Chapter 9: A Test of Patience

5.1K 121 2
                                    


NAPAMULAT NG mga mata si Bride nang may narinig siyang tunog na When You Say Nothing at All. Damn, that song still sent tingles through her body. Saan iyon nanggagaling? Nag-inat siya at napakunot-noo nang may maramdaman sa gilid ng ulo niya. May isang tangkay ng rosas doon at cellphone na uma-alarm. Doon nanggagaling ang tunog.

She picked it up and saw a sticky note attached to its back where the password was written. 3-5-4-7. FLIP. Shit, napangiti siya. Tiningnan niya ang kabilang kama para makita kung nandoon pa si Posy. Doon na ulit ito natulog nang makauwi sina Jared. Tinype niya ang password at lumantad sa kanya ang isang note na nagsasabing:

Good morning, beautiful.

Breakfast at 8am, poolside. :)

-Slance

P.S.: I love you

Lumukso ang puso niya. Napaungol siya. "Utang na labas, Lord. 'Wag ganito, maawa ka sa puso ko."

Bumangon siya saka pumasok sa banyo para maligo at magbihis. This day was going to be scary. Wala pa siyang masyadong tulog dahil sa kakaisip ng mga sinabi ni Slance kaninang madaling araw. If she was right, she only slept for three hours. At sa tatlong oras na iyon, nananaginip pa siya. Si Slance nanaman ang laman.

"The smile on your face lets me know that you need me. There's a truth in your eyes saying you'll never leave me. A touch of your ha—" Napaungol na lamang siya nang matagpuan ang sariling kinakanta iyon sa banyo.

Paglabas ng banyo ay agad siyang nagbihis. Tumatakbo sa isip niya kung paanong napunta ang iPhone ni Slance sa gilid ng kama niya gayong si Posy lang naman ang may susi sa kwarto nila.

Naningkit ang mga mata niya. "Mga traidor."

Kinuha niya ang cellphone niya at iPhone ni Slance bago tuluyang lumabas ng silid. Nang nakalabas siya papunta sa pool side ay natigilan siya nang makita na kumakain ang mga guests sa pool side at may isang table na nakalaan lamang sa kanya. She knew because the chair had her name on it.

"Good morning, Bride," biglang wika ng isang boses sa gilid niya na ikinakislot niya. Agad na bumilis ang tibok ng puso niya at nagsitayuan ang balahibo niya.

"Slance!" aniyang tinapik ito. "Ano 'to?"

Nginitian siya nito. "Breakfast mo," ani lang nito saka hinila siya papunta sa upuan niya.

Nilapagan siya ni Slance ng isang pinggan na naglalaman ng pancakes na may blueberry syrup at butter. Nakagat niya ang labi niya dahil sa hirtsura nito. But of course, she had to make it hard. "Hindi ako kumakain ng matamis sa umaga. Gusto ko ng sunny side up na itlog na may sinangag," aniya para lang inisin ito.

Tahimik nitong tinanggal ang pinggan niya saka pinalitan ng bago, lulan ang sunny side up na itlog na may sinangag.

Nagtagis ang mga bagang niya. "Gusto ko rin ng tapa."

Naglapag ito ng platitong may tapa.

"Gusto ko rin ng pandesal."

Naglapag ito ng platitong may tatlong pandesal.

Lalo siyang nainis. "Walang kape?"

Naglapag ito ng cappuccino sa harap niya. Magrereklamo sana siya pero hindi natuloy nang makita niyang may sticky note doon.

Hindi nagde-deliver ang Regency Cafe. I tried to mix up my own version of cappuccino. I hope you like it.

P.S.: You will get hungry if you keep resisting me. Eat it all up bago mo ako tarayan. Marami kang oras para d'on. Gusto kong busog ka sa tuwing magtataray ka. ;)

Run Away, Bride (as published by Lifebooks) - CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon