Chapter 13: I'm a Changed Woman

4.7K 140 7
                                    




WAITING WAS DIFFICULT.  Nabuburyo na si Bride sa kakahintay sa pagbabalik ni Slance. Tatlong linggo, dalawang araw, labing-tatlong oras at sampung minuto. Sa bawat sandali ng nakalipas na panahon na iyon ay preparado na siyang makita at makausap ito. Pero habang tumatagal ay lalo na lang siyang nauumay sa kakahintay rito. Lalo na't hindi naman ito nagpaparamdam sa kanya.

    Walang text, walang tawag, walang paramdam o kahit ipakamusta nalang siya kay Knight at Anne. That had her worried. Pero may tiwala siya kay Slance...she's been working on that trust for three weeks. Wala lang talaga siyang tiwala sa mga malalanding maaaring nakapalibot dito.

    "Maj, p'ano kung—"

    "Hindi, Bride," agad na kontra ni Maji sasasabihin niya. "Ilang beses na nating napag-usapan 'to."

    Bumuntong-hininga siya. Tama ito. Iyon ang ikalimampung beses na nagtanong siya gamit ang salitang paano. Maji said that word meant doubt and regret. What ifs were words for the people who were not strong enough to accept the what is and face the what will bes. Sa nakaraang tatlong linggo ay tinutulungan siya ng mga kaibigan niya sa trust issues niya at sa iba pang mga bagay. They were allowing her to grow. Iyon nga lang, hindi parin talaga niya bestfriend ang baking.

    "Majiiiiiii!" sigaw niya nang muli nanamang um-alarm ang fire detector sa kusina niya. Nag-panic siya at agad na binuksan ang oven at kinuha ang tray nang walang oven glove. Agad niyang nabitawan ang tray dahil sa init na naramdaman nang mahawakan niya iyon. Nagkandahulog ang mga cookies.

    Agad niyang hinipan ang napasong kamay. Hindi niya alam kung ika ilang paso na niya iyon. Isinisingit ni Maji sa trabaho nito ang pagtuturo sa kanyang mag-bake. Mahilig kasi ito sa paggawa ng cupcakes at cookies. Kung tama ang tanda niya ay ika-anim na nilang session iyon. Buong araw silang nagbe-bake dahil linggo.

    Tiningnan niya si Maji na kalmadong inayos ang problema sa fire detector saka lumapit sa kanya. Hinila nito ang kamay niya papunta sa gripo at pinatakbo ang tubig sa paso niya. Pagkatapos noon ay nagsuot ito ng oven glove saka pinulot ang tray at ang cookies. Why can't she have Maji's calmness and organized mind?

    She groaned. Bakit hindi manlang niya naisip na standard procedure ang running water sa mga paso? Ni hindi manlang sumagi sa isip niyang mainit ang tray.

    "Hopeless na ako, Maj," aniya.

    "Bakit ba kasi kailangang maging cookies at cupcakes ang paborito ni Slance? Bakit hindi nalang cup noodles o instant coffee? Sigurado akong mapapasaya mo siya ng sobra-sobra."

    Lumabi siya. "Marunong naman akong magluto eh. Hindi lang talaga ako magaling magbake."

    Inabot ni Maji ang medicine kit sa may top drawer at nilagyan nito ng ointment ang paso niya. "But kidding aside, I'm happy for you." Maya-maya pa'y napakagat-labi ito, na tila ba may tumatakbo sa isip nito. "Can I just get things out of my chest?"

    Bumuntong-hininga siya pero tumango.

    "I love you. Pero noon paman talaga, alam ko nang may mga dinaramdam ka na tinatago mo. You always do that, Bride, shun yourself from Posy and I. Pero parte iyon sa minahal namin sa'yo. Napakabuti mong kaibigan. Pagdating sa problema naming mga kaibigan mo, sobrang willing kang tumulong at magsakripisyo. But when it comes to yourself, you shut us away. Nararamdaman ko kapag may mga bagay na parang nagpapasama ng loob mo pero hindi ko tinatanong dahil nilalabanan mo. Sometimes, I feel like I know you but sometimes I feel like I haven't really met the real Bride. Alam kong marami kang sugat na tinatago. I can feel your wounds but I know I can't heal them. I always believed that there will be one person who'll cut those wounds open again and will heal them completely. Pero walang sugat na hindi masakit, Bride. Lalo na kapag malalim at matagal na iyon."

Run Away, Bride (as published by Lifebooks) - CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon