Chapter 2: Death by First Love

7.1K 214 19
                                    

"LUPA, LAMUNIN mo ako," mahinang usal ni Bride nang tumama ang mga mata niya sa nag-iisang tao at pakiramdam na sampung taon na niyang tinatakbuhan. She had a tough day at work today and Regency Cafe was her turf. Isa siyang human resource manager ng isang hotel at sa dami ng stressors na kinakaharap niya araw-araw, kailangan niya ng matatakbuhan. She ran away to RC after work in hope of calming her nerves with her usual coffee mix but she didn't know that it wasn't her nerves that will need calming but her heart.

After ten meaningless years, her life's meaning was right there in front of her, waving, looking so handsome she gasped and almost forgot to exhale. Sylvester Lance Aquino was in the same establishment as her, breathing the same air as her, drinking coffee from a cup she might have used before.

Nang maglakad ito patungo sa kanya ay tila nadikit na siya sa kinatatayuan niya. Biglang bumalik ang gabi sampung taon na ang nakakaraan. Parehong-pareho ang nararamdaman niya. Iyong takot na napagtitripan lang siya ng mga mata niya, iyong takot na tuluyang mahulog dito at hindi siya nito masalo, iyong takot niya sa sobrang tindi ng nararamdaman niya rito. Gusto niyang tumakbo pero hindi na papalayo pero patungo sa loob ng mga braso nito.

"Ikaw nga," paunang bati nito nang makatayo na sa harap niya. Parang nasiyahan itong nakita siya nito. Pero bakit? Hindi ba ito nakaramdam ng sakit na tinakbuhan niya ito sampung taon na ang nakakaraan?

Ngumiti lang siya na parang timang, dahil iyon ang pakiramdam niya. "Slance," tanging wika niya.

Tumawa ito. A sound she immediately liked. "I go by the name Flip now," wika nito bago siya niyakap.

Nanigas siya.

Flip. Siguro ang rason kung bakit naging Flip ang palayaw nito ay dahil iyon ang ginagawa ng presensya nito sa pobre niyang puso. Or probably because that's exactly what she wanted to do when she felt his arms around her.

Natagpuan nalang niya ang sarili niyang nakapikit nang mabalot ng mga braso nito. Pwede siyang tumira d'on habang-buhay. Pwede niya itong maging permanent address.

#143 Aquino Bldg., Sa Mga Braso ni Slance St., Habang Buhay, Philippines.

Bago paman niya ma-imagine ang mga taong nakatira sa address niya ay binitawan siya ni Slance. Sakto namang lumapit ang isa sa mga butlers doon.

"My lady, would you like to retire to your quarters in the garden?" wika ni Simmons, ang pangalan ng matagal na niyang butler doon. Countess ang ranko niya sa RC kaya may privilege siyang magkaroon ng quarters sa malapad na establisimiyento. Mayroon siyang schedule kung anong oras kada araw siya pwedeng gumamit ng quarters.

"Oo, Simmons. Salamat," sagot niya rito.

"The usual coffee mix, my lady?"

Tumango siya.

"I presume the young sir will be accompanying you?" Nang tumango siya ay tumingin ito kay Slance. "What will you be having, Sir?"

"Oh, that's okay. I have my coffee. I'll just bring it over," ani Slance.

"Very good, Sir. If you would just follow me," he said, presenting where they're about to go.

Hanggang sa makarating sila sa glass quarters niya sa hardin ay walang nagsalita sa kanila. Ang hardin ng RC ay ang hardin na venue ng graduation ball nila. Throughout the years, they built small establishments that served as quarters. It was almost ironic to be in the place where her most regretted night happened and now with the person who made it regretful.

"So, kamusta ka na?" umpisa ni Slance...Flip nang dumating ang kape niya at naiwan silang dalawa.

Kumibit-balikat siya, umaasang hindi nito mahahalata na nate-tense siya. "Same old, same old. Ikaw, kamusta?"

Run Away, Bride (as published by Lifebooks) - CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon