Chain 3

7 2 0
                                    

kriiiiiiiiinggggggggggggggg~

" Oo na!! Gising Naaaaa!" hampas ko sa alarm clock ko para tumahimik na. Bumangon ako na parang bangkay. Kitang kita sa salamin na nakaharap saakin yung gulo gulo kong buhok at zombie kong mukha.

I hate my life.

Ginawa ko na yung daily morning routine ko tuwing papasok sa school. Paglabas ko ng kwarto bumungad saakin si Daddy naka apron at nag aayos ng breakfast sa center table dito sa Office niya.

Pinagawan talaga niya ng kwarto yung office niya. Bali yung katabi office niya noon ginawang kwarto ko at ang tanging pinto lang nito ay sa loob ng Office ni Daddy. So palagi ako dadaan sa office niya bago ako makalabas. Si Daddy? dun siya sa kwarto niya talaga noon pa dito sa Office.. sa kabilang side naman yung sakanya. Kaya parang pinag gitnaan ng kwarto namin yung office niya.

" Club sandwich at Hot Choco para sa only girl ko!!!" lagay niya ng plato sa lamesa, alam na alam talaga ni Daddy ang favorite breakfast ko.

" No meat and Cheese." sabay namin sabi. Sabay kami nagtawanan at sabay apir.

" Thank you po! " sabi ko sabay lafang ng pagkain. Sinabayan ako ni Daddy sa pagkain. Tsaka nag kwentuhan na rin kami tungkol sa nangyari saamin kahapon ni Leo. Kahit nag chismisan na kami ni Daddy nung pag balik ko ng hapon na yun.

Sayang nga eh.. Hindi ko nakita yung mga punyetang Night Class. Maaga kasi ako natulog before Seven pm tulog na ako. Pagod siguro sa byahe.

" Alis na po ako." kuha ko sa bagpack ko sabay salpak ng isang tinapay sa bibig. At kuha pa ng isa sa kamay ko. Sarap kaya gumawa ng sandwich ni Daddy! Love the dressing!

" Enjoy your first day!"

" Ai Hof fo Vavi!" (trans: I hope so Daddy!)

Pagbukas ko ng pinto palabas ng Office bumungad na saakin si Leo, nakasandal siya sa pader at nakaharap sa pinto ng office.

" Fifo ka ma fala? Afa aa?" (trans: Dito ka na pala? Aga ah?) bati ko sa kanya. Tiningnan lang niya ako tsaka tumayo ng maayos at tinalikuran ako.

Seryoso naman nito sa buhay! Hinabol ko siya. Sabay nguya ng tinapay sa bibig ko.

" Uuiii! Napa serious mo naman ang aga aga. Gusto mo?" pang aasar ko. Hindi niya ako pinansin. Suplado.

" Ganyan ka ba talaga? Wa pakels sa paligid?" sabay kagat ko ng tinapay habang naglalakad kami papunta sa hagdan pababa.

" Ubusin mo na yan." as usual ang mahina at mahinhin niyang boses as ever.

" Huwag mo nga ako madaliin... Gusto ko unti untiin... Masarap kaya." kagat ko ulit sa tinapay. Crunchy ko pa nginuya yung fresh Lettuce at cucumber. Tsalaaap!

May kinuha siya sa bulsa ng uniform niya, schedule list yata yun. Hinabaan ko pa yung leeg ko para masilip ko ng maayos.

" Schedule ko yan ah!" hablutin ko sana sa kanya kaso tinapik niya yung kamay ko palayo. Ayan! Hahaha! Nag ka mayonnaise tuloy siya sa daliri.

Tiningnan niya ng pandidiri yung mayonnaise sa kamay niya tsaka ito pinahid sa pader. Opo mga kaibigan.. gawain baboy po...

" Tss.. Mayo lang e." subo ko sa tinapay.

" Parehas ang schedule natin. Dito tayo ngayon." harap niya sa isa sa mga pinto ng classroom dito.

Akala ko ang aga pa namin kaya wala kami nakakasalubong na estudyante dito... Iyon pala... nasa loob na sila ng classroom. Hayuuuup! Diba 7am pa klase? Mag si-six palang kaya? Sobrang aga naman nila?

Binuksan na niya yung pinto, wala man lang paalam saakin kung handa na ba ako... Basta bukas lang po siya ng pinto at gusto pa ako ang mauna pumasok.

Chained HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon