Chain 9

8 2 0
                                    

" French fries? Ayaw mo? Himala? May sakit ka ba?" si Daddy. Narito kami ngayon sa office niya. Pilit niya ako sinusuhol ng peyborit kong frenchfries. But I insist.

Nagtatampo pa rin ako sa kanya.

" Anak.. Galit ka parin ba?"

Hindi ako sumagot.

" Akala ko ba tanggap mo na?"

" Wala ako sinabi tanggap ko sila! At never in my dreams na tatanggapin ko ang tulad nila! As in never! No No! Capitalized! Bold! Italic! Underlined! Size 100! Font Cadilac!" tayo ko sa sofa sabay walkout palabas ng office ni Daddy.

Napahinto ako nung makita ko ulit si Leo sa labas ng pinto sa usual niya pag sandal lagi doon if ever binalak ko lumabas.

Tiningnan niya lang ako, pero hindi ko na siya pinansin at nag simula maglakad sa hallway.

Isa pa siya sa pangulo ng buhay ko dito! Magsama sama sila!

" You shouldn't do that." salita niya.

" Himala? Nagsalita ka na hindi ako una nagsalita sa atin dalawa?" sarcastic ko.

Bitter bitch ako ngayon! Wala ako pakels! I hate my life!

" Lalo na kay Top." natigilan ako sa paglalakad sa sinabi niya. Kumunot lalo yung noo ko dun.

" Sino naman yun?" pagtataray ko na parang first day menstruation ko today.

" Stay away from him no matter it takes." tuloy niya.

" Psh. Sino? Isa ba dun sa mga dumating na kampon ni santanas kagabi? Bwisit sila!" nag uusok yung ilong ko sa galit sabay lakad ng mabilis ng padabog.

" He may kill me anytime! Wala namang silbi itong buhay ko eh!"

" I'm sorry." Parang pause button ang mga salita sinabi niya saakin. Hindi ko namalayan mapatingin sa kanya.

" Pinagsasabi mo?" tuloy ko pa rin sa maasim kong umaga.

" I'm sorry for not understanding who you are." muli niya salita sa harap ko.

Parang yelo iyon na nagpalamig ng nagliliyab kong puso puno ng galit.

" Those smiles you always showed to me before... I should atleast appreciate it. Mas gusto ko yun kesa sa kung ano ka ngayon." patuloy niya, trying his best not to meet my eyes.

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.

" Hindi ko alam na sa likod pala ng mga ngiti mo na yun, ganito pala ang kinahaharap mo. Patawarin mo sana ako, Hann-"

" Tumigil ka na nga! Nakakaiyak ka eh!" saway ko, napatingin naman siya.. gulat sa pagluha ko ngayon.

" Hindi mo ko kelangan kaawaan.. Diba sabi mo selfish ako? I don't  deserve to be pitied. Kaya hayaan mo na ako! Gusto ko mapag isa!" tulak ko sa kanya sabay takbo palayo, palabas ng building.

Patuloy ako sa pag iyak. Gusto ko na mawala, wala naman akong mapapala sa buhay ko ngayon. Yung mga punyeta purebloods lang makikinabang sa akin din, eh mabuti na i donate ko nalang yung puso ko sa mga may heart cancer diyan!

Pagod na ako matakot. Pagod na ako mag isip at problemahin ang magiging buhay ko sa kamay nila.

Isang kamay ang humila sa kamay ko, sending me into a tight hug. Alam ko siya muli ito, kilala ko ang amoy ng pabango niya sa araw araw namin magkasama.

" Leo! Hayaan mo na ako!" pag pupumiglas ko sa yakap niya. He hold my head, dahilan para mapatungo ako sa dibdib niya. Yung init ng katawan niya ay parang gamot sa akin ngayon, unti unti ako kumakalma...

Chained HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon