First Epilogue: Case Closed

5.5K 142 6
                                    


"DON'T YOU DARE answer that, Aquino," pagbabanta ni Bride sa asawa niya nang nagtangka itong damputin ang nagri-ring na cellphone nito. Nasa loob silang dalawa ng master bedroom nila at nanunuod ng pelikula.

"Pero baka importante 'to," pagrarason nito.

"Everybody knows that the third Sunday of the month is our date day!" maktol niya.

Since they got married almost two years ago, naging tradisyon na sa kanila na sa bawat ikatlong linggo ng buwan ay hindi sila pwedeng kontakin ni Slance. It was their only break from the world. Naglalaan talaga silang dalawa ng oras para doon. And so far, their family, friends, and even employees had been obedient with that rule.

"Baby, walang tumatawag sa atin sa tuwing third Sunday of the month."

"Iyon na nga iyong sinasabi ko sa'yo. Kaya 'wag mo na iyang sagutin."

"Patapusin mo ako. Walang tumatawag sa atin every third day of the month kaya hindi mo ba naiisip na baka importanteng tawag 'to? This call might possess the news I've been waiting for!"

"Ano namang balita iyon?"

"Na baka pumangit na si Knight. O nagkapigsa si Alex. O baka ngumiti na si Sven."

Natawa siya. "That's enough news to break our date day?"

"Is that even a question? Of course! Hindi mo ba alam kung gaano ko iyon ipinagdadasal?!"

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. He smiled lovingly at her like an angel. Kahit yata umabot sila ng one hundred years ay hinding-hinding na mauubos ang mga paru-paru sa tiyan niya. Saglit na tumigil ang tawag pero nag-ring ulit.

"Please, baby?" paglalambing nito. He hugged her tighter and kissed her cheeks many times.

Napatirik siya ng mga mata. Alam talaga nito ang mga soft spots niya. "Fine. Sagutin mo na iyan."

He tilted her face to him and kissed her on the mouth. "I love you," anito bago tumuwid ng upo at sinagot ang tawag.

Bumuntong-hininga lang siya at ipinagpatuloy ang panunuod ng pelikula. They were watching the movie Austenland. It was her choice. Sa bawat date day kasi nila ay salitan sila sa pagpili ng pelikula kapag nagdedesisyon silang sa bahay lang at manuod ng movie. Sometimes, they go out and eat wherever they want or do something like horsebackriding or skating. To both of them, it didn't really matter as long as they could spend twenty four hours without anybody else but each other.

"Ayoko."

Napatingin si Bride kay Slance dahil sa biglang pagbabago ng tono ng boses nito. Napaamang siya nang makita ang isang eskpresyon sa mukha ni Slance na kailanman ay hindi niya nakita sa guwapong mukha nito. The calmness and the tenderness that she thought was a permanent part of his face left it. May kung anong madilim na aura ang bumalot dito. Nakatiim ang mga bagang nito at nanlilisik ang mga mata.

"Slance," aniyang hinawakan ito sa braso. Napakislot siya nang iwaksi nito iyon.

"No. Wala akong pakialam kung anong mangyayari. Hinding hindi ako papayag sa gusto niyo."

Anger was an honest emotion, ani Slance sa kanya noon. At sigurado siyang iyon ang nakikita niya sa mukha nito sa mga oras na iyon. She had never seen that much anger in his eyes.

Muli niyang hinawakan ang braso nito nang ibaba na nito ang cellphone. "Slance, sino iyon? Why are you—"

Tinanggal nito ang kamay niya sa pagkakahawak dito. "Don't. Just don't," mariing wika nito.

Run Away, Bride (as published by Lifebooks) - CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon