Chapter 16: Repeat Performance

5.1K 127 8
                                    


BRIDE DIDN'T have the best memories in high school. But she met the best people there. Nang makatanggap siya ng invitation para sa isang reunion ng batch nila ay hindi niya alam ang mararamdaman pero alam niya ang unang bagay na dapat niyang gawin. Tinawagan niya si Slance at nag-demand ng isang sayaw. Nangako na rin siya na hindi na siya tatakbo.

Ngayong gabi na ng alumni night nila, hindi siya tinigilan ng triplets, nila Anne at Moira, pati na rin si Maji at Posy. Nandoon sila ngayon sa kuwarto niya, nagsisiksikan para lang maayusan siya at si Posy. Ipinatahi siya ng triplets ng gown na similar sa suot niya noong graduation ball nila. It was an off-shoulder red flare dress. Simple lang at wala masyadong arte, which she liked because she didn't want to catch much attention.

"Ate, ang ganda-ganda mo!" ani Barbie.

Bea sighed dreamily. "Para kang prinsesa, Ate. Iiyak na ako."

Natawa siya. "Para kayong mga timang. Dahil lang minsan akong mag-dress ng ganito at mag-ayos, nagkakaganiyan na kayo."

"Dalian niyo na. Baka malate kami ng Ate niyo," ani Posy na kinuha na ang mga pouch nilang dalawa. Posy looked beautiful in her black serpentine dress.

"Mauna na kayo, may ipapasuot lang kami kay Ate," ani Bonnie sa mga ito. Siya at ang triplets nalang ang natira sa silid.

"Ano pa ba iyong kulang? Okay na naman ah," aniya sa mga ito.

"May gusto lang kaming ibigay sa iyo. To complete your attire." Si Barbie. Inabot nito sa kanya ang isang velvet box.

Nakakunot-noo niya iyong tinanggap. Nang buksan niya ang box ay napasinghap siya. It was the diamond necklace given to her by her mother on her eitheenth birthday. Isa iyong heirloom sa pamilya ng Mama niya. Isinangla niya iyon noon nang muntik nang maremata ang bahay nila. Agad niyang tiningnan ang tatlo.

"Hindi namin alam na isinangla mo pati iyan. You've sacrificed so much for us, Ate. It's the least we can do." Si Bea.

"Alam naming grabe ang paghihirap na ginawa mo para sa amin. Marami kang isinakripisyo para mapasaya mo kami. Mahal na mahal ka namin, Ate." Si Bonnie.

"P-Paano...."

"We didn't go to that concert," ani Barbara. "We spent the night searching for it. We didn't want to miss your graduation, Ate. Pero ang sabi kasi sa amin noong jeweller, tatlo ang natatandaan niyang nagpa-check doon ng kwintas na iyan. We all had to split up to see who got it. We wanted to give it to you on your graduation day pero hindi umabot. We're so sorry."

"Oh, you three. I love you so much," aniyang yinakap ang mga ito. "Pero hindi ako pwedeng umiyak. Baka masira ang make-up ko."

Natawa nalang din ang tatlo na sa mga oras na iyon ay naluluha na rin. "Go enjoy the night, Ate."

"Let's go. Naghihintay na sila sa baba," ani Bea na nauna nang bumaba.

When she took a last look on the mirror before descending the stairs, she smiled. She looked beautiful. Si Anne ang nag-make-up sa kanya at si Moira ang nag-ayos ng buhok niya. Those girls really knew how to do those girly things. Ang triplets at si Maji naman ang pumaraan sa damit at sapatos niya.

Nang makababa siya sa hagdanan at makita ng mga nandoon, natawa siya. She enjoyed looking at the guys' jaw drop. Alex, Sven and Brent looked at her with awe. Si Jared at Giles naman ay iiling-iling lang.

"Anne, napabaunan mo na ba ng oxygen iyong kuya mo? Baka makalimutan n'ong huminga kapag nakita si Bride," komento ni Alex na hindi parin inaalis ang tingin sa kanya.

Run Away, Bride (as published by Lifebooks) - CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon