"OH GOD! Oh God! Paano 'to? Ten minutes nalang. Languyin ko nalang kaya? Kaso shet, di pala ako marunong lumangoy. Kung dadalhin ko naman iyong bangka, walang sasakyan si Slance. At 'pag iniwan ko siya dito, makikita siya ni Freddy at pagbintangang siyang magnanakaw."
Napangiti si Slance sa pagpa-panic ni Bride. Nang magdesisyon siyang maupo na sa Bermuda grass na pumapalibot sa lugar ay nagsimula itong maglitanya. The woman was not even aware how cute she was plotting ways to get rid of him. At hindi siya makapaniwala na hindi siya naiirita sa pagpa-plano nitong makawala sa kanya. Maybe because he knew she had no other way out. And she had to spend the night with him.
He loved the water. Kaya naman nang makarinig siya ng agos ng tubig habang naglalakad-lakad siya sa dilim ay sinundan niya iyon. Nang mag-tresspass siya kanina sa isang gate na may natutulog na guwardya ay hindi niya alam na matatagpuan nalang niya ang sarili niyang kasama si Bride. N'ong makatulog siya sa bangka ay hindi rin pumasok sa isip niya na magigising siyang tangkang hahampasin ni Bride ng paddle. After all, he decided to go there to get her away from his thoughts. Ngunit hayun ito, hindi pa nakuntento sa isipan niya at nagpakita pa sa kanya.
"Bride," tawag niya rito nang hindi parin ito mapakali.
Tumingin ito sa kanya, hindi lang noo ang nakakunot kundi ang buong mukha nito. "Ano?"
"Let's just spend the night here."
Kumurap-kurap ito. "Boyfriend ka ng kapatid ko."
"So? Wala naman tayong ginagawang masama ah."
Tinitigan siya nito ng matagal, wala ni katiting na magandang emosyon sa mga mata nito. Pagkatapos ay umismid at umiwas ng tingin. "You're really a jerk, aren't you?"
He scoffed. "What? Why?"
Tiningnan siya nito at muntik na siyang mapailag sa sobrang talim noon. "Paano mo nagagawang makasama ang taong mahal na mahal ka pero hindi mo kayang mahalin? For the love of God, Slance, don't give me that look! We can't pretend that five months ago did not happen."
He had to look away. How can he when he knew all he did was lie to her? Dahil mas mahirap na sabihin dito ang totoo kesa sa itanggi dito ang nararamdaman niya. Ayaw niyang aminin sa sarili pero takot siyang malaman nito na hindi siya ang taong minahal nito. Sigurado siyang kamumuhian siya nito. How can he survive that? He'd probably die.
Ayaw niya rin naman na makita itong nasasaktan at umiiyak dahil sa kanya. But hurting her was easier than her hurting him. Dahil duwag siya. Dahil mas matapang sa kanya si Bride. Dahil kapag siya ang masasaktan ay hindi na niya kakayanin. Sasabihinin naman niya dito ang lahat kapag handa na siya. Ang tanging dasal niya lang ay mahal pa siya nito sa oras na iyon.
He now lives and thrives because of knowing Bride loves him. What will he be if she stops?
Napapitlag siya nang bigla nalang itong umungol saka nag-squat, covering her face. "When will I ever stop embarrassing myself by telling you I love you and hear nothing similar in return?"
Instinct nalang na tumayo siya at nilapitan ito, about to wrap his arms around her pero agad siyang natigilan nang mapansing nagpapadala nanaman siya sa nararamdaman. Feelings were trouble. He had to control them. Because the last time he allowed those emotions to take over, half of him died. Kaya naman imbis na yakapin ito ay inilapat niya lang ang kamay sa balikat nito.
"Hey," he said, shocked by the emotion in his voice.
"I'm supposed to hate you because you broke my heart," anitong nakatago parin sa mga kamay nito. Pagkatapos ay ibinaba ang mga kamay at tumingin sa malayo, a trail of tears on her cheeks "Pero 'tong pesteng puso ko, nasanay yata sa kakatibok para sa'yo kaya hindi na marunong tumibok para sa iba."
BINABASA MO ANG
Run Away, Bride (as published by Lifebooks) - Complete
ChickLitWhen Bride Lopez loves, she does it with all her heart. It was her strength and her weakness. Kaya n'ong minahal niya si Slance Aquino ay alam niyang binigyan niya ito ng kakayahang saktan siya. Slance and she were from different worlds. He was one...