38

48.1K 1.1K 53
                                    

Naging maayos naman ang ilang araw na pananatili nila mika sa mansyon nila kien, dahil nga nasa iisa silang bubong ay sabay na silang pumapasok at umuuwi galing opisina. It was also kien's idea to make sure mika's safety dahil hangang sa mga sandaling iyon ay wala pang lead ang otoridad kung nasaan si rupert. They even look for miko's yaya and went to her province ngunit napag alaman nilang hindi parin umuuwi ang dalaga.

"Sweatheart, something wrong?" Maliban sa pagiging weird ni mika sa pakikitungo sakanya ng mga nagdaang araw at sa mga kinakain nito ay wala naman ng ibang problema. :)

"Ahm. Hon, I want some vanilla ice cream. Pwede bang dumaan muna tayong grocery bago pumasok?"

"Sure malapit lang naman yun"

Nang nasa grocery na sila ay agad nilang tinungo ang ice cream section.

"Tara na?"

"Wait, may isa pa kong bibilhin"

Ang buong akala nya ay nag hahanap pa ng ibang snack si mika dahil pumunta ito sa bread section, pero nag taka sya ng lampasan nito iyon at nag tuloy-tuloy sila sa mga condements hangang sa mga iba pang sangkap pang luto.

"Nasan na ba yun?" Seryoso ang muka ng kanyang kasintahan habang may hinahanap ito.

"Sweetheart, anong hinahanap mo?"

Imbes na sagutin ay inirapan lang sya nito. Nararamdaman nya na nag sisimula nanaman ang kakaibang mood nito pag dating sa pakikitungo sa kanya.

"Yun" Masayang sabi ni mika. Pag katingin nya dito ay hawak nito ang isang pakete ng ketchup na may parang nguso. Gusto nyang mag komento kung para saan iyon but he refuse to. Baka mawala pa ang napakaganda nitong mood dahil sa ketchup na hawak.

"Hon, tara na" Masaya paring pahayag nito, she even hooked her arms around him at bahagya pang tumingkayad upang gawaran sya ng mabilis na halik.

Natatawa at naweweirduhan na talaga sya.

Sa opisina ay masayang kinain ni mika ang binili nilang ice cream ni kien, hindi pa sya nakuntento at nilagyan nya ito ng ketchup that adds- up the pleasure she felt with the food. Pakiramdam nya ay ito ang pinaka masarap na pagkaing natikman nya so far.

"Sweatheart what is that?" Parang diring diri ang bagong dating nyang nobyo na makatingin sa kanyang kinakain.

"Food" Malamig nyang tugon dito.

"Sweetheart, baka mag suka ka nanaman nyan" It was true, sa nag daang mga araw ay panay ang kanyang suka tuwing umaga dahil narin siguro sa ibat-ibang klaseng pagkain na natitipuhan nyang kainin. Kaya nga minsan ay ninais na ni kien na dalhin sya ng ospital pero tumangi sya.

"Tssh. I'm fine" pag tataray nya dito.

Gusto nya pa sanang makausap ng mahaba si mika ngunit biglang may kumatok sa opisina nito.

"Sir, nasa opisina nyo po si sir Aaron"

"Can you tell him to be here please"

"Sure sir!" magalang na sabi ng dalaga. Ilang minuto pa ay pumasok sa opisina ni mika si aaron na may dala dalang envelope.

"Dude!" Seryosong bati nito sakanya. "Hi mika" napangiwi si aaron ng makita kung ano ang kinakain ng kanyang kasintahan, pero hindi nalang nito pinansin iyon. Maybe he is here for a serious matter dahil madalang nyang makita ang muka nitong ganun kaseryoso.

"Do you have some news?" Tanong nya dito. It was Aaron who he contacted to know where rupert is dahil narin sa ito ang may-ari ng isa sa pinakamalaking security agency sa bansa kaya naman alam nyang malaki ang maitutulong nito.

"About where he is, wala pa pero about mikos yaya here!" Sabay abot sakanya nito ng envelope.

Nang ilabas nya ang laman nito ay nagimbal sya sa nakita. Tanging walang pusong nilalang lamang ang makakagawa noon.

"Oh my god!" Umiiyak na pahayag ni mika ng makita nito ang larawan ng kanyang dating kasambahay, mababakas sa larawan na lubhang pinahirapan ang biktima bago tuluyang mawalan ng hininga.

"Her body was recovered in one condominuim near mikas house, according to the cctv footage ay isang lalaki ang huli nyang nakasama the night before she found dead. Hindi pa matukoy if it was rupert dahil malabo at naka hood at shades ang lalaking nakunan"

"Shit! we really need to hurry finding that fucking bastard. Masyado ng maraming nadadamay bacause of his fucking obsession" Galit na pahayag ni kien habang yakap yakap si mika.

"Hon, we need to help lolengs family. Dahil sakin meron nanamang napahamak" humihikbi parin ito.

"Shhh. Don't say that. wala kang kasalanan ok!" Mahinahong pahayag ni kien, tinuyo nito ang kanyang luha at marahan syang hinalikan sa noo.

"Dude, thaank you for this, but, please do more effort to easily find him. We have to prevent another loss."

"Count me on bro. Pero mukang mahihirapan tayo dahil according to the france authority, after he went out of jail he undergo in plastic surgery. Kaya posibleng ang hinahanap natin ngayon ay nasa paligid lang as we dont know yet his changed face."

Dahil sa narinig ay mas lalo syang nagalit. Maaari ngang ang hinahanap nila ay nasa malapit lang pero hindi nila malaman dahil nag palit pala ito ng muka.

Naputol ang kanilang pag-uusap ng tumunog ang cellphone ni mika, agad naman itong sinagot ng dalaga.

"Hello"

"Hi my ella, I miss you!" Sabay halakhak ng mala demonyo ng nasa kabilang linya.

--------

Last update po for this week. :)

Happy reading po. Comment po kayo ah. :)

Lockheart Series- My Hot Boss (editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon