"Nakikita mo ba ang nakikita ko Jovan?"
"Bakit, ano ba ang nakikita mo bestfriend Judy?"
"Ayon tingnan mo sa itaas ng bahay, may babaeng nakaputi na natatakpan ng buhok ang mukha..""Ha? Ano? Saan? di ko makita eh!. Tinatakot mulang naman ako.."
"Ayan oh! Sa may bandang bintana nakatingin sa atin.""Hala oo nga. Mayroon nga! Sino kaya yan bestfriend Judy?"
"Aba malay ko, tara pasukin natin yong bahay.."
"Ayoko, ikaw lang. Baka saktan pa tayo niyan."
"Ahy ang duwag mo talaga Jovan, tara na puntahan natin."
"Sige na nga.."Pagkapasok... Biglang nagsara ang pintuan ..
"Aaaah.! Ano yun! Sinara mo ba ang pintuan bestfriend Judy?."
"Hindi ah! Sabay nga lang tayong pumasok. Hala ka, sino kaya ang nagsara nun!"
"Nakakatakot naman itong bahay na to!."Habang naglalakad papunta sa itaas ng bahay, may narinig silang hiyaw ng pusa...
"GRrrr... Natatakot na ako Judy, uwi na tayo!"
"Ahy tanga. Ang duwag mo talaga, pusa lang yun.."
"Pusa nga pero parang may nararamdaman akong masama sa bahay na ito.. Ang dilim dilim pa nga tas parang wala namang tao, uwi na tayo Judy.."
"Cheeh! Uwi ka mag-isa sa inyo Jovan. Ang duwag mo! May dala naman akong flashlight.."Nang nakaakyat na sila sa itaas ng bahay, may napansin silang kakaiba...
""Parang andito lang yong babae, pero nasaan kaya siya!
Tao po tao po! May tao po ba diyan?"
"Parang wala namn bestfriend Judy, uwi na tayo. Sige na...""Teka lang! Narinig mo yon Jovan? Parang may umiiyak."
"Hala oo nga! Sino kaya yun?""Tao po, ok lang po ba kayo diyan?"
"Nasaan po kayo??"Biglang umihip ng malakas ang hangin at ang mga gamit sa bahay nagsigalawan
"Aaaahh!. Judy uwi na tayo... Hindi na maganda ang nangyayari."
"Sige, takboo ..."Nang makalabas na sila sa bahay.
"Nakakatakot pala talaga sa bahay na iyo."
"Sabi ko nga sayo wag na tayong pumasok, eh matigas ka eh!"
"Pasensya kana Jovan! Gusto ko lang namang makita kung ano ang nasa bahay na iyon. Promise! Hindi na talaga mauulit. ."Nasalubong nila si mang Ariel. .
"Oh! Judy Jovan, saan kayo nanggaling? Ba't ang puputla niyo at hingal na hingal pa kayo? . . ."
"Eh kasi mang Ariel itong si Judy, matigas ang ulo . . Sinabi kong wag na kaming pumasok sa bahay doon sa may kanto, edi yon minulto kami. ."
"May nakita po kasi akong babae sa bahay na iyon mang Ariel kaya gusto kong pumasok.""Ha! Pumasok kayo dun? Alam niyo ba may sabi sabi tungkol sa bahay na iyo?"
"Eh hindi po mang Ariel. Ano po ba ang mayroon doon?""Sabi ni chong Rener niyo, may nakatira raw'ng mag-asawa doon sa bahay na iyon. Noong una raw ay payapa lang ang pagsasamahan nila pero nabalot ito ng kasakiman dahil nahuli raw nung babae ang kanyang asawa na may dinalang ibang babae sa bahay na iyon. Kaya yun palagi na lang silang nag-aaway at pagkalipas ng ilang araw na pag-aaway ay tumahimik na raw.. "
"Eh bakit, ano po ba ang nangyari mang Ariel?""Ayon kay aling Cindy niyo na dumaan minsan sa bahay na iyon, nakita raw niya yung lalaki na dali-daling lumabas sa bahay na may dugo ang kanyang mga kamay at damit. ."
"Ha! talaga po? Ano ang ginawa ng lalaki? Nag katay po ba siya ng baboy mang Ariel? ." (tumawa si Judy)"Ahy tanga! Sabi ni aling Cindy nyo na pagtingin nya sa loob ng bahay, nakita nya na nakabulagta na yung asawa ng lalaki sa may sahig na naliligo ng dugo at wala ng buhay."
"Eh ah! Ganun po ba? Eh sino po yong nasa bahay na nakita namin doon mang Ariel?""Yun siguro yung babaeng nakatira sa bahay doon na pinatay ng kanyang asawa. ."
"Ha? Ano? Bakit andun pa siya doon mang Ariel?"
"Alam niyo kasi hindi matahimik ang kaluluwa ng babae na iyon, hinihintay pa siguro nya ang kanyang asawa na bumalik. ."
"Gusto siguro niyang magkasama silang dalawa na lilisan sa mundong ito o di kaya gusto niyang maghiganti sa kanyang asawa. .""Ganun po ba? Kaya pala andun siya nag-aabang sa may bintana dahil hinihintay pa niya ang kanyang asawa na bumalik. ."
"Oo ganun na nga Judy.!"
"Nakakatakot pala talaga sa bahay na iyon noh?"
"Oh ano ngayon Judy! Ngayon ka pa nakadama ng takot dahil alam mo na ang istorya sa bahay na iyon."
"Malay ko ba Jovan na mayroon palang masamang nangyari sa bahay na iyon noon.""Kaya nga dapat hindi na tayo pumasok sa bahay na iyon. Ang tigas kasi ng ulo mo Judy eh!"
"Oo na, ikaw na ang magaling Jovan! Ikaw na, nasayo na ang korona." (tumawa si Judy)
"Cheee! Koronahin mo yang pag-mumukha mo. .""Siya nga pala, salamat po mang Ariel sa impormasyon na sinabo niyo tungkol sa bahay na iyon. ."
"Walang anuman Jovan, wag na kayong bumalik doon. Buti hindi kayo sinaktan ng multo roon."
"Oo nga po mang Ariel, dahil kung may nangyaring masama sa amin, itong si Judy talaga ang sisihin ko."
"Eh ano ba ang gagawin mo sa akin Jovan kung may nangyaring masama sa atin? .""Simple lang, isusumbong kita sa tatay ko para habulin ka nun ng matalim nyang itak . . Hahaha"
"Eh wag naman Jovan, ipapatay mo naman ako. . Parang hindi tayo mag-bestfriend nyan!""Hahahaha joke lang. Bestfriend kaya kita. Hindi ko yun magagawa noh!"
"Walang hiya ka talaga Jovan, tinakot mo namn ako nun. ."
(tawanan sila)"Sige Judy Jovan, parang nagkaasaran na kayo jan! Hehe maiwan ko na kayo, may pupuntahan pa kasi ako sa palengki, bibili pa ako ng pang-ulam naman :) nag-hihintay na siguro yong mga anak ko . ."
"Hala pasensya po mang Ariel, natagalan tuloy kayo ng dahil sa amin."
"Oo nga po mang Ariel, pasensya po naabala kapa namin."
"Wala yun Judy Jovan, ok lang. Maaga pa naman :) makapaghihintay naman yong mga anak ko. . Basta paalala lang, wag na kayong bumalik sa bahay na iyon ha! Baka may mangyari ng masama sa inyo kapag bumalik pa kayo doon.""Opo mang Ariel, hindi na talaga kami babalik. Maraming Salamat po talaga. Ingat po kayo :)"
"Ok, kayo rin mag-ingat . . . ."
