Chain 4

6 2 0
                                    

" Tikman mo na kaaaasi!!! Pramiiiiis! Masarap ito!!! Makakalimutan mong ipinanganak kang guwapo!" pilit kong dikit ng peyborit kong puro powdered cheese naaaaaaaaaaaa~

FrenchFrieeeeeees!

" Ayoko nga sabi." taboy ulit niya sa hawak kong fries. May binabasa siya libro eh, puro numbers. Pshhh.. I hate Math.

" Hayy nakuuu! Your missing out the great super licious cheesy and crispy taste of Frenchfries!" with matching feelings at hand gestures pa sabay subo ng isa nito.

Narito kami ngayon sa itaas ng mataas na puno . Opo mga kaibigan, tama ang narinig niyo... sa itaas nga ng puno! kung saan tanaw na tanaw mo yung view ng buong campus.

Bakit?

Kinulit ko kasi si Daddy at ang anghel na katabi ko na pag ka pogeee na makita ang Night Class entrance. Siguro ilang debate at dismiss meetings ang nangyari bago na ipasa sa husgado ang munti kong hiling.

May tatalo pa ba sa pangungulit ko? Hue hue hue.

Kaya heto po ako, parang nanunuod lang sa sinehan, waiting kung kelan isasalang yung movie. I'm so eggzoiiiited!

" Matagal pa ba?" sabay subo ko ulit ng fries. At siyempre alam ko hindi ako papansinin nitong lalaki hangin katabi ko kaya nag mukha po akong tanga kinakausap ang sarili.

Sinilip ko yung phone ko, and it says.. ' 6:25 pm.'- " Arghhhh... Katagaaaaal ng oras!" reklamo ko sabay salpak ng fries sa bibig.

Nilingon ko ulit yung Dormitory ng Night Class sa malayong Western Part ng School. Sarado pa yung gate nila. Kainis.

" May itatagal pa baaaaaaa?" reklamo ko ulit sabay buraot kong nilingon yung dumapo ibon sa tabi ko.

" Bro~ ano daw balita? Palabas na daw ba sila?" mukhang tanga ko kausap sa ibon. Natakot lang ito at lumipad palayo.

" Bastos yun ah! Kinakausap e."

Hayyyyy!!! Guyss!! Pramissss! Mababaliw ka talaga sa katahimikan nito ni Leo!

" Woiiiiii!!!! Magsalita ka naman!" hindi ko na natiis. At ayun , tinalikuran lang ako at ipinagpatuloy ang pag babasa.

" Leo naman eh! Kahit simpleng salita lang! Huwag mo sayangin ang laway mo! USO MAG SALITA!!!" yugyog ko sa balikat balikat niya.

No response.
" Magsalita ka naman! Alam mo konti nalang mababaliw na ako saiyo."

" Hindi pa ba?" bulong niya.

" Abat!!!! Marunong ka na mambara!"

No response.

" Ughhhhhhhhhh! Alam mo! Mas mabuti pa i donate mo nalang yang voice box mo sa pipi! Isa kang pabigat sa lipunan at ekonomiya!" sabay subo ng fries at hindi nalang siya pinansin.

Oh My DAYZ!!! Shitty maria! Tama ba ito nakikita ko?

" Ayan na! AYAAAAAN NAAAAAA! NAKIKITA KO NA SILAAAAAA ASHBFGJKHJKKK KBCFFHBBBNJKKKKK!" hiyaw ko sa tuwa! Nakikita ko na isa isa na sila lumalabas ng Dorm nila! Ang mga punyeta! Gising naaaa~

Sa sobrang likot ko dumulas yung puwet ko sa kinauupuan ko, mabuti nalang at mabilis itong kasama ko at nasalo agad ako bago pa ako mag free fall ng hindi oras katulad nalang ng nangyari sa frenchfries ko, wala ng buhay at sabog sabog sa lupa.

But on the other hand~~

Shemeeeenessss~ yakap niya ako mula sa likod! Pero na ilang ako sa mukha niya malapit sa batok ko...

" Oyy! Alam ko nakakakilig ka ha pero No No~ Calm yourself..." paalala ko sa kanya. Agad naman siya lumayo sa likod ko nung makaupo.na ako ulit.

" Hindi ako gutom." depensa niya sabay basa sa libro ulit.

Chained HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon