Simula kahapon hanggang ngayon hindi ko pinapansin si Daddy. Ilang beses niya ako pilit gusto kausapin para humingi ng tawad.. kaso ayoko talaga siya makausap muna.
I felt betrayed.
Ang sakit nun. Sarili kong magulang... nag iisa magulang na tangi ko pinag kakatiwalaan. Na akala ko hindi ako pag lilihiman.
Alam ko naman ang naka takda sa bwisit na buhay ko. Kaya nga pilit ko ine-enjoy ang nalalabi kong ilang taon na masaya. Dahil ayoko mag sisi sa huli at hindi ko nagawa paligayahin ang sarili ko bago dumating ang masaklap na panahon ng buhay ko.
Hanggat maaari ayoko maka tagpo ng isang pureblood vampire sa nalalabi kong masayang taon.
Ayoko makilala siya ng maaga.
Ayoko maputol ng maaga ang kaligayahan ko.
Hindi pa ako handa makaharap ng katulad nila after 6 years simula umalis ako dito sa Seoul at tumira sa mundo ng mga tao.
Kaya naman ganoon na lang ako nagalit nung malaman kong narito pala ang iba sa kanila dito sa Academy, katulong pa ni Daddy sa pag papatakbo ng School. At ngayon.....
Pabalik na sila para makita ako, dalawang araw nalang mula ngayon.
I hate being born as a Damphir.
" I hate you Destiny!!! I hate you World! I hate you UNIVERSE!!!!" sigaw ko mula sa rooftop at buong lakas ko binato yung lata ng cola kung saan man ito mapadpad.
" FUCK YOU LIFE! YAHH! BWISEEET!" para akong bata pinunasan yung luha kanina pa nag papa mugto ng mga mata ko.
" Sabi daw ni Life, Fuck you too." may epal na nag salita sa likod ko. Asar ko siya nilingon.
" Teritoryo ko toh ah? Naligaw ka ata?" si Ravi.
" Kelan mo pa binili itong rooftop?" statistic ko sabay irap. Narinig kong tumawa siya.
Nakakatuwa? Peste ha! Wala ako sa mood!
" Kaya mo ba sinusumpa ang lahat ngayon ay dahil nalaman mo na yung balita?" upo niya sa tabi ko.
" Pshh. Sana hindi nalang ako nagising kanina." bitter ko
" O.A mo ah?" asar niya.
" O.A? Gusto mo palit tayo ng lugar? Err... Wag na pala.." ayoko maging linta pala.
" Wag na? Ayaw mo ba sa lugar ko?" kunot ng noo niya. Lumaki tuloy butas ng ilong ko sa sinabi niya.
Teka? Sasabihin ko bang super hate to death ko ang lahi nila? Sobrang rude ko naman if ever...
" Eii!! Basta... Gusto ko maging... maging simpleng tao lang... Yung normal ka ipinanganak. Hindi ka naiiba. Hindi mo kelangan matakot sa kung ano ka.." hindi ko mapigilan malungkot ulit pagkasabi ko nun. Ano kaya kung hindi nga ako ipinanganak na Damphir? What if.. I was born as a human? Siguro masaya ang pamilya namin... Sana wala problema.. walang nasasaktan.
" Aishh.. Drama mo naman.. Akala mo ba masaya maging tao? Wala kang laban... Wala kang inhuman powers. Paano mo maipagtanggol ang buhay mo kung may manakit saiyo? Buti nga isa kang Damphir. Alam mo ba kung gaano ka kasuwerte?"
" Masuwerte ka diyan? Sa tingin mo ba masuwerte ako? Ravi?, mawawalan ako ng kaligayahan.. ng freedom sa sarili ko! Sa tingin mo v3a masaya yon?!" hindi ko napigilan sumigaw sa kanya.. He just stare at me, speechless sa narinig niya.
Muli nanaman tumulo yung mga luha ko. Shit! I hate others seeing me in this kind of situation.
Emotional and Hurt.

BINABASA MO ANG
Chained Hearts
VampireHannah Rosethrone. A Damphir. Hates Vampires. Hates blood. A devoted fan of frenchfries. Vegetarian. Happy to live like a Human. But unfortunate in her real life. Will she survive to her real faith? Magmamahal kaya siya ng isang vampire? Because sh...