Chain 11

5 1 0
                                    

11
" Mag usap nalang ulit tayo Daddy! I have to go~" madali ako humalik sa pisngi ni Daddy sabay kuha ng ilang club sandwich sa lamesa.

" Teka anak, kelangan mo kasi malaman na-" mabilis ko sinarado yung pinto ng office, revealing the reason why I'm so excited to leave today.

" Hi Leo~ Good morning!" bati ko sa kanya.

Matipid lang niya ako nginitian tsaka tumayo ng maayos mula sa pag kakasandal sa pader.

" May utang ka pa saakin~" kanta ko sa tabi niya sabay subo ng tinapay.

" Ano?" mahina niya tanong. Not looking at me.

" Story telling!" talon ko sa harap niya.

Kumunot naman yung kilay niya.

" Tungkol saan?" mahina niya sabi. Hayz..ang hinhin talaga ng boses ng anghel na toh.

" Yung tungkol sa amnesia mo! Bakit ka nakalimot? Nabagok ka ba? Nahulog ka ba sa Mt. Pinatubo tapos una tumama ulo mo? Yung mga ganernn..  Kasi imposible naman simpleng bagok lang ng ulo yan eh... Bampira ka kaya." subo ko ng tinapay.

Napapikit muna siya bago tumingin sa ibang direksyon. " Hindi ganun." matipid niya sagot.

" Eh paano nga?" usisa ko.

" Hindi ko rin alam. Basta nagising na lang ako walang naaalala sa nakaraan ko." mahina niya sagot sabay tuloy ng lakad.

Naiwan naman ako nakakagat pa sa tinapay habang naka kunot ang noo sa sinabi niya walang ka sense-sense.

" Paano nagising ka nalang na ganun nalang? As in wala bang may alam sa nangyari?" habol ko sa tabi niya.

Umiling lang siya.

" Pshh! Ang mysterious naman nun. Lakas maka Vampire Awakens ang peg. Edi nahirapan kang maka recover?"  tuloy ko sa pang uusisa.

" Mula sa pagkabata ko nakalimutan ko lahat. Kaya kinailangan ko muli mag aral." sagot niya.

Uhmmmmm.. Sadlife naman.

" Okey lang yan.Atleast masaya ka na ngayon." subo ko muli nung huling piece ng tinapay.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit may pag ka emo itong lalaki na ito. May nakaraan pala. Mahirap kaya mag move on, lalo't alam mo kalahati ng buhay mo nakalimutan mo pa?

Malay mo kung ano mga importante pangyayari ang naganap sa mga taon na yun... Mga nakaraan at kung sino siya. Saklap.

Muli ko sinulyapan si Leo,

Ano kaya ang nakaraan niya?

---

" Putchaaa naman oh!! Shu-moot ka naman!" reklmo ko sa bolang hawak ko sabay tantsa dun sa net.

Tud*

Sablay!

" Hayyyyy! Ang hirap hirap naman kase!" pag papadyak ko lapag.

" Kaya mo yan! Focus ka lang sa Next time." tapik ni Ravi sa balikat ko after pumito muli yung teacher namin para sa timeout.

Oras kasi ng p.e namin. And I hate sports! Nakakapagod sa mga katulad ko gulay lang ang kinakain. Tapos kalaban mo pa mga vampire! Laban ko sa kanila pre' diba?

Hingal ako naupo sa mga bench rito.

" Nyeta. Tubeeeg." hindi ko kay Leo. Agad naman niya kinuha sa bag ko yung bottled. water ko.

Inubos ko yung isang bote nun.

" Buhay ka pa ba?" mahinhin niya tanong.

" Psh? Seryoso ka sa tanong mo?" tawa ko sa tabi niya. Napangiti naman siya dun.

" Huwag ka kasi mataranta kapag nasaiyo na yung bola. Mag focus ka lang, relax." advise niya. May inabot siya face towel at agad ko pinunasan yung mukha ko puro pawis

" Okey! Susubukan ko ulit." cheer ko sa sarili.

Pumito ulit yung Teacher namin sign na tapos na yung timeout. Pumuwesto muli kami sa court.

Sa amin yung bola ulit kaya ipinasa ni Ken ito sa isa saamin. Napunta ito kay Hongbin. Hinayaan ko lang sila gumalaw.. nakakahilo kaya yung bilis ng galaw niya. Nakaka duling.

Then muli naka shoot si Hyuk.

Yes! Nakakahabol na kami.

Muli ipinasa yung bola mula sa kampo ng kalaban. Agad naman naagaw ni N ito at ipinasa kay Ravi tapos...

Saakin?

Ulit?

" Focus Hannah! " sigaw ni Ravi. Kaya agad ako tumakbo ng mabilis papunta sa ring namin.

Focus
Focus
Focus

Pagkarating ko sa harap may lalaki humarang sa harap ko mula kalabang team. Napa atras ako sa laki ng katawan niya. Mabilis naman ako natulungan ni Hyuk at nakatakas ako sa depensa nung lalaki.

Kaso laking gulat ko ng may bumangga saakin na parang sinasadya niya. Dahilan para mapsub sob ako sa gilid ng poste nitong Ring.

Prrrrrrrt! " DEFENSIVE FOUL! NUMBER 10" sigaw ni Teacher. Habang ako hindi makatayo sa sakit ng siko ko tumama pa ata sa bakal.

" Hannah!" si Leo na nasa tabi ko na pala, inaalalayan niya.ako makaupo.

Narinig ko inaaway nila Hongbin yung kabilang team. Habang si Ravi at Hyuk tumakbo papunta sa direksyon ko.

" Tsh! Sabi na e!" singhap ni Leo after makita yung gasgas na may namumuo dugo mula dito sa siko ko. Agad niya ako binuhat pa bridal at sumunod ko na nakita ay ang puting silid ng clinic.

---
Daesung P.O.V

Parang isang mabangong halimuyak ang dumampi agad sa ilong ko habang nag lalaro ako ng chess kasama si Top.

Kilala ko kung kanino ang amoy ng dugong iyon. Agad nag iba ang kulay ng mata ko, bright red.

I heard Top hissed after the scent reach him. Nakita ko kung paano mula sa bright red na tulad saakin, ay naging dark red ito. Blood lust.

" Fuck! I can't stand this anymore!" sipa niya sa glass table pa kanan dahilan para tumama ito sa pader at mag kabasag basag.

" We're lucky to sense that little gift from her as advantage of being a pureblood.. Baka Hindi Lang si Top ang nagwawala ngayon if ever... " lakad ni Seungri papunta saamin.

Paalis palang si Top nung may pahabol akong salita sa kanya dahilan para matigilan siya at mapaharap saakin.

" How come we didn't inform about that?" taka sagot ni Seungri.

" Well, ang totoo niyan hindi rin galing sa kanya yung impormasyon. Mula lang ito sa kilala ko tao rito... Madali lang kasi siya mabasa bilang isang tao nga lamang siya." ngiti ko.

" So totoo nga?" singit ni Seungri.

" Yep!" tayo ko mula sa pagkakaupo. Kinuha ko yung isang bloodbag sa counter at sumulpot pabalik sa tabi ni Top.

" G dragon is heading back here tonight. So don't make a mess, Top." abot ko sa kanya nung bloodbag sabay lakad papunta sa pinto.

------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chained HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon