41

52.2K 1.1K 65
                                    

Mika and kien happily announced her pregnancy, tuwang tuwa naman ang buong pamilya sa nalaman. Miko even told he's gonna be a good kuya sa kapatid nya, nag request pa nga ang bata na sana maraming ilabas ang kanyang mommy para mag karoon sya ng maraming kalaro. Tumawa nalang sila sa sobrang kainosentihan ng kanilang anak.

Sa kalagitnaan ng kanilang kasiyahan ay tumawag si Aaron kay kien. Sa kasamaang palad ay hindi pa natutunton ang kinaroroonan ni rupert ngunit nasiguro naman ng grupo ng kanyang pinsan na ligtas ang ama ni mika.

"Hon, do you think mapapatawad ako ni dad sa pagkamatay ni michee?"

Mika suddenly bacame emotional ng maalala ang ama. She didn't know if it is due to her pregnancy o sadyang namimiss nya lang talaga ito.

"Sshhh, don't cry sweetheart please. Makakasama yan sainyo ni baby. Kung gusto mo pupuntahan natin sya para makausap mo."

Nakayakap sakanya si kien habang nakaupo sya sa hita nito ng patagilid at nakasandal ang kayang buong katawan sa dibdib nito.Nasa loob sila ng kwarto ng binata habang nanonuod ng cartoons ng biglang pumasok sa isip nya ang ama.

"Namimiss ko na kasi sya, sana mapatawad na nya ako" parang batang sabi ni mika habang mas isiniksik pa ang katawan kay kien.

"We will visit him soon, sa ngayon kelangan mo munang mag pahinga. Diba sabi ng doctor hindi ka pwedeng ma stress kasi mahina si baby baka mapano kayo. At isa pa, Hindi ka nya patatawarin kasi wala ka namang kasalanan. Kaya Wag ka na mag-alala ok? Mahal ka ng daddy mo, at mahal kita."

Napangiti nalang si mika sa narinig mula sa nobyo, lahit kelan talaga ay hindi ito nag sasawang sabihing mahal sya nito.

"I love you too hon, thank you"

"Wanna sleep now?"

Tumango nalang sya bilang tugon. Agad naman syang binuhat ni kien papuntang kama at duon dahan dahang ibinaba. Tinabihan din sya nito hangang sa tuluyan na syang dalawin ng antok.

"Ash, handa naba lahat ng kelangan para bukas?"

Ng masigurong mahimbing na ang tulog ni mika ay pinuntahan ni kien ang kanyang kapatid, he want to know if everything he needs for tomorrows event are already fixed and settled.

"Yes kuya, sagot nalang ni ate ang hinihintay" excited na sabi nito.

Nang sabihin nya sa kapatid ang plano ay dali-dali itong nag prisinta na mag-ayos ng lahat ng kakailanganin. Mukang mas excited pa nga itong magbpropose sya kay mika kumpara sakanya.

"Thanks sis, sana maging maayos bukas" Kinakabahan sya sa isasagot nito.

Kinabukasan ng magising si mika ay wala sa tabi nya si kien, dali-dali syang bumaba sa kusina upang makita ito pati narin ang anak. Pero ng ganun nalang ang pag kalungkot nya ng hindi nakita ang lalaki.

"Goodmorning mommy" masayang bati ni miko sabay halik sakanya.

Kahit na medyo disappointed ay natuwa narin syang nakita ang kanyang anak.

"Good morning too kuya"

"Morning ate, maaga pong umalis si kuya may aasikasuhin lang daw po sya"

Nang marinig iyon mula kay ashley ay parang gusto nyang umiyak. Naiinis sya na hindi ito nag paalam sakanya, naiinis syang hindi nya ito nakita pagkagising nya, naiinis syang hindi sya nito hinalikan at nainis syang hindi nya ito mayakap ngayon.

"Ahm, baby akyat muna si mommy ah, eat na kayo ni tita ash ng breakfast ok?"

"Ok po"

Pag kapasok sa kwarto ay agad na tinawagan ni mika ang numero ni kien, ilang sigundo lang ay sumagot na ang nasa kabilang linya.

"Nakakais ka, ayoko na sayo! umiiyak nyang bungad sa lalaki"

"Sweetheart whats wrong?" nag-aalala nitong tanong sakanya.

"Bakit ka umalis ng di nagpapasabi?" Humihikbi parin sya.

"May pinuntahan lang ako, uuwi din ako agad. Tulog ka pa kasi kanina kaya di nakita ginising. Wag ka nang umiyak please, makakasama sayo yan eh"

Hindi sya sumagot kaya naman napabuntong hininga nalang si kien.

"Sige na po, uuwi na po ko ngayon para di ka na umiyak. Sobra ata akong namimiss ni mommy ngayon ah" pilyong sabi ni kien.

"Hindi kita namimiss no, kapal nito!" Mataray nyang sagot sa lalaki.

"Sige na nga hindi mo na ko namimiss, kahit umiyak ka kanina kasi wala ako"

"Edi wag ka nang umuwi. Dyan ka nalang"

Narinig nyang nag pipigil ito ng tawa mula sa kabilang linya.

"Baka pag di ako umuwi mas lalo mo kong mamiss eh" pang-aasar pa ni kien sakanya.

"Hindi nga kita namiss, nakakainis ka!" naiirita na sya sa pag iinsist nitong namimiss nya ang lalaki. Hindi naman talaga, it was her baby who missed his daddy at hindi sya.

"Ok! ok! po mommy sige na po, wag ka nang magalit" alam nyang tumatawa parin ang lalaki.

Sa inis ay pinindot nya ang end botton, pero bago nya ginawa yon ay may sinabi muna sya sa nobyo.

"Bahala ka dyan! di kita namiss! pero mahal kita!"

"Dude, para kang tangang kinikilig dyan"

Bigla namang namula ang muka ni kien sa sinabi ng pinsan. Hindi nya makaila ang sayang nararamdaman dahil kay mika, and he admit kinikilig talaga sya sa pag kakasabi nitong "mahal kita".

---

😍😍

Lockheart Series- My Hot Boss (editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon