1-Mahal o Kailangan?

609 8 0
                                    

Mahal O Kailangan?

Kailangan mo ako dahil mahal mo ako?

O

Mahal mo ako dahil kailangan mo LANG ako?

Alin nga ba sa dalawa ang mas nakakalamang para sa iyo?

Pero bakit ko pa nga ba itatanong kung alam ko naman ang sagot sa tanong na gumugulo sa isipan ko.

Na ikaw ay manloloko, manggagamit at sa mga babae'y nanakit.

Sobrang pasakit ang ibinigay mo sa akin.

Sa mga panahon na lumipas na kasama kita tila akin nang napagtanto na ako'y nagpakatanga lang pala sa isang kagaya mong nilalang na WALANG KWENTA.

Na hindi deserving sa pagmamahal ng isang tulad ko,

Pero ngayon alam mo kung sinong mas tanga sa ating dalawa?

Ikaw yon. Dahil sinayang mo ang pagmamahal na ibinibigay ko para sa iyo.

Dahil pinili mong iwanan ako gayong ako na nga yung lumalapit sayo para ialay ang pagmamahal na dapat ay ibibigay ko sayo.

Na nandito na nga ako sa harapan mo na handa kang mahalin habang buhay pero anong ginawa mo?

Iniwan at niloko mo lang ako!

At naghanap ka ng iba na akala mo ay malalamangan ang pagmamahal ko sa iyo pero ano?

Nandito ka sa aking harapan umiiyak at nagmamakaawa na ikaw ay aking balikan.

Para ano?

Para ako'y muling saktan?

Tandaan mo hindi tayo si Popoy at Basha.

Wala tayo sa isang pelikula para magkaroon ng Second Chance.

Totoong buhay toh!

At hindi ako isang laruan o isang game!

Na pagkatapos mong gamitin, pagkatapos mong paglaruan at pagsawaan ay itatapon mo nalang ng basta basta at iiwanan sa isang tabi at dadaan daanan.

At ngayon nagsasabi ka sa akin ng I Love you?

Akala mo natutuwa ako?!

Pwes hindi!

Dahil sa tuwing sinasabi mo sa akin yan! Naaalala ko na, sinabi mo na nga din pala yan sa mga babaeng naging kahati at kasabay ko sayo noon.

Oo! Alam ko ang pang gagago na ginawa mo sa akin noon!

Pinagsabay sabay mo kami! At hindi lang pala sa pagkakataon na iyon na may niloko ka. Marami pang iba. Marami pa kaming naloko mo!

At ngayon akala mo mahuhulog ulit ako sa'yo dahil lang sa pagsabi mo sakin ng salitang iyan?

Ng I Love You mong minsan na akong sinaktan!

Na minsan na akong pinaasa.

Pero kahit kailan hindi ko manlang naramdaman.

Bakit ngayon nandito ka na naman?!

Dahil kailangan mo ako?!

Dahil kailangan mo ng isang tulad ko?!

Dahil kailangan mo ng pagmamahal dahil wala ng nagmamahal sayo?!

Pwes! Mabulok ka diyan sa pwesto mo!

Tandaan mo na hinding hindi na kita papayagang makapasok pa muli sa buhay ko.

Dahil simula ng ako'y iwan mo, Napag isip isip ko na isa ka lang palang mang gagamit na hindi ko na dapat pa pabalikin sa buhay ko.

Hugot &...Love Advice?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon