THERE WAS a point in a woman's life where she finds herself longing to love a man and be loved by the same man equally in return. To be held by strong arms, kissed by sincere lips and showered with love for the rest of their lives. Ito ang nasa isip ni Bride habang tinitingnan ang kakadeliver lang na wedding photos ng isa sa triplets niyang kapatid.
Noon ay sigurado siyang kaya niyang mabuhay ng mag-isa. Pero nang makita niya ang wedding photos ni Bonnie, may inggit siyang naramdaman. Kung tutuusin ay kaya naman talaga niyang mabuhay mag-isa. Pero ngayon ay naiisip niyang mabubuhay lang siya pero hindi siya maggiging masaya.
She's been single as long as she remembers. At ang pinakamaagang memorya niya ay noong limang taong gulang siya.
"'Kita mo na, Bride? Mabuti pa 'tong mga kapatid mo, nakahanap na ng prince charming nila. Ikaw, hanggang ngayon, in-love parin sa palaka," singit ni Posy sa pagsi-sentimiyento niya. She was still friends with Posy throughout the years. Ngayon ay nadagdag sa barkada nila si Maji. Posy was now a mystery writer and Maji was a guidance counsellor. Ang dalawang iyon na ang nagsilbi nilang pamilya. They were as close as an immediate family. Kaya naman ang problema ng issue ng isa ay issue ng lahat.
"Oo nga, Bride," sang-ayon ni Maji. "Mukhang magkaka-first baby na si Bea at kakakasal lang ni Bonnie. Si Barbara nalang ang 'di mo nadidispatya. Naku, baka maunahan ka pa."
Hindi niya nagawang sumagot. Hindi niya tunay na mga kapatid ang triplets. Their parents were childhood friends. At nang mamatay ang mga magulang niya kasama ang mga magulang ng mga ito apat na taon na ang nakakaraan, she assumed responsibility to the three. She was twenty-two then and the triplets were nineteen, fresh out of college. The triplets had no known relatives because both their parents were from a foster home. Siya naman ay walang malapit na kamag-anak sa Maynila.
The accident created a huge impact on the three and being the eldest, she had to be the calm and responsible one. Kaya naman mula noon ay wala na siyang ibang inisip kundi ang kabutihan at kaligayahan ng tatlo. Kung iisipin niya man ang kasiyahan niya ay pagkatapos nang maging masaya ng tatlong kapatid niya.
She made making her sisters settled her life's advocacy. She made sure they settled nicely into their jobs, fall in love, and be happy. Ang mga bagay na gusto niya noon para sa sarili niya. Pero hindi niya nagawang isipin kung ano bang mangyayari sa kanya kapag okay na ang mga ito.
"Do you even know what the word date means, Bride?" pukaw ni Maji sa kanya.
"It's what the days in the month are called," aniya para mainis lang ang mga ito. Hindi niya tinanggal ang mga mata sa wedding photos ni Bonnie.
Umungol ang mga kaibigan niya.
"Bride! Kailangan mong buksan ang sarili mo sa ibang lalaki!" tila naiinis na wika ni Posy na may papalo-palo pa sa mesa.
"I have!" sabay niya sa pagtataas nito ng boses.
"No you haven't. Sa tuwing may magkakagusto sa'yong lalaki, you close yourself immediately. Hindi pa nga nakakalapit sa'yo, pinagtatabuyan mo na." Si Maji.
"Hindi ko sila type."
"'Yon na nga ang problema, Bride. Isa lang ang lalaking type mo, si Sylvester Lance Aquino."
Upon the mention of his name, her whole nervous system started overheating, maximizing the speed of the functions of her organs especially her heart. Paanong possible na may gan'ong reaksyon padin ang puso niya sa tuwing maririnig niya ang pangalan nito? At hayun, gusto nanaman niyang takbuhan ang nakaraan.
Since their graduation ball in high school, she never heard anything about Slance. Ang alam niya lang ay lumipat ito sa kung saang bansa sa Europa para doon mag-kolehiyo, na siyang pangarap naman talaga nito mula n'ong marinig niya itong mag-share ng dreams and aspirations nito sa Values Education na klase nila.
BINABASA MO ANG
Run Away, Bride (as published by Lifebooks) - Complete
ChickLitWhen Bride Lopez loves, she does it with all her heart. It was her strength and her weakness. Kaya n'ong minahal niya si Slance Aquino ay alam niyang binigyan niya ito ng kakayahang saktan siya. Slance and she were from different worlds. He was one...