mo para sakanya.

At iisipin mo na baka kapag sinabi mo pa sakanya ang nararamdaman mo ay baka masira mo ang relasyon nila at ayaw mo nang ganon.

Kaya you will end up BROKENHEARTED AGAIN -
:'-(


Ang hirap nga naman pag ganyan NA ang sitwasyon.

Kaya para sa iba diyan.

BILISAN NIYO NA ANG KILOS NIYO BAGO PA MAHULI ANG LAHAT PARA SA MGA TAONG MAHAL NIYO

At saka malay niyo baka pag sinubukan niyo biglang mabuo ang pagmamahalan at tumibok yang puso niyo ng agad-agaran ♥♥♥


--------------->

Hugot &...Love Advice?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon